Chapter 2

10 6 0
                                    

Aizelle's POV

"Hello, Anna. Ano na balak mo? Get your ass up and come here!" Maarte kong sigaw ko. Bored na bored na ako dito sa starbucks. Na-ubos ko na rin ang inorder ko frappe, nagawa ko na rin ang mga pwede kong gawin.

"Kalma, punta lang ako sa faculty room." Bored n'yang sagot. Kung hindi ko lang 'to kaibigan, kanina ko pa 'to na un-sister.

"K" sagot ko sabay baba. Hindi ko na hinintay sagot n'ya dahil alam ko na wala rin namang kwenta iyon.

Nag Ipad nalang ako at nag scroll scroll lang sa fb. Habang bored akong tumitingin sa news feed ko, napansin ko sa peripheral view ko na may naglapag ng laptop sa table ko.

Tinignan ko ito and guess who?

"Tignan mo yung title at yung introduction" saad n'ya sabay balik sa upuan n'ya. Huh? Kailan pa s'ya nandito? Sinusundan n'ya ba ako? Sabi ko na bet n'ya ako. Hay naku, Elinzano Fortune. Oo, alam ko na pangalan nya dahil sa pagsambit sakanya ng prof ko. Ni-stalk ko rin fb acc. and IG n'ya na napaka-private. Takot na takot ma-stalk, girl?

Pero bakit umalis s'ya agad? Ayaw n'ya ba ako kasama? Well, 'di naman s'ya kawalan.

Tinignan ko yung Macbook n'ya at oo nga, may title na yun at may introduction na.

Tungkol ito sa coffee shop na puro libro lang at walang wifi. Puro recyclable items ang gagamitin like paper cups and stainless/bamboo straw.

May café logo na rin ito at Mission and Vission na rin  na naka saad. Wow, ito ang dream cafe ko bukod sa maging club owner.

Maganda ang flow ng chapter 1 kaya sina-uli ko na ang laptop n'ya.

"Send that file in my email. And I will do the chapter 2. Your plan is good, approved ako" pa-sweet kong sabi. Bagay ba? Bagay  ba saakin?

Tumikhim s'ya at inagaw na ang laptop n'ya. Sinundan ko lang s'ya ng tingin habang nag-aayos ng gamit. Paalis na agad s'ya?

"Hey, aalis ka kaagad?" Pigil ko sakanya noong patayo na s'ya.

"Ano sa tingin mo?" Sungit n'yang sagot. Umalis na s'ya noong hindi ako nakasagot dahil sa pagkagulat.

Sa pagkakaalam ko hindi nireregla ang lalaki diba? Hindi ba s'ya na-attract saakin? Myghad, bebenta ko na ba bago kong gucci bag?

Umirap nalang ako sa hangin noong nakita ko ang papasok na bitchesera dito sa starbucks.

Bumalik nalang ako sa pwesto ko at sumunod naman si Anna saakin.

"What's the tea, sis?" Tanong n'ya saakin in mahinhin way. Alam na alam n'ya talaga pag may problema ako o kung may nangyari man saakin.

"Do you know who's Elinzano Fortune?" Pagtatanong ko. Kinuha ko ang Ipad ko at sinubukang hanapin ang pangalan ng sigarilyo na iyon sa twitter.

"Giiirl? Don't tell me you didn't know him?!" Ma-drama n'yang sagot.

"Oo kilala ko, kaya nagtanong ako kung sino s'ya sayo diba?" Pag babara ko sakanya. Na-stress na nga ako dahil bebenta ko na yung gucci bag ko na kakabili ko lang.

"Pero hindi nga? Wow, business partner yan ng pamilya mo tapos 'di mo kilala?" Sagot n'ya. "Tsaka sinong hindi nakakakilala sa isang hottie sa university natin. Like, s'ya lang ang blue eyes." Sagot n'ya at sabay tayo para mag order.

Well, blue eyes. Hmmm, fortune blue sya kung sigarilyo 'man s'ya. Pero matangakad s'ya, hanggang leeg n'ya lang ata ako at halata sa pangangatawan n'ya na yummerz s'ya.

"Ano pala meron sakanya?" Tanong n'ya sabay lapag ng inorder n'ya. Kinuha ko iyon at sumsim doon ng walang pag aalinlangan.

"Eww, strawberry?!" Gulat kong sabi sakanya! I hate strawberries! Hinanap ko agad bottled water ko sa bag at ininom agad agad.

Little MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon