TP 07

1 0 0
                                    


TP 07

"SAAN ang punta mo?" tanong ni Zeke sa kasintahan ng mapansing palabas ito ng bahay.

"Magkikita kita lamang kami ng mga kaibigan ko." ang sagot nito sa lalaki.

"Na ganiyan ang suot?" ang pagtatakang tanong ng lalaki dito at tinignan ito mula paa hanggang ulo. He tilt his head and slightly pout his mouth.

"Ahm...yeah?" sagot muli ng babae sa tanong nito.

Nakasuot ang babae ng ternong jogging pants at jacket na hoodie.

"Sigurado ka? Sobrang init ng panahon ngayon." tanong pa rin ng lalaki na may kaunting pag-aalala. Naka-tilt pa rin ang ulo nito at mas ngumuso na tila ba sumisenyas.

"Yep. Saglit lamang ako. Oh una na ako ah. See you later!" pagtatapos ng babae sa usapan nila bago kumaway at saka nilisan ang bahay.

Nang lumapat ang pinto sa pagkakasara ay napayuko na lamang ang lalaki at napahawak sa batok. "Hindi man lang ako binigyan ng goodbye kiss." he mumbled while slightly sulking.

Bumalik na lamang siya sa pagtingin sa mga papel na nakalatag sa maliit na lamesa. Naroon ang iba pang impormasyon na nakalap niya nitong nakaraan. Mga pagkamatay ng ilang mga tao sa iba't ibang Kapitulo. Naagaw ng atensyon niya ang pagkasunog ng abandonadong bahay sa gitna ng gubat sa Capitol 3.

May ilang mga litrato na nakaprint out kasama ng mga impormasyon at nakita niya rito ang katawan ng limang batang sunog ang katawan.

"Kapapasok lamang ng balita. Limang bata mula sa Capitol 3 ay natagpuang mga walang buhay at sunog ang katawan sa abandonadong bahay sa gitna ng gubat. Sino ang may pakana? Aksidente o sinadya? Inaalam pa ng Ministry ang totoong nangyari sa mga bata. Dumako naman tayo sa ulat panahon. Makararanas ngayon ng matinding ulan ang Capitol 2. Maging handa sa mga maaari-"

Napunta ang atensyon niya sa telebisyon. Ang ulat ng lalaking nasa telebisyon ay kaparehong kapareho ng nakalap niyang impormasyon. Napaisip siya na maaaring may kaugnayan ito sa nangyari sa kaniyang mga magulang. Dahil katulad ng mga ito ay sunog din ang katawan ng kaniyang mga magulang ng matagpuan sa sasakyang lulan sila. Ang sasakyan ay lubha ring nakatamo ng malaking pinsala.

Inagaw ng biglang pagbuhos ng ulan ang atensyon niya sa pag-iisip ng malalim. "Luna." Ang naiwika niya bago agad na kinuha ang dalawang payong at saka nilisan ang kanilang bahay.

The PeculiarsWhere stories live. Discover now