Yumeko Mary Louzet
"TODAY?!" hindi ko napigilang magtaas ng boses, naiimagine ko ang kalmado pa ring reaksyon ni Hyacinth sa kabilang linya.
"Yes chief" tipid na sagot nito.
What? Paano nangyari??..
Ano na namang ginawa mo sa future bride ko, Bailey!
Nanlumo akong napatingin kay dada ko na nanonood lang ng taimtim.
"Anong sabi?" Excited pa ito na nagtatanong sa akin pero sumenyas ako na hindi pa tapos ang usapan.
"Go to your mansion's helicopter pad. We sent one to pick you up. We also sent each helicopter to our troupe. We will be needing their help" troupe? You mean our members?
Na speechless ako sa sobrang bilis ng pagkilos ni Hyacinth at ang tulong ng iba pa "Hya--"
"Say your thanks later, we need to get your bride. And I owe you my life anyways" pinatayan ako nito ng tawag.
Napangiti ako nang maalala kung paano kami nagkakilala nito.
"Dada, I need to go. Babawiin ko na ang future wife ko"
Kita ang saya sa mukha ni dada "Go get her!" At pabiro ako nitong tinapik sa likod.
Tumakbo na ako paakyat sa helicopter pad namin, hindi ko pa ba naikwento? May helicopter kami pero hindi ko na kailangan gamitin dahil may ipinadala na si Hya.
Pagka akyat ko ay nandoon na pala ang helicopter na sasakyan ko, hindi ko man lang ito narinig kanina. Sabagay, soundproof ang loob ng bahay.
Naramdaman ko nalang ang paghawak sa balikat ko ni butler Sef "Sama ako" tumango ako dito.
Madali kaming umakyat sa helicopter at inassist ng mga tauhan ni Hyacinth.
"Ilang minuto bago tayo makarating?" Hindi mapakaling tanong ko, kanina pa lumipad mula sa bahay itong sinasakyan namin. Nasabi na rin nila na nandoon na si Hyacinth dahil nga siya mismo ang nakahanap, sobrang nag effort pala ito para lang matulungan ako.
"25 more minutes, ma'am" sagot ng butler ni Hya na inutusan nitong sumundo saamin. Babae ito, mukhang kasing edad lang ni butler Sef.
"I'm butler Rea, nice meeting you, ma'am Mary" magalang na pagbati nito.
Tumango lang ako dito pero nagsalita pa rin ito "Naikwento sa akin ni young master kung paano mo siya iniligtas noong bata pa kayo"
"Thankyou?" Hindi siguradong sagot ko, ano ba dapat ang isagot?
Basta hindi ako makapag focus dahil ang isip ko ay nandoon sa taong ikakasal ngayon.
Na pipigilan namin.
Nanginginig ang mga tuhod ko sa kaba, kanina pa rin hindi matigil ang bilis ng tibok ng puso ko.
Ano ba ang dapat kong maramdaman? Maexcite dahil makikita ko ito pagkatapos ng ilang buwan? Takot dahil ikakasal na ito ngayon at baka mahuli kami?
"Relax lang, Mary. Hindi ka nakikinig ano?" Pinatong ni butler Sef ang kamay nito sa balikat ko para tulungan akong kumalma "Namumutla ka, chill ka lang kasi. 3pm ang schedule ng private wedding niya sa lalaking papasa na ang edad bilang tatay nito"
Nainis nanaman ako nang maalalang sinabi nga nila na ikakasal ito sa lalaking malaki ang agwat ng edad sakaniya, pero mas naiinis ako dahill dapat sa akin lang siya ikasal.
"Itatakas natin siya, okay? Magtatagumpay tayo, ang dami kaya ng reinforcements natin" pag aassure pa ni butler Sef.
Pumikit ako at huminga ng malalim, sinusubukang kumalma pero clouded talaga ang isip ko kay Kailey.
BINABASA MO ANG
My Knightmare (Completed)
RomansaShe came and took everything away from me, I hate her with all that I am. But what if who you thought is your nightmare is also your knight in shining armor? Here's the story on how someone became My Knightmare.