TP 06

4 1 0
                                    


TP 06

MINULAT ni Way ang mga mata niya. Pinakiramdaman niya ang paligid. Ang hinihigaan niya ay malamig na semento. Bumangon siya ng dahan dahan habang sapo sapo ang kaniyang ulo. Inilibot niya ang paningin sa paligid niya. Walang kahit anong laman. Isang kuwadradong kwartong lulan siya. Napatingin siya sa may pintuan. Hindi ito ordinaryong pinto, may roon itong disenyong rehas sa itaas na parte nito.

Nasaan ako? Ang naitanong niya na lamang sa kaniyang sarili. Bigla na lamang siyang napasandal sa pader ng biglang sumakit ang kaniyang ulo.

"Argh! What's wrong with my head!?" paunti unti ay dumausdos siya sa pagkakasandal sa pader. Habang sapo pa rin ang ulo at nalulukot na mukha dahil sa sakit na nararamdaman.

"Voices. These voices. Fvck! Arghh! The noise. Get out! Ahh! Fvck I said GET OUT!" biglang sigaw niya.

Habol ang kaniyang paghinga ng mawala ang mga tunog. Paunti unti ay napabitiw siya sa kaniyang ulo at napatitig sa dalawang kamay. "What's happening to me?" ang naitanong na lamang niya sa kaniyang sarili at napayuko na lamang habang yakap ang kaniyang mga binti. Napahikbi na lamang siya sa halo halong emosyon na nararamdaman.

"Tama na ang iyak Way. Walang maitutulong sa'yo 'yan." ang naiwika niya habang pinupunasan ang mga luhang kumawala mula sa kaniyang mata.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at nagpagpag. Malalim na paghinga ang kaniyang pinakawalan bago muling nilibot ang mga mata sa kaniyang kinalalagyan.

Sumilip siya mula sa malarehas na butas sa itaas ng pinto. "I need to get out of here." ang naibulaslas niya na lamang sa kaniyang sarili.

Let out the power inside you, Way. Napatigil siya sa pagmamasid ng tila may bumulong sa kaniyang tainga ng mga salitang 'yon.


Napalingon siya sa kaniyang likod ng may maramdam dito. Halos matumba siya sa kinatatayuan dahil sa nasilayan.

Let me out, Way. Ang wika ng lalaking kamukhang kamukha niya. Ang tanging pinagkaiba lang ay ang mga mata nila. Ang kaharap niya'y walang puti ang kulay ng mga mata, purong itim.

"W-who are you?" ang naitanong niya na lamang dito na may kahalong takot.

You don't know me? Really? Ang natatawang sagot ng kausap niya sa kaniya. I am you, Way. We're one. Now, let me out so I can help you get out of this place.

"N-no. I-i am not you." ang sagot nito habang todo iling at napapatakip na ng kaniyang tainga.

Looks like you're not going to let me out. Then, I have no choice but to take over. Ang sabi na lamang nito habang iiling iling pa. Paunti unti na itong lumalapit mula sa kinatatayuan ni Way.

"N-no, Huwag kang lalapit! Aahh! Huwag! Huwa–arghhhhhh!" napaupo si Way habang sabusabunot ang buhok. Kung may makakakita lamang sa kaniya ay iisiping isa siyang baliw. Wala siyang sino mang kasama sa loob ngunit heto siya, pilit na nilalabanan ang kung sino.

Tumigil na siya sa pamimilipit sa sakit at sa pagsabunot sa kaniyang sarili. Unti-unti siyang tumayo ng maayos at nag-unat unat. Isang maliit na kurba ang kumawala mula sa gilid ng kaniyang labi.

"Now, Let's get out of here."

•••

Nakasisilaw na liwanag ang gumising kay Zeke. Bumangon na siya para simulan ang kaniyang araw. Lumabas na siya sa kaniyang kwarto pagkaimis ng kaniyang mga gamit.

Sumalubong sa kaniya ang mabangong amoy mula sa kusina. Napangiti na lamang siya at saka nagtungo sa white board. Naging seryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha ng sumilay ang masayang mga mukha sa litrato ng kaniyang mga magulang.

Inilipat niya ang kaniyang tingin sa dalawang litrato pang naroroon. Umaasa siyang makatutulong sa kaniya ang mga 'yon.


Natigil siya sa malalim na pag iisip ng tapikin siya ni Luna sa kaniyang balikat. "Kain na tayo."

Ngumiti lamang siya at tumango rito. Ngunit bago pa makaalis si Luna ay niyakap niya ito mula sa likod. "Thank you." ang lumabas lamang mula sa kaniyang bibig.

Mula ng mamatay ang mga magulang ni Zeke ay hindi siya iniwanan ng babae. Nagpasiya na rin ang babae na manirahan kasama siya sa bahay na naiwan ng mga magulang niya. Tumulong na rin ito sa pagkalap ng mga impormasyon at mga posibleng ebidensiya. Hindi siya iniwanan nito. Sinamahan siya ni Luna sa lahat kahit alam nitong delikado ang ginagawa nila.

"Oh. Naging malambing ka bigla. May kailangan ka?" natatawang wika ng babae rito.

"Masama bang lambingin ang babaeng mahal ko?" sabi pa nito at saka hinigpitan ang yakap sa babae. "But seriously, Thank you. Sa lahat." ang dagdag pa nito bago isiniksik ang mukha sa leeg ng babae.

"Hm. Oo na. Basta kung anong gusto mo, doon ako. Susuportahan kita. Mahal kaya kita. " natatawang sabi nito bago kinalas ang pagkakayakap ng lalaki at hinarap ito. "Tara na. Lalamig ang pagkain." sabi niya rito at saka hinawakan ang kamay at sabay na tinungo ang hapag.

———

@cantaloupeious

The PeculiarsWhere stories live. Discover now