Kapitel 13. RESEARCHER ★

102 8 0
                                    

✮ Kapitel 13

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kapitel 13. ṚEEṚḈḤEṚ

Mga nakakahilong aparato. Mga puting kurtina at kumot. Isang mahabang sintetikong tube na nakakonekta sa sariling katawan. Pansin din niya na hindi na niya suot ang hiniram na berdeng jacket.

Sinubukan ng binata na lumingon pa ng bahagya. Tila mayroon siyang hinahanap na hindi matagpuan ng kanyang mga mata. Ngunit bigla niyang naitanong sa kanyang sarili kung ano ang kanyang hinahanap.

Nakakapagtaka. Mukhang isa itong importanteng bagay.

Sinubukan niyang kumilos subalit nakaramdam siya ng pagkirot mula sa mga parte ng kaniyang katawan. Pinilit parin niyang iangat ang kanyang ulo para siyasatin ang paligid.

"Dahan-dahan lang, bata. Hindi pa kaya ng katawan mo."

Napatigil si Shade dahil sa narinig na boses. Saka siya awtomatikong namutla matapos mapagtanto kung sino ang nagmamay-ari nito. Walang interes niya itong nilingon. "Haaa. Dr. Zacliffe."

Nakaupo sa silya sa gilid ng kamang kanyang hinihigaan ang isang matangkad na lalaking nakaputi. May nakasabit na stetoscope sa kanyang leeg na wari'y palamuti lang sa suot nito. Sa loob ng kanyang lab coat ay isang shirt na may matingkad na kulay. May hawak din siyang puting clipboard sa kanang kamay at isang doughnut na nangangalahati na sa kaliwa. Ang kanyang buhok naman ay kulay abo at may kahabaan na nakaipon sa isang maluwag na braids.

Inilapag nito ang hawak na clipboard at ngumiti ng nakakaloko. Humilig siya palapit sa nakahigang binata. "Tingnan mo nga naman ang pagkakataon! Ang isang batang ni minsan ay hindi tumuntong dito sa aking teritoryo ay walang kalaban-labang nasa harapan ko na! Kahit hindi mo ako pahintulutan ay buong giliw kong susuriin ang buo mong katawan, Mr. Shade Bookman." Hindi parin napapawi ang malaking ngisi sa kanyang mukha habang kumakagat sa hawak na doughnut.

"Tsk. Hindi ako isa sa iyong mga guinea pigs." Umigik si Shade at pumikit. Nakapinta ang bahagyang pagkadisgusto sa kanyang mukha. "Isa pa, wala namang espesyal sakin. Wala kang mapapala kahit suriin mo ang tulad ko. Hindi ako kagaya ng taong kumupkop sa akin na espesyal."

Mapagkila siyang tiningnan ng kausap. Hindi ito kumbinsido. "Eeeehh? Nakasisigurado ka ba sa sinasabi mo, bata? Kung ako ang tatanungin ay isang malaking misteryo na mismo ang katotohanang kinuha ka ng Head Master mula sa kung saan at dinala rito sa Institusyon. Hindi ba nakakaintriga?"

"Ang sabi niya, may pagkakahawig daw sakin ang anak niyang lalaki na maagang namatay sa sakit--ang kanyang ikalawang anak at ang tunay na kuya ni Azmaria. Maliban doon ay wala na akong ibang maisip na dahilan," may halong pait na hayag ni Shade kahit noon pa man ay tanggap na niya na hindi siya tunay na parte ng pamilyang Bookman. Isa lang siyang tagalabas. Ang tanging maaasahan lang niya para manatiling nasa loob ay ang sarili niyang paghakbang papasok.

Isang saglit pa ay mayroong pumasok sa kanyang isipan. Mabilis siyang umupo mula sa pagkakahiga. Nakarehistro sa kanyang mukha ang pagkabahala. "Y-yung kasama naming babae kanina ... nasaan na siya?" Pandalas niyang hinawi ang kanyang kumot at mas malakas na suminghal, "Ano na'ng nangyari sa kanya, Doktor?!" Tama. Ito ang bagay na kanyang hinahanap pagkagising niya.

Untitled BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon