Kapitel 17. CATHARSIS ★

46 5 0
                                    

Kapitel 17. ḈẠṬḤẠṚṢḮṢ

"Isang Booksnake... sa gitna ng syudad," mapagwaring saad ng Head Master habang nakatingin sa papel na hawak. Nanlisik ang kanyang mga mata sa huli niyang sinabi. Mas ikinabahala niya ang paglabas nito sa gitna ng syudad, kaysa sa katotohanang isang Booksnake ang nagpakita.

"May lumabas din na isang Bookworm sa paligid. Sina Twelve at Thirteen ang nanguna sa pagtapos ng mga ito," dagdag ni Cornelia.

"At si Auel Smirnov?" tanong ng ginoo habang sinusubukang abutin ang plato ng butter cookies sa kanyang harapan.

"Isa siya sa mga trainee ni Thirteen," maiksing sagot ni Cornelia, na agad ding inagaw ang naturang plato at ipinatong sa mas malayong lamesa sa kabilang parte ng silid.

Napasapo sa sariling ulo si Mr. Bookman kasabay ng isang buntung-hininga. "Matatauhan na naman pala ang Detention Room. Hindi ito masyadong sikat nitong mga nakaraang linggo. Ayoko pa namang nakikitang namamayat ang mga bata natin sa akademya."

"Mga ilang buwan narin, Head Master," umiiling na saad ng sekretarya, tila iniisip ang huling pasaway na tumao sa naturang detention room. Hindi na niya pinansin kung si Auel ba talaga ang tinutukoy ng ginoo na mamamayat sa detention room, o siya mismo na pinagdadamutan ng meryenda.

Muling tumingin sa mga papeles ang ginoo. "At isa pang interesanteng bagay ... Beatrice Creain?"

"Kasalukuyan parin siyang nasa laboratoryo ni Dr. David Zacliffe."

"At gagamitin sa kanya ang Phase B. Wala akong pagtutol. Kung isa siyang Creain at kamag-anak siya ni Karlson, ako man ay magpipilit na makatulong sa kanya. Ngunit isa itong malaking sugal."

Tahimik lang si Cornelia habang pinapanood ang kaharap.

"Nasaan si Shade? Ang sabi dito malala rin ang kanyang lagay."

Nagkibit-balikat si Cornelia. "Nagamot na siya sa klinika subalit hindi parin siya tuluyang maayos. Ngunit kahit papaano ay bumalik na ang natural na kulay ng kanyang balat. Ang eksistensiya ni Beatrice Creain, marahil ay importante para sa kanya, Head Master. Hanggang ngayon ay hindi pa niya nilulubayan ang dilag."

"Oh?" mangha na napataas ang parehong kilay ng ginoo. "Ang batang iyon, batid ko na ang mga pagkilos niya ay kadalasang dahil gusto niya lamang, ngunit marahil ngayon ay isang magandang bagay na dinala niya dito sa Library ang dalagang Creain."

Kapagkuwa'y napawi ang ngisi sa mukha ng ginoo, habang nakatanaw sa malayo---sa kabilang parte ng silid.

Kung hindi parin maililigtas ang buhay ni Beatrice sa mas mataas na antidote pagkatapos sumailalim sa Phase B, kahit papaano ay mapipigilan parin nito ang pagkalat ng lason sa kanyang katawan.

"Paniguradong nakalikom ng sapat na sampol ng dugo ng Booksnake ang mga pauwing Books. Kung mapag-aaralan pa natin itong mabuti, may pagkakataon pa tayong makabuo ng mas magaling na gamot," pagkumbinsi ni Cornelia.

Isang malaking balakid ay dahil hindi nag-iiwan ng bangkay ang mga halimaw na ito. Agad nagiging kristal na tila holen ang mga labi nito at ang tanging paraan para makakuha ng sampol ay habang nabubuhay pa ang Booksnake---habang sila ay nakikipaglaban. Na dahilan din kung bakit sumasakit ang ulo ng Head Master pati narin ng mga mananaliksik.

"Kung sakaling kamag-anak siya ni Karlson at namatay siya sa pasilidad ko, paniguradong wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya," umiiling na saad ni Mr. Bookman.

* * *

Sa bungad ng Library, marami ang napalingon sa tahasang pagbukas ng malawak na pintuan. Isa-isa nang nagsisipasukan ang mga pagod na tauhan ng Institusyon na nanggaling sa isang misyon sa labas.

Untitled BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon