Jethroy's POV
Halos araw-araw na lang akong ginugulat ng mga rebelasyon sa buhay ni Chubs. Napaka-misteryo. Masyadong pinupuno yung ulo ko ng mga bagay patungkol sa kanya.
Napagdesisyunan na bigyan kami ng chance ni Ms. President. Si Chubs ay napagdesiyunan na aalis na lang by the end of the school year.
Serves her right. Simula nang dumating siya, gumulo na buhay ko. Tapos ngayon sasaktan niya pa yung babaeng mahal ko? No way!
Biglang sumagi sa isip ko yung sinabi ni Ms. President kanina. Mag-fiancé sila ni Marcus?!
Teka! Ba't ba iniisip ko pa 'yon? Kahit nga magpakasal sila ngayon walang problema eh.
"Jeth!" tinabihan ako ni Jade. "May gumugulo ba sa'yo?" pag-aalalang tanong niya. Umiling ako saka siya ngumiti sa akin.
Nagtitigan kami ng mata sa mata. Ang tagal kong naghintay pero worth it naman dahil nandito na siya ngayon sa harapan ko. Walang papantay sa kasiyahan na nadarama ko ngayon.
"I love you, my shadow girl. I promise to protect you." hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin siya.
Maya maya pa ay nagulat ako kay Drey. "Oh no! No! No! My virgin eyes!" nagulat kami ni Jade nang makita si Drey papasok sa tambayan.
Napakalas kami sa pagkakayakap ni Jade ata saka umayos ng upo. "Huli! Pero di kulong!" pang-aasar niya sa'min.
Nanatili lang kaming nakatahimik ni Jade dito nang bigla na namang nagsalita si Drey. "Oh! Nasan yung boy tulog natin?"
"Wag mo nang hanapin! Kasama ng fiancè niya!" galit na sigaw ko sa kanya.
"Oh easy! Ba't ba galit ka?"
"Nakakainis lang. Dahil kay Chubs nasira yung pagkakaibigan nating tatlo. Simula ng dumating siya sa school na 'to, unti-unti nangkakaroon ng puwang ang pagkakaibigan natin."
Maya maya pa ay kailangan kong pumunta sa library. May pinapagawa pang reporting kasi si Sir Clifford. Sawa na sigurong i-correct sa klase ni Marcus kaya magpapareport na lang.
Marcus! Fuck! Bakit ko ba naala pa 'yon? Don na siya kay Chubs! Magsama sila!
Pumunta ako sa istante ng libro na pinaglalagyan ng mga libro sa Music.
Napako ang tingin ko sa di kalayuan. Nakita ko si Chubs na kumukuha ng libro.
Naglalakad pa siya palapit sa akin kaya iniwas ko pa ang tingin ko. Kumuha siya ng libro sa tabi ko.
"Kahilig mo talagang magpapansin noh?" direktang tanong ko.
Binuklat niya pa yung librong hawak niya bago ito kuhanin. Naglakad na siya at nilampasan lang ako.
Naiinis ako! Hindi niya ba alam na kinakausap ko siya? Nakakabastos.
Umupo siya sa mahabang lamesa. Umupo naman ako sa pinakadulo no'n.
"Hindi mo ba talaga ko kakausapin?!" nakita kong tiningnan ako ng librarian at minustrang tumahimik ako.
Tiningnan ko naman siya. Nakita ko naman siyang nagbabasa pa rin ng libro habang may sinusulat naman sa notebook niya.
"Chubs. Huy." bulong ko habang nakalapit sa kanya ngunit hindi niya pa rin ako pinapansin.
Teka! Bakit ko nga ba sinusundan 'to?
"Shea." Nagulat naman ako nang biglang lumapit si Marcus sa lamesa namin. Bumalik naman ako sa kinauupuan ko. "Gusto ka daw yayain ni Dad sa dinner."
YOU ARE READING
Tune of Hearts
Ficção AdolescenteHe loves music. And so does she. She loves to sing. He likes to listen. If they will hear the sounds coming from their hearts, Will both of them can still resist it? Date started: April, 2018 Date ended: May 28, 2020 Tune of Hearts CYRONGRAY