TP 05

4 2 0
                                    


TP 05

"GRUPO ng Beta Team ng Patriarchs natagpuang mga walang buhay. Dahil sa nangyari ay marami ang mga tanong ngayong nabubuo sa mga utak ng mamamayan. Sino ang may pakana? Mayroon ba itong kaugnayan sa mga pagpatay nitong mga nakaraan? Kailangan na ba tayong mangamba?–" hindi natapos ang sinasabi ng news reporter ng mamatay ang telebisyon.

"Another Shit." wika ng lalaking nagpatay ng telebisyon.

"Zeke. What do you think?" biglang wika ng babaeng galing sa maliit na kusina sa kaniya.

"What do you mean Luna?" tanong nito pabalik ng hindi lumilingon sa likuran.

Dahan dahang umikot at tumabi sa kaniya ang babae. "Sa tingin mo? May kaugnayan kaya ang nangyari sa sinasabi sa balita about don sa lalaking tinutugis natin?"

"Maybe yes. Maybe no. We're not sure. Hindi lahat ng nababalita at nakikita natin, totoo." simpleng wika lang nito bago nagtungo sa kanilang pinto.

"Saan punta mo?"

"Maglalakad lakad lang. Sama ka?"

They're lovers. Magkasintahang na pilit inaalam ang totoong nangyari sa pagkamatay ng mga magulang ni Zeke. Hindi naniniwala kasi ito naniniwala na aksidente lang ang nangyari sa kaniyang magulang, kaya simula noon nagkalap na sila ng lahat ng impormasyon. Mga impormasyon na inaasahan nilang makakatulong sa kanila na malaman kung ano ang tunay na nangyari sa mga magulang ni Zeke at sino ang may pakana nito.

"Hindi na. Magluluto na rin ako ng hapunan natin. Ingat!" nakangiting wika sa kaniya ng kasintahan bago ito nagtungo sa kusina. Sumilip pa ito at kumaway sa kaniya bago tuluyang pumasok sa kusina.

Napailing na lamang siya at napangiti ng bahagya bago tuluyang lumabas ng kanilang bahay.

Naglakad lakad siya. Palubog pa lamang ang araw at marami siyang kasabay sa paglalakad. Ang iba'y pauwi galing sa trabaho, ang iba'y magbabarkada na galing eskuwela at siguradong didiretso sa paglalakwatsa, mga magkasintahan na magd-date at mga taong naglalako sa may gilid ng mga pagkain.

Naglakad lakad pa siya ng kaunti at nagpasiya na ring umuwi ng makalubog na ang araw.

Binuksan niya ang pinto ng kanilang tinitirhan. Sumalubong sa kaniya ang amoy ng niluluto ng kaniyang irog. "Luna?" tawag niya rito ng tuluyan ng makapasok sa loob.

Agad namang sumilip mula sa kusina si Luna. "Zeke! Tamang tama. Naghahain na ako. Tara na!" sabi nito ng nakangiti at saka tuluyang lumabas sa kusina bitbit ang kanin na nasa malaking plato.

The PeculiarsWhere stories live. Discover now