Tittle: ♡It's Complicated♡ (Long Distance Relationship)By: ☆Sheenage_Ghail☆
Part 41
Team Building Day! Excited na ang lahat papuntang batangas... Bumukod ng sasakyan sina Ghail at Ronnie... Habang sina Rc at Anne naman ay nasa sasakyan ni Gab at ang mga ibang Co worker nila nasa iisang Van...Anne: Oh my God gurl, excited na ko mag two piece... Haha Rc: Ai nemen... Ako rin, ready na yung t-back ko...Anne: Ai kalerki!!! T-back talaga? Kadiri! (Biro nito) Rc: Aray!!!... ang hard nya talaga...Syempre charot lang baka mawalan pa ko ng trabaho pag nakita ni Sir Gab ang mala kutis porselana ko nuh!...Gab: Haha... Anu kaba Rc pwede mo naman suotin ang kahit anung gusto mo... Rc: Talaga!? See buti pa si Sir may moral support, ikaw kontrabida ka talaga sa buhay ko... Anne: Wala akong pake!!! (Biro nito) kaw Gab? Excited kanaba?Gab: Oo naman...Ito lang yung time natin makapag enjoy at makapag relax, kaya naman siguradong mag eenjoy ako, kasama ko ba naman kayo eh! Rc: Naks! Ang sweet naman ni Papa Gab! Kamusta na kaya yung dalawa dun sa likod? (Tumingin ito sa likod ng sasakyan at tanaw nito ang sasakyan ni Ronnie...Ghail: Baby! Dapat pala nag isang sasakyan na lang tayo nila Anne? Tahimik tuloy ng byahe natin...Ronnie: Bakit ayaw mo ba ko masolo?Ghail: Di naman sa ganun mas masaya sana bumyahe kapag marami kang kasama...Ronnie: Hayaan muna, mag kakasama naman kayo mamaya sa batangas. Kaya for now pag chagaan mo na lang muna na ako ang kasama mo. Sige ka mamimiss mo ko ng sobra kapag umalis na ko ng pinas.Ghail: Tampururut naman agad tong Baby Damulag ko, anu kaba masaya kaya ako na ikaw ang kasama ko... 'Wag na tampo ok? (hinawakan ang isang kamay nito)Ronnie: Haha... Di naman ako nag tatampo Baby.. Ayan malapit na pala tayo sa resort! Ghail: Yes!!! Excited much na si ako...Bumaba na ang lahat sa sasakyan at inabisuhan na ni Sir Gab na pumunta na sa mga Cottages at mag prepare para sa Team Building Challenges nila... Magkasama sa Kwarto sina Anne at Ghail habang mag kakasama naman sina Rc, Gab at Ronnie sa iisang Kwarto...Rc: Oh! My Gosh! Dalawang Papa ang makakasama ko sa Room... Ghail: Gurl!!! Pag aari namin yan ni Anne... Umayos ka dyan kung hindi matatagpuan na lang yang katawan mo sa gitna ng dagat! (Biro nito)Anne: Korek! Wag ka msyadong majarot...Kung hindi....(pag babantang biro ng mga ito) Rc: Grabeh... Narinig nyo yung mga jowa nyo este jowa mo Ronnie... Juske! Parang kailangan ko ng tawagin lahat ng santo sa buong mundo... Nakakaloka!!!...Reminder lang huh? Wag nyo ko pag sasamantalahan, dalagang pilipina pa ko... Chossss!!! (biro nito)Gab: Rc wag kang mag alala Rc... Wala kaming balak!... (nagtawanan si gab at ronnie)Rc: Ang galeng!!!... Pinag kakaisahan nila ako... Oh sya tara na excited na ko, para makapag prepare na tayo... Nag handa na nga ang lahat, bago nila simulan ang challenges, kumaen muna sila ng Lunch... Isang boodle fight na punong puno ng mga seafoods at iba pa...Sir Gab: Are you ready eat guys! (Sigaw nito)Rc: Oh yesss!!! Lafang nahhh!!!! (sigaw din nito)Masarap na kumaen ang lahat at nag enjoy sa pag kaing naka hapag sakanila...Gab: Oh guys... Rest lang tayo ng 1hr. then we will start the challenges... Ok?Yesss!!! Sir!!!....Ronnie: Gab thank you nga pala pinayagan mo ko sumama dito sa team building nyo...Gab: Wala yun... Mas marami mas masaya nga diba...Makalipas nga ang isang oras nag simula ng mag start ang team building nila...Gab: We divided you into 2 teams..The Red Team and the Blue Team... Each member has 10 members...Wait diba wala si jake? So kulang pala tayo ng isa...Ghail: Sir pwede bang mag import? Pwedeng si Ronnie na lang po ang pumalit kay Jake? Gab: Oh! Good Idea.. Ok ronnie kaw na lang pumalit kay jake para maenjoy mo rin itong mga games...Ronnie: Sige Gab, walang problema...Ghail: Galingan mo Baby huh?!..Gab: Reminder Guys! Ang grupo na hindi mananalo may parusa mamaya... Let's Start the Game!TeAm ReD TeAm BLuE☆ Ronnie ☆ Gab☆ Ghail ☆ Anne☆ Jacob ☆ Rc☆ Miles ☆ Jane☆ Tristan ☆ Migs☆ Kim ☆ Trish☆ Ian ☆ Kid☆ Pery ☆ Erin☆ Maru ☆ Luis☆ Nicolle ☆ Alyssa《 First Challenge 》"SALBABIDA MO, SUOT MO!"(Mechanics)Binubuo ito ng anim na miyembro bawat team...From starting point, iikutan ng isang miyembro ang lima pa nyang kakampi na may tig isang salbabida, kailangan masuot lahat ito ng isang myembro na napili nyo sa starting team at kailangan makuha lahat ang salbabida. Ang unang maka balik sa starting point sila ang panalo...Nagsimula na nga ang challenge si Rc ang umikot sa Blue Team, habang si Tristan naman sa Red Team... Nag unahan ang dalawa sa pag kuha ng mga salbabida sa mga katawan ng mga kasama nila...Nang bigla naman nadapa si Rc sa pang apat na salbabida...Rc: Oh! May Gosh!... Itayu nyo ko!...Di tayo pwedeng matalo...(habang hirap na hirap itong tumayo)Anne: Rc tayo!!!...Tawang tawa ang lahat habang nasa huling salbabida naman si Tristan at mukhang mauunahan na si Rc sa finish line...Ghail: Go!... Tristan! Bilisan mo, baka mahabol kapa ni Rc...Nakarating na nga sa finish line si tristan at nanalo nga ang Red Team.. Nag hiyawan ang mga ito...Wooohhh!!! Panalo tayo.. Ang saya!..Habang si Rc naman hindi na nakatayo sa dami ng salbabidang naka kabit sakanya...Rc: Gurl napagod yung katawang lupa ko...(hingal na hingal)Anne: Haha! Kasalanan mo yan, arte mo kasi tumakbo ayan nasubsob ka tuloy... Talo tuloy tayo... Halika na nga tulungan na kita... (tinulungan din ito ni gab)Gab: May 1 point na ang Red Team... Blue team may chance pa tayo humabol... 《 Second Challenge 》" TAG OF WAR "(Mechanics)Siyam na membro kada grupo ang pwedeng sumali dito..Unahan lang mag hilaan ng tali o lubid...Ang unang makalagay ng panyo na nasa gitna ng tali sa guhit ng starting point ng kuponan ay sya ang mananalo...Gab: Rc ikaw na lang ang tumingin kong sino mananalo...Ghail: Sige ako na lang hindi sasali this time....para maka laro yung iba, kami na lang ni Rc ang huhusga kung sino mananalo...Rc: Korek! Napagod ako dun sa unang challenge gurl...Gab: Ok! Game... Guys pumunta na kayo sa mga pwesto nyo...Nasa unang harapan sina Ronnie at Gab. Habang nasa likod naman ni Gab si Anne...Rc: Are you Ready?!!! 3,2,1 go!...Nagunahan nga mag hilaan ang mga ito at mukhang namumuro ang koponan ni Gab, mukhang ayaw nila mag patalo this time, habang may napansin naman si Rc...Rc: Gurl... Tignan mo oh! Batak na batak ang mga braso ni Papa Ronnie at Papa Gab oh! Ang yummy! (Pabiro nito)Ghail: Woooh!!! Go! Baby!...kaya nyo yan...Go! Red Team... (sigaw nito) Kaloka ka gurl, sabi ni Gab sa lubid ka tumingin hindi sa braso nila...Ang jarot jarot mo talaga...Gusto mo kurutin ko yang singit mo? (Biro nito)Rc: Ah!! Eh!! Hehe... Ang Yummy kasi eh!.. Sarap sa mata! (tawang tawang biro nito)Habang nahahatak naman paunti nila ronnie ang tali, nag biglang nag salita si Gab...Gab: Anne umurong ka sakin, kukuha lang ako ng pwersa at hihilain ko ng pabigla ito para manalo tayo..(habang pawis na pawis na)Anne: Ok! Guys urong daw ng konti...Kumuha nga ng pwersa itong si Gab at biglang hinila ang lubid, napasubsob naman ang kabilang team sa pwersang ginawa ni Gab, hindi nya namalayan na daganan nya na pala si Anne...Anne: Aray!!!(sigaw nito)Gab: (Napatingin ito sa likod) Hala... Sorry Anne...(tumayo) Ok ka lang ba? Wala bang masakit sayo? (Pag aalalang taranta nito)Anne: Huhu... Ang bigat mo kaya Gab...Oo lang ako medyo nabigatan lang ako sayo...Gab: Sorry talaga... (tinayo ito sa pag kakaupo)Anne: Anu kaba ok lang... Panalo naman tayo! Wooh!!! (Sigaw nito)Nagsaya ang buong Blue Team sa pag kapanalo nila, lumapit naman si ghail kay ronnie at kinamusta ito...Ghail: Baby... Ok ka lang? Ronnie: Ok lang Baby... Ang lakas pala nitong si gab...Rc: Woooh!!! May one point na kami... Go Blue Team!!!...Gab: Oh guys... pareho ng may points ang Blue at Red team... Nasa huling Challenge na tayo for today...