Yumeko Mary Louzet
Pinagtitinginan kami sa school pagkatapos bumaba ni Kailey mula sa big bike ko. Suot din niya ang mask na ginamit ko noon sa pagsayaw, hindi na iyong jabbawockeez type, leather mask lang ito at pinahiram ko ng shades in case na ayaw pa rin nitong ipakita ang mata sa iba, paniguradong nasa ate naman niya ang mask na gamit dati kung saan siya komportable.
Para tuloy siyang celebrity talaga na lumabas mula sa fashion show magazine kahit naka uniform lang, tusukin ko mga mata netong mga titig nang titig sa kaniya eh.
"Are you sure you want to follow me inside the office?" Nag aalangan tanong nito nang makarating kami sa office nila. Alam kong concern ito sa ate niya dahil alam nitong galit ako dito.
"Oo nga, hindi ko naman hahayaang ikaw mag-isa humarap sa ate mong dragona. Tyaka kargo kita kasi sa bahay ka nanuluyan" pakamot kamot sa kilay kong sagot kaya napailing ito at dinig ko pa ang mahinang pagtawa.
And I felt my heart just skipped a beat.
Argh.
Mamaya pa naman ang pasok ko, 6am pa lang. Wala pang masyadong tao sa school, pero paniguradong nasa loob na raw ng office ang ate nito.
Sabay kaming pumasok at wala pa nga ang mga officers, dumiretso kami sa room kung nasaan ang office nilang magkapatid.
Prenteng nakaupo ang ate nito sa swivel chair niya at mukhang inaasahan na ang pagdating namin.
"Welcome back, my dear sister" nakakalokong pangbungad nito. Napansin ko rin na may nakaupo sa table ni Kailey.
"Mary, as you can see. Someone already got her position as the student council vice president" lumapit ito sa babaeng nakaupo sa table ng vice pres at kumandong dito.
"I'd like you to meet Dianne, she was once my secretary but I have let her take the position exam for Kailey's position and she beat her score. So, she's now my vice president" tumayo ito at lumapit sa kapatid.
What? Bakit naman matatalo itong genius na 'to? Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis dahil mukhang ginamit lang ng ate nito ang koneksyon niya para magawa ang gusto.
"B-but ate. Why would you do that?" Nanginginig ang mga boses na tanong nito.
Dinuro nito ang kapatid "You, useless dummy. You can now get out of this office, you don't belong here anymore"
Tinapik ko ang nakaduro nitong daliri sa kapatid at hinarangan ito, itinago ko sa likod ko si Kailey at buong tapang na sinalubong ang cold na tingin nito.
"Hindi ko na pinapayagan na ganyanin mo pa si Kailey. She had enough, at oo aalis na s'ya dito. Sa akin na siya sasama magmula ngayon" seryosong sabi ko pero imbes na mainis ay parang kumislap pa ang mga mata nito at amused na amused.
"You make me like you even more" hinawakan ako nito sa pisngi pero hindi ko parin inaalis ang masamang tingin ko dito "A strong woman such as you shall only belong to me" mas lumapit pa ito saakin.
Mabilis itong napabitaw nang hablutin ako palayo sakan'ya ni Kailey.
"Let's go, Yumeko" malungkot na pag aaya sa aking lumabas nito.
Bumalik na sa table nito ang president at parang walang nangyari at nagpatuloy ito sa pagbabasa ng mga documents.
"Ayos ka lang?" Tanong ko kaagad dito at hinarap ito.
"I am. Now that I'm with you" napangiti ako sa sagot nito.
Kanina ko pa napansing nasa ibabaw lang ng table ng president ang mask ni Kailey na nagpapabago ng boses nito kaya kinuha ko.
Ipagdadamot ko sa iba ang natural na boses niya 'no, baka mainlove pa sila dito.
"I can clearly see that I have no chance anymore" biglang nagsalita ito habang nasa papel na pinipirmahan ang atensyon.
"You never had"
Mabilis kong kinuha ang kamay ni Kailey at dinala sa pinakamalapit na girl's comfort room.
Pumasok ito sa isang cubicle at naghintay lang ako dito sa labas.
May mga pumasok na mga estudyante at mukhang hindi nila ako napansin dahil nag-uusap ang mga ito.
"I heard nga, Michael grope the former vice president's breast noong education night. I wish I was that girl"
"Really? Napaka swerte naman niya, sana ako nalang"
Napantig ang tenga ko sa narinig kaya hinablot ko ang babaeng nag me-make up na nagsabi noon na napabitaw sa liptint nito sabay na kinwelyohan "Kanino mo galing 'yang sinasabi mo?" nakangiti pero may bahid ng pagbabantang tanong ko.
"K-kalat sa buong campus! Ipinagmamalaki pa ni Michael na na nilamas niya ang breast ng former vice--"
Nasusuka at nandidiri ako sa mga pinagsasabi ng mga ito kanina, sinong matinong tao ang gugustuhing mabastos nang ganoon?
"Yumeko" binitawan ko ang babae pagkarinig ko ng robotic na boses, takot na takot ito sa ginawa ko, nakita ko pa ang mabilisang pagtago ng mga kasama nito sa phone nila at nagtakbuhan pa labas.
Kinuhanan ako ng picture or video panigurado, napamasahe ako sa sentido ko.
Hindi magugustuhan ni mama kapag nalaman niya na gumawa ako ng eksena. Ang malala pa ay nang away ako, hay.
Ngayong suot na nito ang dating mask ay parang magic na nanumbalik ang overwhelming presence nito, parang sobrang confident na uli nito.
Parang hindi siya ang babaeng kasama ko for two days.
"Just let them be, Yumeko" bumuntong hininga ito "We can do nothing about it"
Mas lalong uminit yata ang ulo ko sa narinig "Hahayaan nalang natin na bastusin ka? At ipinagmamalaki pa nila?" pagtitimpi ko.
"What? What can you do? Scare them like what you did a while ago?" parang sarcastic na sabi nito at parang naiinis. Bakit? Bakit saakin ito naiinis?
"Hindi ba dapat sakanila ka dapat mainis? Bakit parang ako ang kaaway mo?" hindi makapaniwalang tanong ko at binigay ang tingin kong hindi makapaniwala.
"Because you're being unreasonable!" pagtaas nito ng boses.
Napakunot ako ng noo sa narinig at pilit na tumawa. Kumirot ang dibdib sa pangyayari at pagkainis nito saakin "At ako pa? Ako pa ang mali? Anong unreasonable? I just want to--"
"Just stop it, as what I've said we can do nothing about it"
Tumango tango ako rito "Huh" pikon na saad ko "So hahayaan nalang natin, ganoon? Kasi 'yon ang dapat gawin, ano?" Hindi ako makapaniwala kung gaano ka baluktot ang mindset nito.
"It's for your own sake, Yumeko.."
"Hindi ko nga kayang binabastos ka at hindi nirerespeto ng iba, ano bang hindi mo maintindihan?!" Tuluyan ko ng hindi makontrol ang galit kong kanina ko pa piniligilan.
"Wh-why are you crying?"
Ngayon ko lang din napansin na napaluha na ako sa sobrang inis at frustration sa mga natanggap na salita, mabilis ko itong pinunasan.
Puno ng sama ng loob ang tingin na ipinukol ko dito bago ako tumalikod at lumabas sa kinaroroonan namin.
BINABASA MO ANG
My Knightmare (Completed)
RomanceShe came and took everything away from me, I hate her with all that I am. But what if who you thought is your nightmare is also your knight in shining armor? Here's the story on how someone became My Knightmare.