"Nak, Miette..."
Nagising ako nang may tumatawag at mahinang yumugyog sa 'kin. Bahagya kong kinusot-kusot ang mga mata habang dahan-dahan akong dumilat.
Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni mama. At her age, she still looked gorgeous in her peach blouse. Her long hair was tied in a tight bun. Namana ko sa kaniya ang matangos na ilong at bilugang mga mata. She's really beautiful. I wonder why my father still looked for another woman. Hindi nga talaga kasiguraduhan ang itsura para sa katapatan at pagmamahal ng isang tao.
"Alis lang ako, 'nak. May kikitian akong kliyente. May hinanda na ako sa kusina," sabi niya habang binubuksan ang mga bintana.
Bumangon ako at inayos ang pagkakaupo sa kama. Napatakip ako sa mata nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko.
"Sige, ma."
She walked near me and bent down to kiss me on the cheeks.
"Ingat ma."
"'Wag kalimutang kumain," tila nambabantang sabi niya saka kinuha ang bag niya sa table at umalis na. Tumango ako sa kaniya at bahagyang natawa.
I reached for my phone on the bedside table. It's only seven in the morning. Inalis ko ang kumot at bumaba na sa kama habang kinakalikot pa rin ang cellphone. I got a message from Benj. Hindi ko na ito natingnan kagabi dahil sumalampak na ako sa higaan pagkauwi.
"Hindi mo nga ako pinansin no'ng isang araw eh," I scoffed. I didn't see him at school yesterday. Bukod sa naging busy ako sa last day ng midterm exams, nagtatampo ako nang slight sa kaniya. Ikaw ba naman ang hindi pansinin? I was sure that he saw me. Siguraduhin niya lang na may valid reason siya.
I checked his message.
From: Benj
Miette, sorry. Something urgent came up. I couldn't reply kasi wala akong load. Wanna go somewhere toms? Txtback if you do.
Okay. Emergency pala. Apology accepted.
To: Benj
K. Meet u at 12 sa minipark.
I didn't bother waiting for his reply. I just went downstairs and had my breakfast. Pagkatapos kumain ay nagpasiya akong maglinis ng bahay. While cleaning, my phone suddenly rang. Itinigil ko muna ang pagwawalis. Ipinagpag ko ang alikabot na dumikit sa kamay ko bago sinagot ang tawag.
"Hey, anong kailangan mo?"
It was Raven. Inabot ko ulit ang walis tambo at dust pan saka tinapos ang pagwawalis habang ipit-ipit ang cellphone sa pagitan ng aking tenga at balikat.
"Nakita mo na 'yong resulta do'n sa sinalihan natin? 'Yong sa The Scribe ba?"
Napakunot ang noo ko sa narinig ngunit ilang segundo pa ay naalala ko na.
"Ah do'n. Hindi pa. Nawala nga sa isip ko eh."
"'Yan kasi, kung sino-sinong iniisip," at saka siya tumawa sa kabilang linya. He's now back in teasing me.
"Ewan ko sa'yo," nasapo ko na lang ang noo sa pang-aasar niya. "So ano nga 'yong resulta? For sure, di ako nakuha," bitterness overpowered my tone.
Hindi siya sumagot sa kabilang linya. There was only silence and silence means yes. I felt a pang on my chest. I expected this already. Pero iba pa rin talaga kapag narinig mo sa iba na di ka pumasa.
"'Di bale, may iba pa naman, Corrine," masiglang sabi niya. I knew he was just lifting my mood up, but it didn't help. "Hindi pa naman diyan matatapos ang lahat. May susunod pa. There's always a next time, Corrine."
YOU ARE READING
Spotlight Oblivion
General FictionCorrine Miette is a typical woman who has a great passion for writing. All her life, she was looking for her own spotlight, a story of her own where she can be the main character. Just when she was about to reach for her dreams, ghosts from her pas...