Chapter 8

979 61 4
                                    

Yumeko Mary Louzet

Tinanghali na ako ng gising dahil nga sobrang late na kami nakatulog.

Kaagad akong napatayo nang maalalang may kasama ako.

Sumakit ang ulo ko sa ginawa kong biglaang pagtayo mula sa kama.

Wala ito sa higaan, tumakbo ako pababa at nakarinig ng tawanan sa kusina.

"And yes, hija. I still remember clearly how Yumeko pissed her shorts shen she was 6 years old--"

"Mama?!" Nahihiyang pagputol ko dito.

Kasama niya ang iniuwi kong bisita na hindi man lang tumingin saakin at busy sa paghihiwa ng mga gulay.

"Oh, my baby Yumeko's here. You didn't tell me that you'll be bringing Kailey after the ball?"

Umupo ako sa tabi ng counter katapat nila at pinanood sila habang minamasahe ang ulo ko.

"Mama, penge akong gamot. Ang sakit ng ulo ko"

Nabigla ako nang paluin ni mama ang kamay kong nanghihingi ng gamot sakan'ya.

"Don't tell me that you drank last night?" Strikto talaga ito.

"Mama, hindi. Sumakit ang ulo ko dahil bigla akong tumayo kanina pagkagising ko" Kung makapalo kasi.

"No drinking of alcohol, Yumeko ha. If you want to drink I'll let you only if it's inside our house"

Tuluyan na akong nagdabog dahil hindi ako nito pinaniniwalaan at naghanap ng sariling gamot para sa sakit ng ulo. Naiiyak na nga ako sa sakit, parang hinihila ang mga ugat ko.

"Tita, we did not drink any alcoholic beverages" hindi parin ako makapaniwalang sobrang hinhin ng boses nito.

Mukhang na guilty naman si mama at pinaupo ulit ako dahil wala akong makitang gamot kahit saan "I'll get some in my room, wala na palang stock dito"

Natahimik naman dito sa kusina pagka alis ni mama.

"Okay ka na?" Tanong ko dito habang nag peprepare ng iluluto. She can cook?

Tumango lang ito sa akin "Buti naman" sagot ko at ipinatong sa counter ang ulo ko. Medyo na relax ako sa lamig ng counter sa pisngi ko.

Dumating si mama na may dalang iba't-ibang gamot pang stock sa first aid kit na nandito sa cabinet ng kusina.

"Kailey, hija. How's my daughter inside the school? Is she a good girl?" Gusto ko man pigilan si mama sa kakausisa pero ayoko namang walang makausap itong bisita, hindi naman ako nito kinakausap nang maayos.

Tumingin ito sa gawi ko, nakatakip parin ng panyo ang mukha nito na parang wala lang kay mama. Dahil na rin siguro kilala naman si Kailey sa pagsuot ng mask nito.

"She's actually a famous student, tita. Everyone knows her, she also has a fan club which I'm guessing that she doesn't even know"

Tumawa si mama sa sagot nito, patuloy lang ako sa paghiga ng ulo ko sa counter.

"Ganyan talaga iyang si Yumeko ko, masyadong inosente at walang malay sa paligid"

"Bakit naman ako may fans club, hindi naman ako awtista" bulong ko na bulol sa 'r' dahil sa pwesto ko na mukhang narinig nila.

"Oh baby, you don't realize that you look better than any idols? Syempre mana ka saakin. And with your talent, kahit sino magiging fan mo" proud na proud na sagot ni mama "Right?"

"Y-yes po" nahihiyang sagot nitong bisita. Nahihiya lang namang tumanggi kay mama.

"Maaa wala pa bang pagkain, gutom na ako" pagrereklamo ko.

My Knightmare (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon