Kapitel 19. DRAWBACK ★

36 5 0
                                    

=== Yay! I prepared a new sketch for this chapter!! Sinisipag ako these past few weeks, sana tuluy tuloy na. You may criticize my story but please not my sketches. I knew my weaknesses in that department too well to be told by other people. Choz! Ang tungaw ko lang kasi yung L dapat nasa left pero nailagay ko sa right. Jusko! Mirror! Yoko naaa. Anyways, hope you enjoy this chapter! hiraite ===

 Anyways, hope you enjoy this chapter! ♡ hiraite ===

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kapitel 19. ḌṚẠẈḄẠḈĶ

Nakasandig ang likod sa pader, nakapaikot ang mga braso, may iritableng mukha--iyan ang kasalukuyang lagay ni Shade pagkatapos silang ipagtabuyan ni Janri mula sa silid nito. Naiwan si Beatrice sa loob kasama si Janri at ang dalawang binata ay naghihintay ngayon sa labas katapat ng silid.

"Nakakagutom," bulong ni Shade na nahaluan ng tonong nagrereklamo. Nilubayan niya ang pader at akmang aalis.

"Sigurado ka? Hindi mo siya hihintayin?" walang siglang tanong sa kanya ni Teal na nakasandal din sa pader. Kung si Shade ay nagugutom, halata naman ang pagkaantok ni Teal.

"Di ka naman aalis, diba? Pakihatid nalang siya sa canteen pagkatapos nila," pinaleng wika ni Shade saka tuluyang lumayo.

Tungkol sa pagiging Mage ang pag-uusapan nila. Labas na ito sa kaalaman ng isang hindi nila kauri. Nabibilang lamang ang lumalabas na impormasyon tungkol sa kanila, na kahit katulad ni Shade na mayroong Numero ay hindi ito basta-basta nakakamit.

Binagtas niya ang direksyon tungo sa isang kwartong mayroong malawak na espasyo. Mayroon itong maliwanag na mga ilaw, mga nakahilerang rektanggulong lamesa na pangwaluhan at pang-animan sa isang banda, may mga bilugan ding lamesa sa kabilang dako, na napapalibutan ng mga upuan. Para itong isang dining hall sa isang malaking hotel. Ito ang canteen ng Library, at kung eestimahin, maaaring kaya nitong mag-okupa ng higit isang daang katao ng sabay sabay.

May mga hilera ng bintana kung saan kinukuha ang mga pagkain, bantay ng mga serbidor na nakasuot ng apron, cap, at disposable gloves. Mayroon ding mga nagkalat na vending machine at water station sa paligid ng kainan.

May mangilan-ngilan na tao ang nakatambay dito, at wala ring pila sa mga bintana na ikinatuwa ni Shade.

Nagtungo siya sa isa sa mga nakahilerang monitor at nagpindot sa screen nito. May mga lumalabas na litrato ng pagkain doon.

"Ugh. Hindi available." Muli siyang nagpipindot hanggang sa may lumabas na maliit na papel mula sa ibabang parte ng monitor na agad din niyang hinugot, kapagkuwa'y dumeretso siya sa mga bintana at iniabot sa nakaabang na serbidor ang naturang papel.

Ilang sandali ay binalikan siya nito dala ang inorder niyang pagkain, tatlong servings ng strawberry and basil galette na nasa iisang malaking plato, na tahimik na kinuha ni Shade. Bahagyang tumaas ang gilid ng kanyang mga labi nang tumama sa kanyang ilong ang halimuon ng dalang pagkain, hanggang sa matunton niya ang isa sa mga rektanggulong lamesang pang-animan at doon pumwesto.

Untitled BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon