CHAPTER 1

56 4 3
                                    

In every decision that we'd make, a consequence awaits.

Minutes have passed since Miss Reyes left and here I was, dumbfounded and confused. Marahas akong napahilamos sa mukha kasabay ng pagpahid ng mga luhang tumakas papunta sa aking pisngi. Masakit pa rin pala. Kahit tatlong taon na ang lumipas, sariwa pa rin ang sugat.

Napapikit ako habang nakahawak ang dalawang kamay sa malamig na sink bilang suporta. I gently washed my face, relishing the soothing feeling brought by the cold water. Ipinilig ko na lamang ang samu't saring ideyang sumasagi sa aking isipan kasabay ng pag-alingawngaw ng tunog ng aking telepono sa apat na sulok ng banyo.

I took a deep breath before taking the call.

"Corrine, saan ka?" si Raven.

"Nag-aayos lang. Palabas na rin ako."

"I'm outside. Bilisan mo. Daliii," ayon na naman ang mapang-asar niyang tinig.

Hindi ko na siya sinagot at pinutol na lamang ang tawag. Pinagpatuloy ko na ang pag-aayos. I fixed my hair in a messy bun at naglagay na rin ako ng kaunting pulbo sa mukha. I looked at the reflection flashed on the mirror in front. I was just wearing a pastel yellow blouse and a pair of black slacks paired with simple flat shoes. Kinuha ko ang aking bag at lumabas na.

Sumalubong sa akin ang bugso ng malamig na hangin sa labas at tinangay nito ang iilang nakatakas na hibla ng aking buhok. I saw Raven leaning on a navarra blue Audi while talking to someone on his phone kaya hindi niya namalayan na nasa tapat lang ako. He looked dashing in his slim-fitting pair of dark jeans matched with white crew neck T-shirt and a pair of white sneakers. He instantly flashed a smile and waved his hands as he hid his phone when he saw me walking towards him.

"How did it go?" tanong niya habang naglalakad-lakad kami sa isang park na malapit lang sa cafe. I put both of my hands on my back and took a deep breath. Napalingon naman siya sa ginawa kong iyon.

"Napili 'yong gawa ko," matamlay na ani ko.

"Wow! Congrats. Sabi ko na sa'yo eh," he gleefully said with a huge grin plastered on his face. Agad na napakunot ang noo niya ng mapansing hindi ako umiimik. "Bakit matamlay ka? Kasi hanggang ngayon wala ka paring jowa?" sabi niya sa mataas na boses.

"Sira." Natawa ako sa tinuran niyang iyon. He looked funny with his huge eyes and flaring nose, dagdag pa ang kaniyang medyo matining na boses. Tumawa na rin siya kapagkuwan.

"May in-offer na scholarship, Rave. Kaso... kaso sa Davao."

Nahinto siya sa paglalakad at natigil sa pagtawa. Namayani ang katahamikan sa loob ng ilang segundo. Sa isang salita lamang na 'yon ay tila naintindihan niya na agad ang problema. Ilang saglit lang ay nagpasiya siyang magsalita.

"Did you reject the offer?" sabi niya sa malumanay na boses. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Inilibot ko ang aking paningin at natanaw ang mga batang masayang naglalaro ng bisikleta sa may 'di kalayuan. Nahigit ko ang hininga nang madapa ang isang bata, ngunit agad ding naginhawaan nang dumating ang mga magulang nito. Hindi ko na naman maiwasang magpakawala ng malalim na buntonghininga. Why am I feeling this way again? I know I defeated that monster inside me already... or did I really?

"Corrine?" sambit ni Raven nang hindi ako sumagot. Ibinaling ko ang aking ulo at tinagpo ang kaniyang nanunuring mga mata. Worry is evident in his face.

"No. She gave me a day to decide about it," sagot ko at saka muling tumungo. "Tawagan ko lang daw siya kapag nakapag-decide na ako."

"Corry," I lifted my gaze to him when he called me. "Always remember that I am always here for you. Whatever your choice is, I'll support you," anang Raven sa seryosong paraan. He stared directly at my eyes. It was as if he's letting me know na kahit anong mangyari, ang laban ko'y laban niya rin.

Tears began to form in my eyes. Ang bigat sa pakiramdam na kahit anong piliin ko'y may direktang epekto hindi lang sa 'kin, but also to those people surrounding me, my people. It felt like as if a trap is waiting for me at the far edge, trying to lure me in and I was left with no choice but to either take the risk or regret not taking the risk at all.

I stifled a sob, but the more I tried to prevent it, the more it persisted to escape. I wiped my tears I away, but more tears kept streaming down my cheeks, rendering my effort useless. Raven softly put his hand on my back, gently rubbing it while he tried to pull me near him. I leaned my face on his chest, letting all my emotions out. I've bottled up these emotions for a long time that it makes me want to burst out now.

"Corrine, shhhh. I know that you are still hurting until now, and that's okay. Pero bakit ka ba nasasaktan?" he asked. "Kasi hindi ka pa nagpapatawad. You still haven't forgiven him, yourself, have you?" malumanay niyang sambit habang hinahagod nang marahan ang aking buhok at likuran. I continued crying in his arms.

Akala ko natalo ko na, hindi pa pala. Mukhang ako pa ring pala ang talunan hanggang ngayon.

I went home with, still, a heavy heart. Pero kahit papaano'y naibsan na ang bigat sa aking kalooban. I was grateful that Raven stayed by my side. Hindi niya ako iniwan hanggang sa mahismasan ako. After that, he went right away dahil may pupuntahan pa raw siya. I understand tho, hindi lang naman ako ang kaibigan niya. Pasalamat pa nga ako't may nagtitiyaga sa ugali kong 'to.

"Ma, nakauwi na ako," sabi ko habang kumukuha ng tubig na maiinom. Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng aming bahay. Maliit lang ito na may dalawang kwarto. Kasya para sa aming dalawa. I gulped the water in just one shot.

"Ma?" tawag ko sa kaniya. Wala pa ring sumasagot kung kaya't dumiretso na ako sa may likuran ng bahay. Kumunot ang noo ko sa nadatnan. I spotted my mother doing laundry. She lifted her gaze, smiled at me and wiped her hands when she saw me.

"Ma, 'di ba sabi ko sa'yo 'wag ka na tumanggap ng labada. Baka makasama pa 'yan sa'yo eh," tuloy-tuloy na sabi ko habang inabot ang kaniyang kamay at nagmano.

"Konti lang naman, 'nak. At saka para naman makatulong ako sa'yo, pangdagdag sa gastusin dito sa bahay." She smiled and kissed me on my forehead.

I felt a haul in my chest. My mother has always been this good to me. Pilit ikinukubli ang pagod sa pamamagitan ng isang ngiti. Kahit ilang beses na akong nadapa, naroon siya't buong-puso akong tinulungang bumangon. A mother's love is indeed the purest kind of love, handang magpatawad, magparaya at hamakin ang lahat. It knows no boundary and expiration.

Isang pagmamahal na muntik nang mawala sa akin dahil sa aking pagkakamali.

I pulled her into a hug and buried my face on her neck. Naramdaman ko ang kaniyang pagngiti habang hinahagod niya ang aking buhok.

I felt a lump in my throat. "M-ma, I'm sorry," I stuttered, nahihirapan sa pagsasalita dahil sa mga luhang nag-uunahan sa pagpatak. For the third time after a long time, I broke down. She stiffened when she heard me crying. All along, I acted as if I was neither hurt nor affected, but inside, I am still that weak girl. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin.

"Miette," she uttered. She gently broke free from the hug. She stared softly at my eyes as she gently caressed my cheeks as if it was the most delicate thing that she's touched, wiping my tears. I stared back at her, still struggling to control my sobs. "Hindi mo kasalanan 'yon. Walang nakakaalam kung kailan at saan ito posibleng mangyari. Pinili mo mang hindi umalis, mangyayari at mangyayari iyon. Kaya tahan na. Wala kang kasalanan."

"Pero..."

"Pero... tingnan mo. Nandito ako sa tabi mo. Magkasama tayo at 'yan ang higit na mahalaga. Patawarin mo na ang sarili mo," she said as she wrapped me in her arms again.

Again, I cried my heart out. Raven's words suddenly came echoing in my mind.

"Aren't you tired of escaping?" he asked. "Takbo ka nang takbo palayo sa nakaraan, sa kaniya, pero kahit anong gawin mong pagtakbo, maabutan at maabutan ka nito. Kaya kailangan mong buksan ang puso mo para sa kaniyang paliwanag. Let yourself heal from the wounds of the past. At hindi 'yan magagamot kung hindi ka matututong humarap sa mga ito, bumitaw sa mga bagay na noon ay sumugat sa iyo, at tanggapin na minsan ito'y naging masalimuot na parte ng buhay mo."

He's right. I'll only just get tired of running and being chased by everything that I left behind. Those bittersweet memories I used to hold so dear that I chose to bury. Ang nakaraan. Siya. Panahon na para harapin ko ang mga ito. Only then can I start a new beginning for me and for my mother.  

Spotlight OblivionWhere stories live. Discover now