Pagpasok ko palang sa aming bahay ay sumalubong na ang malakas na bunganga ni Tsong Garry "Gabi kana naman umuwi..., pagkatapos mong kumain ay samahan mo akong mamalengke" ani niya sa'kin habang ibinubuga ang usok ng sigarilyo sa aking mukha.Si Tsong Garry na ang tumayong ama't ina sa akin simula nong namatay si mama, bunsong kapatid ng aking ina si Tsong Garry.
"Opo tsong" sagot ko sa kaniya habang ibinababa ang aking dalang gamit sa sofa.
"Tsong..... Tara napo sa palengke, mamaya nalang po ako kakain" pasigaw na sabi ko sa kaniya habang nagbibihis sa kwarto.
"Huwag na, ako nalang mag-isa ang pupunta sa palengke... " pasigaw na sabi sa akin ni tsong Garry habang lumalakad palabas ng aming bahay.
Hay nako... Mabuti nalang at hindi ako pinasama ni tsong Garry. Para mamalengke.( Tok... Tok... Tok... Tok...
Apat na malakas na sunod-sunod na katok sa aming pinto )"Taoh poeh... Taoh poeh... Bestieee lumabas ka may ichichika ako saiyo"
Hay naku naman! Nandito nanaman ang baklang si James.
Pagbukas kopalang nang aming pinto ay hindi na siya nag dalawang isip na pumasok.
"Ano nanaman bang ichichika mo!? Lovestory mo nanaman ba!? Mahal na mahal ka niya ngayon at pagkatapos kang perahan ay iiwan ka... , wala nang lalaking seryosong magmamahal sa mga bakla!" prangkang sabi ko sa kaniya habang nagwawalis ng pagalit.
"wow bes ang nega monaman, porket bakla wala ng true love?! Wala nang magmamahal sakin ng seryoso... Meganon bes! At isipa iba ang ichichika ko sayo no..." ani niya sakin habang nakaupo at yakap yakap ang unan.
"Bakit ano bang ichichika mo?!" tanong ko sakniya habang nakatayo at nakatitig sa kaniya.
"Lilipat na ako ng UP UNHIVHERSEETY OF THE FILIPHINOS, kaya dapat bukas na bukas ay ipapakilala mo ang mga macho gwapitong freshmen College doon" ani niya sakin habang kinikilig.
"Ohh sge na bes... I wanna go home na... Sea yaeh tamarrow..." sabay flying kiss sa akin.
(Booog...)
Lumabas ako ng bahay ng makarinig ako ng kalabog, si James pala nauntog ang kaniyang ulo sa pader. Hahahhahahaha buti nga sa kaniya jokeee.
Kinabukasan....
Hay nako late nanaman ako, eh pano ba naman kasi ang daming ipinapagawa ni tsong Garry sa'kin.
"At isa kapa Winston! Kanina kapa, ano ba Winston anong bibilhin mo!" pagalit na sabi ko sa kaniya habang sinusuklay ang buhok.
"Ang aga-aga ang sungit-sungit, tatlong egg with love"ani nya sa'kin sabay abot sa kaniyang bente.
"Kulang ng piso Winston...."
"Ibabalik ko nalang mamaya" sabi ni winston habang lumalakad paalis ng aming tindahan.
Hay nako siguradong late nanaman ako, sabay tingin sa aking lumang relo na ibingay pasa'kin ng aking yumaong ina. Oooh myyyyyy gooosh!!! 10 minutes nalang at malalate na ako, siguradong pagagalitan nanamn ako ni prof.
"Tsong papasok na'ko" sabi ko sa kaniya habang hinahanap ang aking notebook.
"Kumain ka muna..." ani ni Tsong Garry habang kumakain at sabay abot ng aking baong 50 pesos.
"Salamat po Tsong, sige po alis napo ako" OMY GOSH..... 5 minutes nalang at malalate na ako, kailangan ko pang tumakbo ng mabilis. Hay naku naman ngayong kailangan kong magmadali ngayon pa walang masasakyan.
(Peep... Peep...)
Get in the Kotcheei bes....
(Hmmmmmmp..... Haaaaa.....)
"Salamat bes ah, siguradong malalate na talaga ako. Wala kasing dumadaang masasakyan" sabi ko sa kaniya habang hinihingal.
"No worries bes! Basta samahan mo akong mag lunch maya ha" ani niya sakin habang nakatingin sa salamin at inaayos ang kaniyang kilay.
"Okay bes... Puntahan mo lang ako maya"
Hmmmmp ang sarap talagang maupo sa malambot na upuan.
Tinignan ko ulit ang aking relo, nakupo isang minuto nalang at siguradong malalate na ako. Tanaw ko na ang paaralan, malapit na kami.
"Bes mauna na ako, salamat...." sabay bukas sa pintuan ng sasakyan.
Wala akong magawa kundi tumakbo ng mabilis para hindi mahuli sa klase. Habang tumatakbo ako ay unti-unting nasisira ang harapan ng aking sapatos, pero bahala na keysa pagalitan ako ni Prof. Centimeter.
Hmmmp... Haaaa... Hmmmp... Haaaa...
Inayos ko muna ang aking mukha at tsaka buhok, at dahan dahang lumakad papunta sa gitna para hindi mapansin ni Prof.
(Grrrrrrmmmmp)
Tumunog ang aking tiyan, nasakin na ang kanilang atensyon. Ohhh sheeet sobrang hiya.
"SIGURO GUTOM NA GUTOM NA ANG SAPATOS MO hahahahah" kantyaw sakin ng lalaki nana harap. Pinagtawanan nila ako, at ginawa pa nila akong katawa tawa. Pero hindi kona sila pinansin, at umupo nalang sa aking upuan.
"Miss abi late kananaman, ano nanaman bang rason mo" tanong sakin ni Prof. Centimeter habang nakatingin sa'kin at hawak-hawak ang libro. Hindi kona sinagit si Prof at kumuha nalang ako ng notebook, para mag umpisang magsulat ng mga isinulat ni Prof.
"GOODMORNING MAGANDANG ARAW SA LAHAT, WHATZUP MADALANG PEOPLE" sigaw ng lalaking nakatayo sa pintuan.
"Please give a warm welcome for new classmate, Carl S. Roxas"
Nakatingin kami lahat sa kaniya, bigla kong naalala na siya pala yong lalaking kasabay ko kahapon sa Coffee shop.
"Mr. Roxas please take a sit right beside to Ms. Reyes" sabay turo sa'kin ni prof.
"Thanks Prof..." sagot niya kay Prof.Centimeter.
Nagsimula nanaman si Prof. kausapin ang kaniyang sarili, wala talagang pumapasok sa aking isipan. Puros pagkain kasi ang nasa aking isipan, syempre gutom na gutom na gutom na'ko.
"Bye class... " ani ni Prof habang lumalakad paalis.
Pupuntahan ko pa pala si James para sabay kami kakain ng tanghalian.
"Ms. Reyses sandali lang... "
BINABASA MO ANG
The half of me
RomanceRomance - Drama - Tragedy On going, Busy po sa school Ito po yong una kong gawa, sana po ay magustuhan ninyo. Nang matapos kong mabuo ang kalahating ako sa realidad, ay diyan ko pa natagpuan ang hinanahanap kong kapirasong ako. Hinahanap ang mataga...