Shinea's POV
"I'm sorry. Umuwi kaagad ako. Masama yung pakiramdam ko kahapon." sambit ni Zhely.
Nakaupo kami dito sa lounge. Walang kibo si Lauren sa gilid habang hinihitit yung yogurt na binili niya sa cafeteria.
"It's okay. Mas mabuti na ring nakaalis kayo kaagad." sambit ko.
Sariwa pa rin para sa akin ang mga nangyari kahapon. Binabagabag pa rin ako, natatakot sa mga posibleng mangyari. Ayokong may madamay na namang inosenteng tao.
"Oh my gahd!" Nagulat ako sa malakas na pagsigaw ni Zhely. "Shea, diba condo mo 'to?"
Pagkapakita niya sa akin ng picture ay biglang nag-alab ako sa galit, nanindig ang balahibo, napuno ng takot.
Nasusunog ang condo ko. Shit!
Bigla akong napalabas ng campus kaagad. Buti na lang tapos na ang klase kaya pinayagan na rin akong lumabas ng gate.
Nagkukumpulan ang mga tao nang dumating ako sa tapat ng condo. Paniguradong G Mafia na naman ang may pakana nito. Mga walang hiya sila. Hinding hindi nila talaga patatahimikin ang buhay ko hangga't hindi nila nakukuha yung gusto nila.
"Bes!" sambit ni Lauren. Sumunod silang dalawa ni Zhely rito.
Napatalungko na lang ako, napasapo sa ulo ko.
"Pa'no ngayon yung mga importanteng gamit mo? Yung ebidensiya?" natataranta na rin si Lauren sa mga nangyayari.
"It's okay Lauren. Nandito pa rin sa akin ang ebidensiya. Ang problema ko ay wala akong matutulugan."
Itinayo ako ni Zhely. "Don't worry, Shinea. Doon ka muna sa condo ko tumuloy." alok ni Zhely na tinanguan ko naman.
Nahihiya na rin ako sa kanila. Puro abala na lang yung dinudulot ko.
Pagkapasok ko sa condo ni Zhely ay pinaupo niya kaagad ako para bigyan ng maiinom. Pinahiram niya rin ako ng damit dahil nasunog lahat ng damit ko sa condo.
"Nahihiya na ko sa'yo Zhely." sambit ko pero umiling-iling lang siya.
"Ano ka ba? Huwag kang mahiya. Maswerte pa nga ako dahil nandito yung idol ko eh." kinindatan niya pa ko.
"Salamat Zhely."
Nginitian niya ako saka niyakap. "Walang anuman. Para sa'yo hehe."
Natatawa na lang ako kapag pinapakita niya yung mga posters ko na pinagbibili niya. Pati rin yung mga album ko.
Maya maya pa ay tumayo si Zhely para pagbuksan yung tao sa pinto. Gabi na ah.
Iniluwal ng pinto na 'yon si Jeth. Hingal na hingal siya. Halatang nagmamadali siya para makapunta rito.
Niyakap niya ko. Hindi ako gaanong makahinga sa higpit ng pagkakayakap niya sa akin. "I'm glad you're fine."
Hinawakan niya ang pisngi ko at ginawaran ako ng halik. I'm about to answer his kisses nang may maalala ako.
"Ehem.." bigla kaming napatingin sa gawi ni Zhely. Nginisihan niya pa kami. "Sige. Tuloy niyo lang. Mahihiga naman na ko sa kama ko hehe."
Pagkaalis ni Zhely ay hinampas ko kaagad si Jeth. Napakabwisit. "Aray ko naman chubs. Maghinay-hinay ka naman. Masakit!"
I rolled my eyes on him saka pinagkrus ang mga braso ko. "Boyfriend ba kita? Kung makahalik ka ah."
Nginisihan niya ako. Inilapit niya yung bibig niya sa tainga ko. "I know you're that thirsty with my kisses. How about you answer me as your boyfriend? Who knows? I might give you more intensive level of kisses you've never tried before."
YOU ARE READING
Tune of Hearts
Roman pour AdolescentsHe loves music. And so does she. She loves to sing. He likes to listen. If they will hear the sounds coming from their hearts, Will both of them can still resist it? Date started: April, 2018 Date ended: May 28, 2020 Tune of Hearts CYRONGRAY