Tittle: ♡It's Complicated♡ (Long Distance Relationship)By: ☆Sheenage_Ghail☆
Part 52
Kumuha nga ng gamot at pamunas ang Mama ni ghail at bumalik ito sa kwarto nito...Mama: Nak! Anu pang masakit sayo? Pansin ko kanina kapa umiiyak? Gusto mo... Pa check up na kita? (Habang pinupunasan ito)Ghail: Hindi na Ma...Inom na lang po ako ng gamot... Mama: Oh! Sige... kumaen ka muna para makainom kana ng gamot..Ghail: Ma wala po akong gana... Pwedeng inom na lang po ako ng gamot...Mama: Panu ka gagaling agad nyan anak? Kung ayaw mo kumaen?Ghail: Iwan nyo na lang po yung pag kaen dyan... kakaen na lang po ako mamaya... Sa ngayon gusto lang po matulog... Mama: Oh sige sige... basta subukan mo kumaen mamayang pag ka gising mo... Oh! Ito na yung gamot, inumin mo na (iniabot at pinainom ito)Habang si Ronnie naman ay tumatawag sa phone ni ghail...(Ronnie's Calling.....)Mama: Nak! Tumatawag si Ronnie... Sasagutin ko na ba?Ghail: Ma... Amina na po yung phone... (matamlay na tugon nito at sabay inoff ang phone nya)Mama: Oh! Bakit di mo sinagot? (Pagtataka nito)Ghail: Hayaan mo na Ma...Chaka wala po akong ganang mag salita...Mama: Oh! Sya sige na... mag pahinga kana... Itulog mo muna yan... Habang si Ronnie naman ay hindi na mapakali...Halos di nya alam ang gagawin dahil ayaw sagutin ni ghail ang mga tawag nya... Kaya naman tumawag ito sa Daddy nya...Ronnie: Daddy... (habang naginginig ang boses na tila'y pinipigilan ang pag iyak)Daddy: Oh! Anak... Bakit ganyan ang boses mo? Chaka late na ah!... Bakit gising kapa?Ronnie: Kasi po Daddy... ayaw na po sagutin ni ghail ang mga tawag ko... Daddy: Huh? Bakit anak? Anu bang nangyari?Ronnie: Ganito po kasi yun...Ikiwento nga ni Ronnie ang mga nangyari at nagulat ang kanyang Daddy...Daddy: Mahirap yan anak, lalo na nakita pa ng dalawang mata ni ghail ang mga nangyari... Though alam ko namam na hindi mo magagawa kay sakanya yun... Mabuti pa anak kausapin mo yung Trixie... Para malaman mo kung anu nga ba nangyari sainyo... Tapos kapag di ka pa rin kinausap ni ghail ako ng bahala kumausap sakanya para maipaliwanag mo lahat ng nangyari... Pero anak ihanda mo ang sarili mo... Dahil sa pangyayaring ito pwedeng sira na ang 'TIWALA' sayo ni ghail... Ronnie: Daddy... Ang hirap... Hindi ko po kakayanin kapag na wala sakin si Ghail... Hindi ko po ginusto yung nangyari....Daddy: Alam ko anak... Pero nandito kana sa sitwasyon na susubukin na ang relasyon nyo. Kaya mag pakatatag ka...( Awang awa ito)Ronnie: Thanks Dad... Pag katapos naman ng office hour nila Gab at Anne...Tumungo na ito kila ghail...Anne: Hi po Tita... (Nag mano sila ni Gab)Mama Sally: Oh! Anne, Gab... Buti nandito kayo? Tara pasok sa loob...Anne: Dadalawin lang po sana namin si Ghail... Kamusta na po sya?Sally: Ayun mataas pa rin ang lagnat, ayaw din kumaen... Puntahan mo nga baka sakaling mapilit nyo syang makakaen...Anne: Sige po tita... punta lang po kami sa kwarto nya... Sally: Sige mga anak!...Gumawi ng ang mga ito sa kwarto ni ghail...Anne: Yamz... Gising!...(habang naka upo sa kama nito)Ghail: Oh!... Yamz! Bakit andito ka? Oh Gab ikaw din?Anne: Syempre dinadalaw ka, mataas daw lagnat mo? Ghail: Ah! Oo eh...Anne: Hindi ka pa daw kumakaen... Ito may dala kaming prutas ni Gab, kainin mo muna ito...Ghail: Wala talaga akong gana kumaen Yamz...Anne: Teka bakit namamaga mga mata mo? Umiyak kaba? Ghail: (Natahimik na lang ito at biglang niyakap si Anne, at bigla itong naluha)Anne: Oh! Yamz... Umiiyak kaba? Anong problema? Sinenyasan naman ni Anne si Gab na lumabas muna at isara ang pinto...Lumabas naman si Gab at na unawaan ang pahiwatig ni Anne...Sally: Oh! Gab bakit ka lumabas? Gab: Uhm... Pinalabas po ako ni Anne... mukhang may pag uusapan po yata sila...Anne: Yamz... Anong problema? Ghail: Yamz... Baka mag hiwalay na kami ni Ronnie Anne: What? Bakit?....Nagpatuloy lang sa pag iyak ito, maaring ayaw nya sabihin ang dahilan kay Anne dahil ayaw nya rin masira si Ronnie sakanila...Anne: Nauunawaan ko Yamz kung hindi mo pa masabi sakin ngayon ang dahilan, basta tandaan mo andito lang ako lage... Anytime! Tama na wag kana umiyak, naiiyak na rin ako eh! Ghail: Thank You Yamz...Anne: Kumaen kana ok? Hindi pwedeng malugmok ka ng ganyan dapat mas lalo kang maging matatag... Habang nag kwekwentuhan naman sina Gab at Mama Sally... Bigla may nag tao po sakanilang bahay...Sally: Sino ho yan? (Pag labas nito ng pinto nakita nya ang daddy ni Ronnie) Oh!!! Luis? Napadalaw ka? pasok ka, hai baby teo...Teo: Hello po...(nag mano)Daddy Luis: Ah!...Dadalawin lang sana namin si Ghail... Namimiss na kasi sya ni Teo...Pero ang totoo nyan ay gusto nya makausap si Ghail... Dinahilan na lang nya si Teo para di makahalata ang family nito...Sally: Naku... Di pwede lumapit si Teo kay Ghail ngayon kasi mag lagnat sya at baka mahawa... Nga pala si Gab... Boss nila ghail...Lius: Ah! Oo nakita ko na sya nung 1st anniversary nila Ronnie at Ghail...Gab: Hello po...(nag mano)Sally: Teka huh... sabihin ko lang na andito ka... Luis: Ah! Sally pwedeng ako na lang pumunta sakanya sa kwarto? Para hindi na rin sya lumabas...Sally: Oh sige samahan na lang kita papunta sa kwarto nya...Oh! Gab kaw na muna bahala kay Teo huh? Gab: Ok po Tita... Tumungo nga sila sa kwarto at kumatok sa pinto...Sally: Nak! Andito ang Tito Luis mo...Anne: Hala Yamz... Punasan mo na muna yang luha mo...Dali dali naman pinunasan ni ghail ang mga luha nito...Para hindi makita ng mama at tito luis nya...Anne: Sandali lang po Tita... Anu yamz ok na? (Binuksan ang pinto)Luis: Oh! Anne ikaw pala...Anne: Hai Sir... (mano po) Sige po labas muna po ako...Pumasok naman si Tito Luis sa kwarto...Sally: Luis maiwan na muna namin kayo... Pag hahanda ko lang kayo ng meryenda...Luis: Salamat!...(tugon nito kay Sally)Ghail: Oh! Tito napa dalaw po kayo? (Nag mano ito)Luis: Ang init mo iha!...(pag aalala nito) God bless... Alam mo naman na siguro kung bakit ako napa rito?Ghail: Tungkol po ba kay Ronnie? (Hindi na niya napigilang maluha)Luis: Oo iha... Alam ko nag kamali ang anak ko at hindi ko kinukunsinti yun, andito ako para pakiusapan ka na... Sana hayaan mo lang syang mag paliwanag sayo... Kasi hirap na hirap din ang kalooban nya ngayon sa mga nangyari... Ghail: Sa totoo lang po, hirap na hirap po ang kalooban ko sa mga oras na ito... Hindi ko po alam kung kaya ko na sya kausapin... Pero makakaasa po kayo na pag medyo ok na po ako... Ako na rin po mismo ang tatawag sakanya para marinig ko po ang side nya... Sobrang sakit lang po talaga kasi Tito...Lius: Naiintindihan kita iha...Maraming Salamat kasi kahit hirap ang kalooban mo ngayon... Naisip mo parin kausapin ang anak ko... Ghail: Oo naman po Tito... Naging part din naman po sya ng buhay ko... Deserve nya at deserve ko po marinig lahat sakanya... Oras lang po ang hinihingi ko... Sana maunawaan nyo po... Wag din po kayo mag alala... Hindi po malalaman nila Mama ang nagyari, kahit masakit po para sakin ito... Gusto ko pa rin po na hindi mag bago ang tingin nila kay Ronnie...Luis: Na pakabuti mo anak... Sana I guide ka ni God sa anumnag desisyon na gagawin mo, ako na ang unang hihingi sayo ng paumanhin sa nagawa ng anak ko sayo...Ghail: 'Wag po Tito... Kung anu man ang nagawa ni Ronnie... Labas na po kayo doon... Luis: Salamat Anak sa pang unawa...Oh! Panu di rin ako magtatagal... Mag pagaling ka huh? Alis na rin ako... Salamat ulit!Ghail: Sige po Tito... Ingat po kayo.