CHAPTER TWO

70 29 3
                                    



A. N. N. A.S P. O.V





Ibinaba ko ang bilaong hawak ko at binuksan ang sobreng ibinigay sa akin ni madam. At hindi ako makapaniwala sa gulat dahil sa bilang ng mga pera sa loob ng sobre.

Sampung lilibuhin ang ibinigay niya sa akin. Nais kong maiyak sa tuwa, napakabait ni madam. Nagpapasalamat ako sakaniya dahil malaking tulong ito pang down payment ko sa binabalak kong apartment.

Napatingin ako sa itaas habang hawak ko ang mga pera sa aking kamay.

"Ma, pa. Malapit na po akong makabili ng apartment. Konti tiis nalang po mama, papa. Gabayan niyo po ako palagi. Mahal na mahal ko kayo at miss na miss kona kayo."

Kasabay non ang pagpatak ng mga luha saking mga mata. Ipinang tuyo ko ng luha ang likod ng aking palad. At tumingin sandali sa kawalan.

Kinuha ko ang nakabilaong puto atsaka na ako lumabas para magtinda na. Sakto namang paglabas ko ay nakaabang na pala sa akin ang mga bata.

Lumapit sakin si ningning at tinitigan ako. Alam ko ang tingin niyang ito sakin. Tingin na may gustong sabihin. At nag salita nga siya.

"Ate anna, kanina pa po kami naghihintay sayo dito sa labas." Sabi ni ningning na namumula ang pisngi.

Natuwa naman ako sa sinabi niya kaya ibinaba ko ang bilao at binigyan ko siya at ng mga kasama niya nang tiglilimang piraso ng puto.

Nakita ko ang tuwa sakanilang mga mata na siya namang ikinapanatag ko. Umupo ako para mapantayan sila sa kaliitan nila.

"Oh ayan ha, hindi ko na kukunin iyang mga pera niyo. Sainyo na yan para kung gutumin kayo ulit may pambili kayo ng pagkain niyo." Nagsingitian naman silang tatlo atsaka nila ako sabay sabay na niyakap.

Hinawakan ni ningning ang kamay ko at nagsalita siya.

"Salamat po ate anna." Pagkatapos niyang sinabi yon ay hinalikan niya ako sa pisngi.

Hinawakan naman ni jamjam ang mahaba kong itim na buhok kaya napatingin ako sakaniya. Nakangiti siya sa akin.

"Salamat po sa libreng puto ate ganda." Sabi ni jamjam. Ang cute cute nito, sobrang ikli ng buhok niya nagmukha siyang siopao sa haircut niya. Plus ang taba pa ng mukha.

Natagal ako sa pagtitig kay jamjam ng nilapitan ako ni tintin. Sobrang thin naman ni tintin, kumakain ba 'to ng marami? Maganda din ito, nakakabighani ang kaniyang singkit na mata.

"Ate annabelle, sana po paglaki namin makita ka pa po naming tatlo." Pagkasabi niya ay hinalikan niya ako ng mabilis sa pisngi.

Sinagot ko si tintin.

"Anong ibig mong sabihin tintin? Siyempre makikita niyo pa ako. Aabangan ko pa ang pagdadalaga ninyong tatlo." Saka ko sila hinalikan sa pisngi.

Nginitian nila ako ng napakatamis. Iyan ang nagustuhan ko sakanila, nakakawala ng pagod ang pag ngiti nila sa akin.

Nalungkot ako sa isipan ko, sila'y mga batang kalye lamang at walang mga magulang. Pakalat kalat lang sila sa daan. Kung minsan ay nagtitinda sila ng sampaguita sa simbahan tuwing araw ng linggo.

Kung hindi ko sila tutulungan ay wala silang kikitain, hindi sila makakakain. Kaya kapag wala akong trabaho ng linggo ay ako ang kasama nila.

Nasaan ang kanilang mga magulang? Bakit sila iniwan at inabandona ng ganon na lamang? Malaking kasayangan sa mga bata na lalaki silang walang mga magulang na gumagabay sakanila.

I GOT YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon