Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya kung sakaling hihinto siya sa aking tapat.(Nanginig ang aking tuhod, at nanlalamig ang aking mga kamay.)
Papalapit na siya, kumakabog kabog ng sobra ang aking dibdib. Hay nako naman sobrang hindi ako mapalagay.
Huminto siya sa aking tapat. Lumabas siya sa kaniyang sasakayan, pinayongan niya ako at inabutan ng panyo.
(Hindi ko nanaman mapigilin ang aking sariling tumitig sa kaniya.)
"Ahh... Salamat... Nag abala kapa" sabi ko sa kaniya, hindi ko mapigilan ang pamumula ng aking pisngi nagbablush ako ng sobra.
Ngumiti siya at pinahiran niya ng panyo ang mukha ko. "Ano tara? Diritso na tayo sa amin" sabi niya.
Hindi na ako nag patumpek tumpek pa bomkarakaraka nato!
"Sige..." nahihiyang sagot ko sa kanya.
Binuksan niya ang kabilang pinto ng kaniyang kotse, sa harap niya ako pina-upo.
Nang nakaupo na ako biglang lumapit si Aldren nang dahan-dahan, at unti unti niyang inilapit sa akin ang kaniyang mukha.
Hindi ako makagalaw, hindi ko alam kung anong gagawin. Kaya ipinikit ko nalng ang aking mga mata at huminga ng malalim.
(hmmp... hmmp...)
Hanggang sa dumikit na ang kaniyang katawan sa aking dibdib, nakupo! kinakabahan ako ng sobra namay halong pananabik.
(Ito nayon...)
Akala ko ay hahalikan na niya ako.
"Seatbelt mo..." sabi niya sakin.
Dahan dahan kong ibinuka ang aking mga mata.
"Ahh... Nakalimutan ko palang gamiton, hahahaha... " sagot ko sa kaniya.
Pinatogtog niya ang kaniyang radyo (radio).
Mahilig pala talagang makinig ng mga old love songs si Aldren.
Bakit ganito?, bakit hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman kapag siya ang aking kasama.
Para bang ang gaan-gaan lang ng lahat.
Ba't masaya ako pag si Aldren ang aking kasama. Ou, bago ko palang siya nakasama pero bakit parang mahal ko na siya.
Pinakinggan ko lang siyang nagsasalita habang nakikinig ng musika. Diko talaga mapigilang tumawa, ngumiti, at maging masigla.
Hays ang saya kasi niyang kasama, kabisadong kabisado niya kasi ako.
Alam niya kung papaano ako patawanin at pakalmahin. Para bang ang tagal ko na siyang kasama.
Dumating na kami sa kanilang bahay.
Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at akoy inalalayang bumaba.
"Napaka gentlenam mo naman" sabi ko sa kaniya habang pinipigilang kiligin.
"Sino ba namang hindi magiging gentleman pag ikaw ang nangangailangan... De joke lang"
Sagot niya sakin habang palakad na kami papasok sa kanilang bahay.Dumiritso muna kami sa kanilang sala at nanood ng Television.
"Umupo ka muna jan, magluluto lang muna ako ng hapunan" sabi ni Aldren sa'kin.
"Pwede bang tumulong? Sge na please..." pakiusap ko sa kanya habang boses bata.
"Sge, ba't naman hindi" nakangiting sagot niya sa'kin.
"Ahh... Dhan nandoon sa likod ng ref ang Apron, pakidalhan mo na rin ako" sabi ni Aldren sa akin.
Kinuha ko ang kulay itim na apron at kulay puti yong para sa kaniya.
"Ano bang lulutoon natin? " tanong ko kay Aldren habang hinuhugasan ng mabuti ang lulutoin.
"Katawan ko nalng siguro, total... My body is yummy, rich in flavor tender juicy, hahah joke lang..."
Pabirong sabi ni Aldren sakin."Anong sabi mo? Hindi ko masyadong narinig... " tanong ko sa kaniya. Gusto ko lang klarohin kung ano ang kaniyang sinabi, baka gawa gawa nanaman ito ng aking isip.
"Wala... Wala, magluluto tayo ng spaghetti. Pakukuluan ko muna ito, timpalhin mo na ang gagamiting souce Dhan" utos sa akin ni Aldren.
Pinag halo-halo ko ang mga sangkap para gumawa ng sauce, hindi ako sigurado sa aking ginaginawa dahil hindi pa ako nakagawa ng spaghetti.
Kaya tinawag ko si Aldren at nagpatulong ako sa kaniya.
"Pwede mo ba ako tulungan dito?, hindi ko kasi kabisado kung pa'no ito timplahin..." nahihiyang sabi ko sa kaniya. Nakakahiya naman talaga pati magtimpla ng souce ay hindi ko kabisado haaayss...
Sobrang nakakahiya.
Idinikit ni Aldren ang kanyang katawan sa aking likod at pagkatapos ay hinawakan ang dalawa kong mga kamay. At dahan dahang ini-ikot ikot ang sauce sa bowl gamit ang sandok.
Pumunta siya sa aking gilid, at tinikman ang sauce gamit ang kanyang dalawang daliri, pagkatapos ay ipinahid ito sa aking labi.
Nabigla ako sa kaniyang ginawa at natulala habang nakatingin sa kanyang mga mata at gayundin si Aldren sa akin.
Hinawakan niya ang aking mukha gamit ang kaniyang dalawang kamay at dahan dahang....
BINABASA MO ANG
The half of me
RomanceRomance - Drama - Tragedy On going, Busy po sa school Ito po yong una kong gawa, sana po ay magustuhan ninyo. Nang matapos kong mabuo ang kalahating ako sa realidad, ay diyan ko pa natagpuan ang hinanahanap kong kapirasong ako. Hinahanap ang mataga...