CHAPTER 5

13 3 1
                                    

•ARIES POV

As usual,nakatingin lang ako sa labas habang hinihintay dumating ang teacher namin.Naririnig ko ang mga kaklase ko na pinag-uusapan ako pero wala akong pakealam.Habang nag-iisip ng malalim,may biglang nagsalita sa harapan kaya napatingin ako dun.I look at her emotionless when i saw her again.Tsk!she's really annoying.

Nagpapapansin na naman siya.I really hate that kind of behavior,yung feeling na wala na ngang pake sayo ang tao nagpapapansin parin.Tsk!Damn that girl,she's beautiful but a desperate one.Kaya kumuha na lang ako ng notebook ko and pen syaka nagdrawing.Ayun parin siya sa harapan,nagdadada-dada when i heard someone's laughing.Kaya tumingin ako sa labas at nakita ko mga tukmol kong mga kaibigan at tumingin ako kay Artemis na ngayon ay nakayuko at lumakad papuntang desk niya.Tumatawa parin mga kaibigan ko habang naghihiyawan naman mga babae dito na animo'y ngayon lang nakakita ng mga nag gagwapuhang nilalang,at isa na ako don.Why?angal ka?tsk!

Isa-isa silang nagpakilala sa amin.Nakita ko si Brix na ngumiti ng malapad habang nagpapakilala pero ang atensyon niya ay nasa likod ko,i look at my back and saw her while writing something at nakangiti tsk!May gusto ba dito di Brix?Hanep!iba na pala ngayon ang type niya,mga babaeng desperada na pala ngayon ang natitipuhan niya.Tsk tsk tsk!I saw Calyx winking at other girls na kung makahiyaw ay daig pa nakakita ng mga artista.Deymian was too madaldal na naman,as usual,walang pinagbago Yros was making a corng jokes na kahit gaano man ka corny yun,ayun pinagtatawanan parin especially girls.Mga babae nga naman.I saw Dracus who's now looking at me,wait,sakin ba?Or sa likod ko.Dun lang ang tingin niya at syaka siya napapangiti na parang asong ulol.Anong nangyayari sa mga kaibigan ko?Parang mga sabog.

"Hey dude"Bati nila sakin at tinanguhan ko na lang sila at syaka itinuon pansin sa aking dinadrawing.

"Good morning class,i just want to say that you have a new classmate."our teacher said but my attention is on my notebook."Ms.Garcia,please come here and introduce yourself"pagpapatuloy niya sa kaniyang sinabi.Wait!Garcia?Familiar ah.Siguro mali lang naiisip ko.

"Ahm,good day everyone,my name is Gaile Aubrey Garcia,please be nice at me"As i heard that,napatingala ako at di makapaniwala sa nakita ko.Is this real?Or nag-iimagine lang ako.Nandito na talaga siya?

"Ms.Garcia,please take your seat now"dun lang ako natauhan noong magsalita ang guro namin.Marami na naman akong bulungan na naririnig.

"Ang ganda niya"

"Wahh,sana all maganda at sexy"

"Fuck!ang hot"

"She's sexy dude,i'm going to court her"

"Ms.can i have your number?"
Kanya-kanya silang sabi habang siya nakangiti lang at nakatingin sa akin.Noong nasa harapan ko na siya ay iniwas ko ang tingin ko sa kanya at itinuon ulit iyon sa aking ginagawa.

"Hi AC,i'm back,miss me?"she said but i just ignored it and listen to our teacher in front of us while saying something."di mo man lang ba ako iwewelcome back?"she said in a sweet voice.Damn her sweet voice.Ayan na naman eh,di ko na naman matiis to.Damn Aries!tapos na lahat.

"Welcome"sinabi ko na lang at syaka nakinig na.Di ko na rin siya narinig magsalita hanggang sa matapos na ang klase.Habang nag-aayos siya ng gamit,may nag-approach sa kanya na maging kaibigan pero ngumiti lang siya.

"Aries,pwede ba akong sumama sayo?di ko pa kasi alam pasikot-sikot dito,please?"she said again habang nakatingin sa mga mata ko.Damn!i miss her stares,her touch,her warmth,her smile,her laughs.I miss everything about her,especially her.Pero di ito tama,kasi wala na kami.

Yes!tama kayo,Gaile is my ex girlfriend,yung tinutukoy kong taong nagpapasaya sakin noon na iniwan lang ako because of aiishh never mind.Past is past.

Tumingin ako sa kanya at umiwas din ng tingin.Baka di ko mapigilan ang sarili ko na yakapin siya dito.Kaya ang ginawa ko.I saw Artemis na lumakad na sa gilid namin habang parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha niya.I grab her hand and hold it."No,we were having a date so magpasama ka na lang sa iba.Gotta go,my girlfriend is really hungry,right love?"I said while i looked at Artemis shocked face,kaya napatawa ako ng palihim dito.Nakita ko na lang na nakatingin siya sa kamay naming dalawa na magkasaklop at tumango na lang habang tinatago ang mukha niya.

"A-ah g-anun ba?s-ige,enjoy your d-date"sabi ni Gaile at syaka na kami umalis dun.Lumakad kami ni Artemis dito palabas habang naririnig namin ang bulungan ng ibang estudyanteng nadadaanan namin.

"Hanla,sila na nga ata"

"Aww ang sweet sila,HHWW pa sila,ackk"

"Sana lahat ganyan"

"Ohh,huhu Aries babe,why?"

"Huhuhu,wahh kakainggit"

Mga bulungan nila na rinig naman namin,dun ko lang napansin na nakahawak parin pala ako sa kamay niya kaya binitawan ko na at sinimulan ng maglakad ng mabilis.Sinundan naman niya ako pero wala akong pake.

"Woi Aries!teka,akala ko ba magdedate tayo!"sigaw niya habang patuloy parin na sumusunod sa akin.

"Tsk!I was just kidding,you better eat your snacks now!"sabi ko habang nakapamulsa at lumakad papunta sa library ng school.Pero ito parin siya at patuloy akong sinusundan.

"Anong_woi!Aries,sinabi mo kanina yun eh,magdedate tayo!"sabi niya.Fuck!mali ata idea ko na siya ang gamitin ko dun para umalis lang sa harapan niya.Damn!bakit di ko naisip na desperada pala ang babaeng ito tsk

"Can't you understand?Di totoo yung sinabi ko ok?Tsk!so next time,don't assume na magdedate tayo because it will never happen,never"pagkasabi ko niyan ay pumasok na ako sa library and pick some books syaka ako naupo sa pinakadulo nito at nagbasa.Iniwan ko siya dun na nakanganga lang.

Habang nagbabasa,naiisip ko ang mukha niya kanina,lalo na noong ginamit ko siya para umalis lang sa harapan ni Gaile.I know mali yun pero damn!kailangan kong gawin ang mga bagay na yun para lang lumayo kay Gaile,ayoko ng maulit ulit ang nangyari noon.Umiiwas ako sa kanya kasi ayoko ng masaktan.Sa tuwing nandyan siya bumabalik lahat ng sakit kaya umiiwas na lang ako.Pero habang siya ang nakikita ko,sumasagi sa paningin ko yung babaeng sinisira araw ko lagi.Nakita ko rin sa mata niya na nasaktan siya sa ginawa ko pero hinayaan ko na lang.Sadyang ayoko lang sa ganung mga babae,desperadang makuha ang gusto nila.

•ARTEMIS POV•

Nakita ko na nag-uusap si crush syaka yung newbie kanina kaya di maipinta ang mukha ko habang nagliligpit ng mga gamit.Yung mga lalake naman kanina na nagtatawanan sa labas ng room namin ay kanina pa tumitingin sakin yung dalawa.Isa na dun yung nakabanggaan ko kahapon.Papaalis na sana kami ng kaibigan ko when someone grab my hand and hold it.He entertwined our  hands and sinabi na may date kami dun sa newbie.Nakita ko pang sinamaan ako ng tingin ng newbie syaka kami umalis sa room namin.

As usual,marami na namang bulungan ang naririnig hanggang sa kaming dalawa na lang ang naglalakas at sigurado akong papuntang library ito.Binitawan niya kamay ko at pinapaalis niya na ako pero eto parin ako sunod ng sunod sa kanya.

"Woi Aries!teka,akala ko ba magdedate tayo?"Sigaw ko sa kanya.

"Tsk!I was just kidding,you better eat your snacks now!"he said emotionless at pinagpatuloy ang paglalakad.

"Anong_woi!Aries,sinabi mo kanina yun eh,magdedate tayo!"

"Can't you understand?Di totoo yung sinabi ko ok?Tsk!so next time,don't assume na magdedate tayo because it will never happen,never"sabi niya at pumasok ng tuluyan sa library,at ako?naiwang tulala at nanggigilid ang luha.Di makapaniwala sa aking narinig kaya imbes na tumunganga dun,umalis na lang ako dun.

Amp!sayang,akala ko pa naman magdedate na kami yun pala...hindi totoo yun arrggg!Date na nga naging bula pa!amp!hmmp!si kwass talaga paniraa ng moment,di man lang aminin crush nya din ako,ikacrushback ko naman siya eh.

Itutuloy....

"Crush,Panagutan mo ako!"Where stories live. Discover now