TP 08

4 1 0
                                    


TP 08

You know what will happen to a relationship when Betrayal comes in? The trust that you built to that person will suddenly falls, and the love that you felt is being taken over by hatred.

"I'm sorry Zeke." huling mga salita ng babae bago pindutin ang buton ng SStim.

Bigla itong naglabas ng matinding tunog na nagpaurong at nagpatakip sa tainga ni Zeke.

"Arghh, Stop it! Ahh fvck!" sigaw ng lalaki habang namimilipit sa sakit. Napaluhod na ang isang binti nito dahil sa hindi makayanan ang rindi na nanggagaling sa SStim.

"I'm sorry. /chuckles;" wika ng babae at napatawa pa ng bahagya. "What will you do now little boy?" asar pang wika ng babae sa ngayo'y halos yukong yuko ng si Zeke.

"S-stop i-it, y-you m-mother–arghhh!"

"I wonder, ano kayang Aptitude mo? Hmm. Is it something unique? Or dangerous? /chuckles;" wika pa nito na nakahawak sa ilalim ng kaniyang baba.

Lumapit ito sa kaniya ng dahan dahan at umikot ikot pa sa kaniya bago tumigil sa kaniyang likuran at saka hinawakan ang balikat nito. "Accept the reality Zeke. The reality where you live. Wala ng totoo ngayon. Wala ng mapagkakatiwalaan–"

"Oh, the reality?" putol nito sa babae.

Napalingon ang babae sa lalaking nagsalita mula sa kaniyang likuran.

"H-how c-come? Y-you're just h-here–" napatigil ang babae ng unti unting naglalaho ang nakayukong imahe ni Zeke pati na rin ang hawak niyang SStim.

"Looks like you don't know what's the reality, huh." wika ni Zeke at saka ipinakita ang SStim na hawak niya sa kaniyang kanang kamay.

"W-wait, I- i don't understand. Ang gulo." naguguluhang wika ng babae at nagpapabalik balik pa ng tingin sa kaniya at sa pwesto kung nasaan 'siya' kanina.

"You don't need to." wika nito sa naguguluhang babae. "You just saw and experienced my Aptitude, how was it?" may kurbang ngiti sa gilid ng mga labi ni Zeke ngunit ang mga mata'y walang emosyon.

"H-how? I-i don't understand." naguguluhan pa rin ang babae."P-paano mo nalaman ang Aptitude mo kaagad? P-paano mo nagamit?"

"It manifested long time ago. I just didn't give a fvck about it." Ang nawawalang ganang sagot ni Zeke.

Natahimik silang dalawa. Susubukan sana ng babae na magsalitang muli ngunit pinigilan siya ni Zeke.

"Luna, just go out. Please." Sambit niya na wala pa ring emosyon sa babae.

"Zeke, listen. Pakinggan mo muna ang paliwanag ko." bumalik muli ang babae sa kung ano ito kanina. Nawala na ang tila baliw na babae na nangmaliit sa kaniya.

"Enough! Ayaw ko ng pakinggan pa ang mga kasinungalingan mo. Tapos na. You betrayed me. Ikaw na mahal na mahal ko. Get out! I don't wanna see your face ever again." sambit dito ni Zeke.

Hindi na muli pang nagsalita ang babae. Dinampot nito ang telepono at saka nilisan ang kwarto. Narinig pa niya ang tunog ng pagsara ng pinto hudyat na tuluyan na nga itong lumisan.

Dahan dahan ay napaluhod siya at kusang kumawala ang mga luha sa kaniyang mga mata. Napapahikbi siya. Halo halo ang emosyon ang nararamdaman niya sa mga oras na 'to. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Naibato niya ang hawak na SStim sa dingding na ikinasira nito.

"FVCK!" ang naisigaw na lamang siya. Tuloy pa rin ang pagtulo ng kaniyang mga luha.

I'm now broken into pieces, and i don't know if i'm going to be back to whom i used to be. I don't know if i will be able to trust someone again. I don't know if i'm still going to see the world the way i see it before. Hindi mo talaga malalaman ang mga susunod na mangyayari. Kanina lang masaya ka pero sa isang kisap-mata, maaaring gumuho ang mundo mo.

•••

"What!? Hindi mo nagawa!? Aba naman Luna! 'Yon nalang ang gagawin mo hindi mo pa nagawa!? Sabihin mo nga sa'kin, may nararamdaman ka ba sa lalaking 'yon!?" sigaw ng babae kay Luna ang dumadagundong sa buong lugar.

Nasa isang isolated na lungga sila na maihahalintulad sa isang warehouse. May mga gamit sa paligid ngunit ang mga ito ay armas sa pakikipaglaban.

"Hindi po. Wala po akong kahit na anong nararamdaman sa lalaking 'yon, Madame." nakayukong sagot nito sa babaeng nasa isang mala tronong upuan. Marami ring nakapalibot sa kanilang mga babaeng naka all black jumpsuit na hapit sa mga katawan nito. Nakatayo lamang ang mga ito sa dalawanh gilid.

"Maliit na bagay lamang ay hindi mo pa magawa. Paparusahan kita sa iyong kapalpakan at magpapadala na lamang ako ng iba para tugisin ang lalaking 'yon." ang sambit nito. "Dalhin siya sa kulungan. Huwag niyong isasama sa dalawang preso. Ilagay niyo sa malapit sa punishing room." utos nito sa tatlong babaeng nasa kaniyang tabi na agad nilapitan si Luna at saka hinawakan sa dalawang braso.

"Kailangan maunahan natin ang impokritang babaeng yon sa mga Peculiars. Hindi ako papayag na sakanya mapunta lahat." ang sambit nito bago sinensayan ang limang babae para gawin ang hindi nagawa ni Luna.

———

@cantaloupeious

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The PeculiarsWhere stories live. Discover now