《 3rd Challenge》"VOLLEY BALL"(Mechanics)Sa larong ito 3 sets lang tayo... Ang una makadalawang puntos sya ang panalo...Rc: Ai bet ko yan...Nag simula na nga sila mag laro... Naging mabilis ang puntos na nagawa ng blue team kaya naman sila ang nanalo sa first set. Sa pangalawang set naman, bumawi ang ang Red team...kaya naman It's A Tie na ang laban... Nung huling set, halos buhis buhay na ang laban kaya naman....Pag hampas ni jacob ng bola...Dahil sa intense na laban...Sa hindi sinasadyang pag kakataon natamaan nito si Anne sa mukha at ikina tumba nito...Gab: Jacob!!!... (Sigaw nito) mag-ingat ka naman...(galit na sambit nito at nilapitan si Anne)Jacob: Sorry Sir! Di ko po sinasadya.. Sorry Anne...Gab: Anne... Ok ka lang? (Pag aalala nanaman nito)Anne: Ok lang ako Gab medyo nahilo lang ako sa hampas ng bola sakin, wag muna pagalitan si jacob, laro lang ito...Gab: Sigurado ka? kaya mo mag lakad?Anne: Uhm...ok lang ako(habang hawak ang ulo, pagtayo nito bigla ito natumba, buti na lang andun si gab at nakaalalay) Nahihilo talaga ako...Kaya naman binuhat na ito ni Gab at dinala nya ito sa may tabi...Rc: Ayiiieee... Gurl alam mo, imbis na maaawa ako kay Anne... kinilig ako haha... Binuhat pa talaga nya si Anne... If I know bet na bet nya yun...Ghail: Loka! Na disgrasya na nga yung tao... Pero korek ka dyan... Sweet din pala itong si Gab nuh?Rc: Korek! Ronnie: Aus lang ba si Anne? Anne: (Nawiwierdohan naman si Anne sa mga kinikilos ni Gab) Aus lang ako Gab, napalakas lang yung bola kaya nahilo ako...Gab: Aus ka dyan tignan mo nga yang mukha mo. Namumula na. Wait ah! kuha lang ako ng Ice... Lumapit sina Ghail, Rc at Ronnie...Ghail: Yamz kamusta na pakiramdam mo?Anne: Medyo nahihilo pa, lakas kasi ng pag hampas ni Jacob sa bola, pero keri naman...Rc: Gurl grabe ang pag-aalala ni Gab sayo oh!...Haba ng hair mo teh! Anne: Ang wierd nya nga eh! Di ako sanay na ganun sya sakin...Rc: Hai naku baka naman?... May gusto na sya sayo?Anne: Loka! Kahit bet ko yang si Gab alam ko type nyan nuh! At hindi ako yun... Ayaw ko maging hopia...Tinuloy naman nila ang laro at nanalo ang Red Team... Kaya naman pinag pahinga na ni Gab ang mga empleyado nya...Gab: Guys! Sige mag pahinga na muna kayo, sa mga natalo pala... Ang parusa nyo mag peperform tayo mamayang gabi sa Bonfire Activity natin...Kaya ihanda nyo na ang mga talent nyo ok? (Tugon nila) Ok Sir!.... Nag sipag balikan na ang lahat sa mga Cottage Room nila, at patuloy na inalalayan ni Gab si Anne... Papuntang kwarto nila...Anne: Aus na ko Gab, di mo na ko kailangan alalayan... Gab: Sigurado ka? Kailangan mo ba ng gamot? Meron ako sa bag...Anne: Aus lang, papahinga ko lang ito, mamaya ok na ok na ko... Salamat pala...Gab: Salamat saan?Anne: Sa pag aalala chaka sa pag aalga... Gab: Wala yun, chaka obligasyon ko kayo, anuman mangyari sainyo, kargo ko kayo... Ghail: Baby tignan mo yung dalawa oh! Ang sweet! Parang may something na si Gab kay Yamz...Ronnie: Naiingit kaba Baby? (Sabay akbay nito sakanya.) Panu mo naman nalaman na may something?Ghail: Anu kaba Baby! Parang di ka lalake... Tignan mo nga kilos ni Gab...Ronnie: Sabagay parang ako lang nuon sayo nung nanliligaw pa ko....Hihi! (Kinilig sa sinabi nito)Ghail: Hala sya! Kinilig bigla?! Haha...Rc: Hai anu ba yan!... Ang daming langgam dito... Nakakainis! Mauna na nga ako sainyong apat! Di ko na keri nakikita ko... Ang sakit sa mata, lalong ang sakit sa puso...(biro nito)Ghail: Yamz... Mukhang naiingit si Rc satin...Bukas nga mahanap nga ng boylet yan... Anne: Haha... Sakto maraming shokoy sa dagat! Gab: Kaw talga Anne...(Nag tawanan ang mga ito )
☆____☆
May something na nga ba kaya si Gab kay Anne?Abangan.....
BINABASA MO ANG
It's Complicated Story
Любовные романыA complicated stories where you can learned and be inspired with their journey. ☺️