(Matamlay na tugon nito)Pag labas ni Daddy Luis ng kwarto bumuhos ang luha ni ghail...Luis: Sally kami'y aalis na...Sally: Ang bilis naman? Mag meryenda ka muna?Luis: Hindi na... Pero Salamat!...Halika ka na Teo... Uwi na Tayo...Sally: Hala sige... Mag iingat kayo Anne: Ingat po Sir!...Sally: Ang wierd ng mga kinikilos ng mga tao ngayon nuh?Anne: Bakit po Tita? Sally: Iba kasi yung pakiramdam ko, para bang may kakaiba sa mga nangyayari ngayong araw na ito...Anne: Haha.. Si Tita talaga... Wala yan...Wag na lang po kayo mag isip masyado... (Pag papalusot nito para hindi nya maisip na may problema si ghail)Habang kina umagahan naman hindi nakatulog si Ronnie at pumasok sa trabaho para kausapin si Trixie...Ronnie: Excuse me guys! Can I talk to trixie (pigil ang galit)Mike: Dude... Galit ba si Ronnie?Carlo: Ewan ko Dude pero parang galit nga sya kay Trixie... Anu kaya nangyari? Pumunta sila sa pantry ng office para wala makarinig sa usapan nila...Trixie: So...What do you want Ronnie? (habang hawak nito ang Neck Tie at parang inaakit nito)Ronnie: Stop doing that Trixie!!!.. Alam mo ang gusto kong pag usapan. (habang galit na galit na sambit nito)Trixie: About the Last Night!.. Did you enjoy it!? (Ngiting ng aakit)Ronnie: Damn!!!... Trixie... I'm not playing with you... Answer me!!! May nangyari ba satin' dalawa?Trixie: Ok! Fine!... Stop shouting me!... Walang nangyari satin' dalawa, i just take off your clothes and I do the same... Then natulog lang ako sa tabi mo... Happy!? (Pagmamataray na boses nito)Ronnie: Sh...@#!/!&!!!.. Happy!? How can be happy? If you ruin my relationship with my Girlfriend... Did you know that the girl you talk with in the monitor last night? That was My Girlfriend.... And now your telling me that Im happy? Damn Trixie!!... Why your like that... I have a big respect for girls... But for what you did!!... Kahit sarili mo hindi mo ni Respeto... Shame on you! (Nag walk out habang galit na galit)Wala ng nagawa si Trixie kung hindi manahimik at para bang nanliit ito sa sarili, ng marinig nya ang mga masasakit na salita na nang galing kay Ronnie...Mike: What happen Dude?(pagtataka)Carlo: Why you were shouting Trixie?Ronnie: Isa pa kayo... Kung hindi nyo pinapunta yang babaeng yan sa apartment ko, hindi sana kami mag kakagulo ng Girlfriend ko ngayon... (kinuha ang bag at nag walkout)Habang Bumubuti naman na ang lagay ni Ghail...Mama: Nak! Musta na pakiramdam mo? Ghail: Medyo ok na po Ma... Pag di na po ako nilaganat mamayang Gabi... Papasok na po akp bukas.. Ilang araw na rin po akong absent...Mama: Sigurado ka? Kaya mo na?Ghail: Opo Ma!... Lalp lang po ako mag kakasakit kung mag stay ako ng matagal sa kwarto ko... Mama: Mabuti naman... Oh sya mag pahinga at kumaen kana muna para lalo kang lumakas...Ghail: Ma pwede po bang payakap? Mama: Aba anung nakaen mo? Sige!...(niyakap ito)Ghail: Thank You Ma... Malaking bagay po ang yakap nyo sakin (habang nag pipigil ng iyak )Mama: Asus... Ang drama mo lately anak... May pinag dadaanan kaba? Ghail: Wala po... Si Mama talaga oh! Sige na po tutulog lang po ako ulit...I Love You Ma...Mama: Mahal na mahal din kita anak!
☆____☆Kelan kaya kakausapin ni Ghail si Ronnie? Anu kaya magiging reaction nya kapag nalaman nya ang totoong nangyari?
Abangan....
BINABASA MO ANG
It's Complicated Story
RomanceA complicated stories where you can learned and be inspired with their journey. ☺️