CHAPTER 1

31 3 0
                                    

Nagising ako sa lakas ng tunog ng aking alarm clock.Pagtingin ko sa orasan,5:00 am palang.Dahil ang aga pa,kinuha ko ang cellphone ko syaka nag log in sa facebook.Istalk ko na naman si crush baka kasi may humaharot na sa kanya.Nung nakalog in na ako,dali-dali kong ni search ang name niya.Matagal na akong nag add friend sa kanya,di man lang niya ni aaccept.Attitude ka crush?

Di ko na pinansin ang notiffication ko,basta ang pake ko,makita ko ang crush ko,shet!self,ang harot amp!Dahil sa pagkabored,tumingin ako sa notiffication ko.Nung makita ko na,agad nanlaki ang mata ko at nakabuka pa ang bunganga ko.Parang libo-libong butterfly ang nasa tyan ko at nagkukulit sila.Ilang ulit kong binasa yun...Akala ko nananaginip lang ako.Kinusot-kusot ko pa mata ko,tinapik-tapik at kinurot-kurot pero ganun parin.Ako lang nasasaktan sa ginagawa ko.Dun ko na lang namalayan sarili ko na nagtatalon talon habang sumisigaw.

'Aries Clyde Valdez,accepted your friend request'

"KYAHHHHHHHHHH"sigaw ko at nagtatalon talon sa tuwa habang sumasayaw pa.Nang bigla kumalabog ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa doon  ang tatlong nag gagwapuhang nilalang sa buhay ko.Syempre,mas gwapo parin ang crush ko,acckkk.

"Asan ang magnanakaw?"

"Nasaan ang rapist?"

"Ateeeee asan na yung akyat bahay?"

Kanya-kanyang tanong nila habang ako nakatingin sa kanila ng natatawa.Si papa na nakahawak ng walis,si kuya na handa ng makipagsuntukan at ang bunso namin na handa ng mamalo.Nakatingin ako dito,pilit pinipigilang wag matawa sa style nila.Pero di ko nakayanan kaya i burst out laughing.Tinignan nila ako na parang sinasabi nilang nababaliw na ako.

"Ate!nadefeat ako sa ml para lang puntahan kita dito kasi akala ko may akyat bahay ng namasok sayo dito tapos tumatawa ka na parang baliw dyan,"Sabi ng kapatid kong si Axel,batang mahilig maglaro ng online games,matalino at syempre gwapo,saan paba magmamana edi sa kuya ko.Habulin din yan,gaya ko.Kaso ang pinagkaiba namin,siya yung hinahabol,ako naman naghahabol sa taong di ako gusto awttss.

"Tsk!Artemis!di pa ako natapos makapagbihis para lang puntahan ka dito baka may nangyari sayong masama tapos madadatnan kita dito at tatawanan lang kami?Ano ba kasing ginagawa mo dyan at nagsisisigaw ka hah?!Dinig na dinig boses mo sa labas alam mo ba yun?"salubong ang kilay na sabi ng kuya kong si Ashton Drake,Isang taong ubod ng sungit din,pero may tinatago ding bait.Shh lang kayo ahh.Gwapo din yan,playboy nga lang.Natatawa ako dahil nakaboxer lang siya at may bula pa ang parte ng mukha niya kung saan nagseshave na naman siya ng balbas niya.

"Baby girl naman,tignan mo oh,natapon pa sakin ang kape ko nung sumigaw ka.Ano ba kasing sinisigaw-sigaw mo?"Tanong sakin ni papa habang tinitignan ako.Tumatawa parin ako dito habang nakatingin sa kanilang tatlo.Ang laugh trip kasi nilang tignan eh.

"Bwahahah,kyahhhh kasi naman papa,yung crush ko ackkk.Inaccept na niya friend request koooooo!!!"Sabi ko ng di magkamayaw sa kilig syaka nagpagulong gulong sa kama kaya ayun,nahulog tuloy ako.Ako naman pinagtawanan nila.Lintik na,arrgg panira ng moment ang kamang to.Kailangan ko na siguro ng kayakap acckkk.

"Yan,kaya pala sumisigaw ka dahil na naman sa kaharutan mo ate,bahala ka nga dyan.Ma late ka sana sa school mo blehh."Sabi ng bunso kong kapatid syaka siya tumakbo paalis.Tinarayan ko nga.At least,maharot man ako sa inyong paningin,basta si crush lang ang haharutin mwehehehehe.

"Ang harot,di ka naman niya gusto tsk!tsk!tsk!wala ka pala lil' sis eh.Aww kawawa."pang-aasar sakin ni kuya,sinamaan ko nga ng tingin at ang loko binelatan pa ako.Arrgg kuya ko ba yun or ano?ang lakas mang-asar amp!

"Nako anak,ang harot mo talaga,mana ka talaga sakin."sabi naman ni papa Arthur,ang taong gagawin lahat para sa minamahal niya.Ang nag-iisang asawa ng aking mama na si Hazel.Isang inang mapagmahal.Kaso wala na siya dahil sa sakit niyang cancer.
Alam na alam talaga ni papa kung saan ako nagmana eh no?

"Crush,Panagutan mo ako!"Where stories live. Discover now