Mahal, isang salita
daan daang alaala
akalang bagay na tinitingala
Isa palang pakiramdam na sisiraNung una'y napaisip ako
anong pakiramdam ng biglang masalo
Minsan masaya, minsan malungkot
kahit sa huli, puso ma'y mabalot ng pootIminulat ko ang mata
tanging ngiti mo lang ang nakita
'Pagkat sandaling ibinigay ng pagkakataon
Sa libingan na pala maibabaonMatang nagsimulat sa ikalawang pagkakataon
Yakap mo'y unti-unting nawawala sa hampas ng alon
Aninong dati'y magkaakbay sa ihip ng panahon
Isa na lamang sa mga sugat na maghihilomSa lilim ng kadiliman, paningin ko'y bigla kang naglaho
Bakit ka nang-iwan?
Akala ko'y buhay nating dalawa ay sukdulanIka'y nangako na bawat pangarap natin ay matutupad
Sa isang iglap, naging hangin na mistulang lumipad
O kay bilis nga namang umalis,
'Pagkat pagmamahal mong huwad at ika'y nagmalinis
YOU ARE READING
Prose And Poetry
PoesíaThis is a personal compilation of short stories, poems, and letters written in English and Filipino addressed to my readers.