Tittle: ♡It's Complicated♡ (The Break Up)By: ☆Sheenage_Ghail☆
Part 69
Lumipas nga ang linggo at buwan nag patuloy si Ronnie sa pagsuyo at pag balik ng tiwala ng pamilya ni Ghail. Halos dalawang beses sa isang linggo ito pumupunta.Habang si Ghail naman ay walang ka alam alam sa mga nangyayari... Dahil gusto ni Ronnie na isekreto ang pag dalaw nya sakanila...Unti unting nanumbalik ang tiwala ng mga ito sakanya... Hanggang isang araw....Papa: Ronnie... Bilib ako sa dedication mo... Na kahit hindi alam ng anak ko na nag pupunta ka dito. Di ka pa rin tumitigil na bumalik balik dito... Kaya naman....(natigilan ng ilang segundo) Makukuha mo na ang kapatawaran ko...Ronnie: Talaga po? Maraming Salamat po Tito... (maiyak iyak na sambit nito habang bigla niyang niyakap ang papa ni ghail)Papa: Tama na ang iyak! Parang di ka lalake... Deserve mo naman ang kapatawaran ko... Basta kung sakaling mag kabalikan man kayo ng anak ko... Wag na wag mo na sya sasaktan huh?Ronnie: Pangako po Tito... Hinding hindi...Tuluyan na nga nag kaayos sina Ronnie at Papa ni ghail...Lumipas naman ang mga araw at nagkaroon ng pagkakataon na maimbitahan ang Hiking Club ni Ghail sa "SAGADA" sa Mountain Province...Kaya naman gabi pa lang nag prepare na si Ghail ng mga gamit nya...Mama: Oh! Nak... Ingat kayo doon huh? Medyo mataas yung bundok na yun...Ghail: Ma wag kang mag alala... Marami naman kami kasama doon..Kaya wag kana mag alala huh? Papa: Hanggan kelan ka ba doon?Ghail: Isang gabi lang po kami sa Sagada pero baba muna po kami ng Baguio bago umuwi...Papa: Mag iingat ka at dahan dahan lang sa pag mamaneho...Ghail: Opo pa.... Panu alis na po ako huh? Bye po...Sumakay ito sa sasakyan at umalis na patungong Mountain Province...Mama: Pa bakit ganon? Kanina pa ko kinakabahan?Papa: Wag kana kasi masyado mag isip Ma... Halika... Mag alumsal na tayo...Pag sikat ni Haring Araw...Tumatawag si Anne kay Ghail pero di ito sumasagot...Anne: Bakit di kaya sumasagot si Yamz? May importante pa naman akong itatanung? Siguro nag dridrive pa yun...Kaya naman tinawagan nya si Ronnie... Para alamin kung mag kakasama ba sila...(Anne's Calling)Ronnie: Oh! Anne na patawag ka?Anne: Tatanung ko lang sana kung kasama mo ba si Ghail? Kasi nina pa ko tumatawag di sya sumasagot...Ronnie: Hindi ko sya kasama... Kasi di ako nakasama sa "SAGADA" kasi may inaasikaso ako...Anne: Ah! Ganun ba? Tatanung ko lang sana kung may iba na silang kasama ni Ivan... Kasi sabi nya sakin kagabi di daw pwede lahat ng member nyo... Silang dalawa lang daw ni Ivan ang aakyat ng bundok... Nag aalala kasi ako na baka kung ano gawin ng Mokong na yun sa kaibigan ko... Ronnie: Bakit naman ganun ang naisip mo Anne? Base naman sa nakikita ko, ok naman si Ivan...May pagka mayabang nga lang pero mukhang matino naman...Anne: Naku Ronnie iba talaga Vibes ko doon sa lalakeng yun... Iba kasi makatingin kay Ghail yun... (pag aalala nito) Hindi kaba susunod man lang? Ronnie: Grabe ka Anne kinabahan naman ako sa sinabi mo... Sige gagawan ko ng paraan na ma cancel yung Lakad ko... Agad agad ako susunod ng Sagada...Anne: Thanks! Ronnie... Kaw na bahala kat Yamz huh? Ronnie: Oo sige ako na bahala... Wag kana masyado mag isip huh?Anne: Sige... Salamat! Text mo ko agad kung makakasunod ka huh...Ronnie: Ok!....Dali dali nga nakagawa ng paraan si Ronnie ma cancel ang lakad nya para makasunod agad kila Ghail sa Sagada...Habang tinawagan naman nito si Chard para i confirm kung sila lang ba talagang dalawa ang umakyat ng bundok...(Ronnie' s Calling)Chard: Hello Ronnie... Napatawag ka?Ronnie: Chard... Sino sino nga pala ang na kasama sa Sagada?Chard: Ah... Si Ghail at Ivan lang... Sayang nga di rin ako pwede...Ronnie: Ah! Ganun ba? Pwede bang sumunod sakanila?Chard: Kala ko ba may importanteng lakad ka?Ronnie: Oo! Pero na pa resched ko na kaya pwede na kong makahabol?Chard: Sige kaw bahala... May mga nag guguide naman doon eh, mabuti nga yun para may makasama yung dalawa doon...Ronnie: Sige... Salamat!Dali dali ngang nag impake si Ronnie at pumunta ito ng "Sagada"...Habang sina Ghail naman ay malapit nakarating na ng Mountain Province...Ghail: Ganda dito noh? Ang lamig...Ivan: Oo nga.... Sayang wala yung mga iba nating kasama...Ghail: Buti na lang talaga... Pwede tayong dalawa. Kung hindi nakakahiya naman sa nag invite satin dito...Ivan: Sinabi mo pa... Oh! Ito na pala si Kuya... Sya daw ang mag guguide satin. Pero baba din daw sila after natin maka akyat...Ghail: Ah! Ok.... Kuya tara na po?Nag umpisa na nga umakyat ang mga ito sa bundok at hindi rin biro ang lamig kaya naman... Medyo pahirapan ang pag akyat nila...Ivan: Aus ka lang Ghail? Ghail: Ayos lang... Medyo malamig lang pero keri lang naman...Habang si Ronnie naman ay on the way na sa Sagada at tinawagan na lang si Anne para mapanatag ito...(Ronnie's Calling)Anne: Oh! Ronnie anu nang balita?Ronnie: On the way na ko sa Sagada Anne... Na cancel ko na yung lakad ko... Wag kana masyado mag alala ok? Makakaasa ka na hindi ko papabayaan si Ghail...Anne: Hai Salamat!... Kaw na bahala ah? Ingat sa byahe...Hanggang sa makarating na nga ito sa Sagada at nag patulong na lang ito sa isang tourist guide doon...Ronnie: Kuya marami po bang umakyat ngayon?Tourist Guide: Wala po masyado ngayon Sir... Kasi weekdays ang araw... Usually po marami ang umaakyat kapag weekend...Ronnie: Ah! Ganon ba? Kasi yung dalawa kasama ko na una na dito kanina pang umaga...Guide: Ah! Opo meron ng dalawang umakyat doon...Siguro po ngayon nakarating na po ang mga yon sa tuktok...Ronnie: Ah! Sige... Akyat na tayo...Umakayat ng ang mga ito... Habang si Ivan at Ghail naman ay nakarating na sa taas... At inumpisahan na nilang gawin ang tent nila...Habang ginagawa ito... Nag paalam naman na ang guide nila na baba na ito...Guide: Ma'm baba na po ako... Ingat po kayo huh...Ghail: Salamat po kuya...Bumaba nga ito ng bundok at naiwan sina Ghail at Ivan...Walang ibang touristang naroon... Kaya naman solong solo nila ang lugar...Matapos nila gumawa ng tent nag luto na si Ghail ng Tanghalian nila ni Ivan...Habang sina Ronnie naman ay nakasalubong nila ang tour guide nila Ghail....Guide 2: Oh! Baba kana? Na hatid mo na sila?Guide 1: Oo... Baba na ko...Kita na lang tayo doon mamaya... Ingat po Sir! (sambit nito kay ronnie)Nag patuloy nga mag lakad ang mga ito...Habang na tapos naman sila Ghail sa pagkaen nila... Medyo late na kasi silang na kapag lunch...Kaya naman na isipan ni Ghail na mag lakad lakad sa paligid at na kahanap ito ng magandang view...Ghail: Uhm.... (pumikit ito at ninam-nam ang simoy ng hangin)Nang bigla na lang sumulpot si Ivan sa tabi nya...Minulat ang mata, laking gulat nito ng makita nya si Ivan...Ghail: Aiiiiii!!!! Grabe ka Ivan aatakihin naman ako sa puso sayo... Bigla ka na lang sumusulpot...Ivan: Sorry! Haha... Ang lamig noh!!! (sumimpleng umakbay ito sa balikat ni Ghail)Ghail: Ah Oo nga... (pasimple naman tinangal nito ang kamay ni Ivan sa balikat nito) Habang sila Ronnie naman ay nakarating na rin sa taas... Nakita nya ang mga tent nito pero wala ang dalawa...Kaya naman takang taka ito kung asan ang mga ito...Nag paalam naman agad ang tour guide nya... Guide 2: Sir baba na ho ako... Baka po kasi gabihin pa ako...Ronnie: Sigurado ka? Di kaman lang mag papahinga?Guide: Di na po... Sanay na rin po kami umakyat panaog dito...Ronnie: Ah! Sige ito yung bayad ko...Guide: Ai hindi po... Pag baba nyo po kami babayaran.Naka record po kasi yun...Ronnie: Ah! Ok Salamat...Bumaba na nga ang tour guide at dali dali naman binaba ni Ronnie ang gamit nya at hinanap sina Ghail...Ronnie: Asan kaya sila?...Ghail: Tara na Ivan... Pagabi na rin. Para makapag prepare tayo ng hapunan.Ivan: Wait Ghail!!!... Hinawakan nito ang kanyang kamay at hinila ito papalapit sakanya at niyakap nito ang likuran ng bewang nya para lalo pang mapalapit ito.Ghail: Ivan! Anu ba? Bitawan mo ko? (Medyo naiinis na sambit nito) Anu ba ginagawa mo?Ivan: Dito muna tayo (sabay akmang hahalikan nya ito)Umiwas naman agad ito at sinampal si Ivan... Habang yakap yakap parin nito ang bewang nya...Ghail: Anu ba?... Bitawan mo sabi ako!!! (Galit na natatakot na sbit nito)Ivan: Ang sakit nun ah! Pero yan ang gusto ko palaban... Pilit na pumapalag si Ghail pero dahil malakas ang katawan ni Ivan hindi ito makaalis... Mukhang may balak nga itong pag samantalahan dahil gusto nya talagang mahalikan ito...Ghail: Tulong!!!... (mangiyak ngiyak na sambit nito habang umiiwas sa mga halik nito at pilit na kumakawala...Nang marinig ni Ronnie ang isang boses ng isang babae na sumisigaw... Kaya dali dali itong tumakbo at sinundan ang tono ng babae kung saan ito...Ivan: Wala ka magagawa... (tawang tawa na sambit nito) Tayong dalawa lang dito... Kaya akin ka lang...Ghail: Manyak!!! Bitawan mooo kooo!!!..Nakikiusap ako sayo... Please!....Nang makita na nga ni Ronnie ang mga ito at kitang kita nya na pilit nya pinag sasamantalahan si Ghail...Tumakbo ito papalapit sakanila at galit na galit...Ronnie: Ga!@!#$*o ka!!!!... (sabay suntok nito sa mukha ni Ivan)Ivan: Wag kang makielam dito!!! (Binalikan naman nya ng suntok)Habang si Ghail naman ay takot na takot at iyak ng iyak...Patuloy lang nag sintukan ang dalawa..Ghail: Tama na!!!... (sigaw na iyak na sambit nito)Kaya lang hindi ito pinansin ng dalawa... Halos duguan na ang bibig ni Ivan at kahit si Ronnie din ay tinamaan na ang labi...Lumapit si Ghail sakanila at pilit na inaawat ang mga ito... Sa di sinasadyang pagkakataon...Natamaan ni Ivan si Ghail at nahulog ito sa bangin....Ghail: Tama na sabi!.... tama na!!!!.... Waaaaahhh!!! (Sumigaw dahil nahulog ito)Nagulat si Ronnie kaya naman napasigaw ito..Ronnie: Ghaaaaaillll!!!!...Napalingon si Ivan at nakita nga nitong nahulog si Ghail... Kaya naman dali dali itong umalis sa lugar...Kinuha nya ang Bag nya at iniwan nya na ang tent nya at dali dali itong bumaba ng bundok!Sinilip agad ito ni Ronnie... Buti na lang nakakapit si Ghail sa isang sanga ng puno...Ghail: huhuhu! Ronnie!!! Tulong...(sigaw nito habang umiiyak)Ronnie: Ghail kapit ka lang.... Iaabot ko ang kamay ko...Wag kang bibitaw please... (takot na kinakabahan ito)Ghail: Ronnie!.... Di ko na kaya!.... nahihirapan na ko! Ronnie: Baby!... Kapit lang!... ito na yung kamay ko.... Maabot na kita! Ghail: Huhuhu... Ronnie Kung anu man mangyari sakin ngayon... Kaw na bahala sa pamilya ko please.... (hirap na hirap na ito sa pag hawak sa sanga)Ronnie: Wag ka mag salita ng ganyan... Maliligtas kita... (iyak na sambit nito, habang pilit pa rin inaabot ang kamay nito kay ghail)
☆_____☆Nahulog nga si Ghail sa bangin....Maliligtas pa kaya ito ni Ronnie? O tuluyan na ito mahuhulog?Abangan!....
BINABASA MO ANG
It's Complicated Story
RomanceA complicated stories where you can learned and be inspired with their journey. ☺️