"Psst" - biglang nanayo ang balahibo ko dahil sa baritonong boses na nagmumula sa likod ng punong sinasandalan ko. Pagkatapos ng klase ay dumiretcho ako sa lugar na ito para i-drawing ang mahal kong Herbert pero maling pagkakataon yata na mapunta ako dito lalo na sa mga pagkakataon na ito ay kami wala nang studyanteng napupunta dito sa ganitong oras.
Huminga ako ng malalim. Iyong babaeng ubod ng ganda na tulad ko ay hindi dapat nakikitaan ng emosyon lalo na at may mga nangahas pasukin ang aking personal space.
Itiniklop ko ang aking drawing pad at inilagay sa loob ng bag. Tumayo at at pinagpag ang aking uniform at lakas loob na umikot para makita ang lalaking nangahas na istorbohin ang pagd-drawing ko.
Napatili ngunit hindi rin nagtagal dahil tinakpan ng kamay nito ang aking bunganga. Napapikit ako ng inikot ako nito at naramdaman ko na lamang ang paglapat ng aking likod sa puno. Napamulat ako ng mata sabay itinaas ko ang kanang kamay para sampalin ito pero nahinto sa ere ang kamay ko nang makilala ko kung sino ang nasa aking unahan.
Totoo ba to? Hala!! SABIHIN NYO SAKIN.. TOTOO BA TALAGA TONG NAKIKITA KO? SI....SI...SI HERBERT ROBERT Jr. KASAMA KO NGAYON AT HAWAK NIYA IYONG LABI KO? KYAAAAAAA!! I WANNA DIE.. I WANNNAA DIE!!
"BABE" narinig ko na naman ang baritono nitong boses na nagpapatalon ng puso ko.
ANO DAW? BABE? WAHHHHHH!!! AYOKO NA PALANG MAMATAY. PAPAKASALAN KO PA PALA SIYA.. AWOOOO!! ANG GWAPO KAHIT MAY MASK! TAPOS ANG BANGO PA! YUMMMYY NAA OYYY!!!
"YOUR LIPS SEEMS SO SWEET LIKE CHOCOLATE BABE" tpos bumaba iyong tingin nya sa Labi ko.. Bigla nalang palapit ng palapit iyong labi nya sa labi ko.. Wahhh!! ANONG GAGAWIN KO? DI AKO MARUNONG HUMALIK? BAKA DI KO SYA MASATISFIED? WHAT SHOULD I DO NOW?
Pinikit ko ang aking mga mata. Hinintay na magtagpo ang labi naming dalawa. Bakit ang tagal? Hehe, Baka na speechless sa ganda ko. Nanatili lang ako nakapikit. Tang*ina bakit wala akong wala pa din. Dahil sa inis ay iminulat ko ang aking mata.
Teka lang!! Parang may mali. Unti-unti syang Lumalabo. Shitt!! Anong nangyayari.. Hoyyy!! Di pa nya ako nahahalikan. Ano ba!!
"HoY, Gising"
Sino iyon? Sino 'yong tumatawag sa akin at ipapalapa ko siya sa alaga kong Aso. HAHALIKAN NA NIYA AKO EH.
"Hoy! Gising Sabi ee" -ayon na nmn iyong boses. Gising daw.! Ako ba kausap non? Baka nmn nagkamali lang iyon.
Aarrayy!! Teka, masakit iyon aah.. Ano ba iyon. Hinawakan ko nmn iyong noo ko! Sino ba iyong nambato sakin nang mabato rin.. Kainiss ee.
Dilat ng Kaliwa- nanglilisik na Mata
Dilat sa kanan- umuusok na ilong
HALA!! Ano iyon Halimaw? May Halimaw!!
Dilat ng Dalawang Mata
"AHHHHH!!! HALIMAWWW!!" -bigla akong napasigaw. Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko. Pakshit, nasa klase pala ako, ibig sabihin di totoo 'yong nangyari kanina? Gawa-gawa lang ng isip ko. Lintek na yan! Pero okay lang sana kahit panaginip maramdaman ko lang ang isang halik ng isang Badboy sa sayaw kung di lang ako ginising ng halimaw.
"GET OUT OF THIS ROOM NOW!!"
ayyy shiytt!! Si maam Halimaw pala ay este Ma'am Alimaw pala. Lagot ako nito. Kinalabit ko si Mich na nasa kanan ko.
"Bakit di mo ako ginising?" bulong ko. Nagkibit balikat lang ito. Binigyan ko naman ng masamang titig. Langyang Bruha, pinahamak ako.
"Lumabas kna. 1st day of school nanaginip ka kaagad? Tpos sa oras pa tlaga ng klase ha." - sabi ng maldita at pabidang president. Tawa pa ang bruha. Pagbuhulin ko kayo ni Ma'am Halimaw este Alimmaw eh.