Chapter 3

2 1 0
                                        

Aizelle's PoV

Pagpasok namin sa club, sinalubong agad kami ng malalakas na tugtog at ang mga amoy ng alak. Sinalubong din kami ng isang bouncer at nagtanong.

"Membership?" Tipid na sagot n'ya.

Pinakita ko naman ang VIP card ko at hinatid nya kami sa VIP seats. Umupo na kami at tinanong si Anna.

"Ano gusto mo?" Tanong ko.

"Ako na mag order" sagot n'ya at tinawag ang waiter.

"2 bottles of tequila pls" sagot nya sa waiter at tumango naman ito.

"Bakit tequila?! Ano tayo? Mga tita?" Hindi ako makapaniwala sa inorder n'ya.

"Girl kalma! Palibhasa, mga pang tito ang gusto mo." Tumawa naman ito ng tumawa at inirapan nalang s'ya.

Kitang kita ko sa pwesto namin ang mga taong lasing, nagsasayawan, hihiyawan at *ehem* mga naglalandian sa gilid.

Dumating na ang order namin na alak. Andito yung tequila, asin at lemon. Syempre hindi papahuli ang favorite kong sisig!

Binuksan naman iyon ni Anna at sinawsaw nya ang bunganga nga shotglass sa asin bago n'ya salinan ng alak.

Binigay n'ya naman saakin iyon na may kasamang lemon. Dinilaan ko naman kaunti ang gilid ng shot glass para makakuha ng salt at inubos ang nasa loob nito. Sinipsip ko kaagad ang lemon at ramdam ko ang guhit nito sa lalamunan ko.

"Ang weird ng pag inom pag isasawsaw mo ang shot glass, Anna." Sabi ko sakanya.

"Nakita ko yan sa mga senior highschool noong nag bar kami! Tinry ko lang kaya nag order na ako ngayon. Ano? Masarap ba?" Pa ngiti ngiti n'ya ng sabi saakin.

"Ang weird, di ako sanay." Sabi ko. Sanay ako sa sinasawsaw ang lemon sa asin para isahan lang sa pagsipsip. At sanay ako pagsabayin yung dalawa pagtapos ng alak.

"Sabagay, sanay ka kasi yung didilaan ang asin sa abs ng yummy na boy" she giggled.

"Ewan ko sayo, salinan mo na ako!" Sabi ko sakanya.

"See? Enjoy ka rin eh" sabi nya at inirapan nalang s'ya.

Nakalahati na namin ang isang bote nang ayain n'ya akong sumayaw sa gitna.

"Mamaya na Anna, hindi pa ako lasing!" Sabi ko sakanya habanh pinipilit akong tumayo.

"KJ mo naman! Ikaw na ata ang tita saatin" biro n'ya. Hindi ko nalang s'ya pinansin at nagsalin nalang ulit ng alak sa shotglass.

"Ano nga pala meron kay Elinzano Fortune at nagtanong ka tungkol sakanya?" Tanong n'ya. Inubos ko muna ang nasa shotglass bago s'ya sagutin.

"Kapartner ko s'ya sa pag gawa ng business plan." Tipid na sagot ko. Ayoko ng dagdagan yun.

"And?" Pang uusisa n'ya. Mukhang hindi talaga ito titigil.

"Hindi s'ya na-attract saakin, Anna. Hindi na ba ako maganda and hot? Tignan mo nga ako!" Sagot ko sakanya.

"Tange! Hindi lahat maa-attract sayo, Ainna. Kung ganun man, para akong nag taksil sa sarili ko!" Tawa naman n'ya ulit.

Kahit kailan wala akong makukuhang sagot na matino galing sakanya.

"Hey! Speaking of the hottie, s'ya yun diba?!" Tarantang tanong n'ya saakin. At itinuro ang baba. Nakita ko s'yang nakaupo sa sofa at umiinom ng whiskey. May kasama s'yang limang hottie rin. Shet, ang sarap naman sa mata tignan.

"Ang heaven naman sa baba! Rawr!" Malanding sagot n'ya. Isa sa mga example si Anna dahil ang lambing ng boses at hitsura n'ya pero kabaligtaran talaga sa reality.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Little MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon