CHAPTER EIGHT

29 7 0
                                    



A.N.N.A.B.E.L.L.E S.A.N.T.O.S POV


Pagmulat ko ng aking mga mata, tahimik dito sa loob ng bus. Napatingin ako sa bintana, mag gagabe na pala. Kaya mabilis akong napaayos ng pagkakaupo at nagulat sa aking nasaksihan.

Wala nang katao tao sa loob. Ako nalang mag isa dito?! Wala na ang mga pasahero sa kinauupuan nila. Ako nalang talaga ang natira. 'Hindi man lang ako ginising ng nakatabi ko, kanina sa biyahe!'

Mabilis kong isinuot ang backpack ko at umalis na sa aking kinauupuan. Bumaba na ako sa bus at tinignan ko ang paligid. Panibagong lugar na naman ang aking kakabisaduhin. 'Dito ako magsisimulang muli, bagong buhay bagong pagasa.'

Inumpisahan ko na ang paglalakad ko. Napalinga-linga ako sa paligid, mas iba itong probinsiya kumpara sa Maynila na maraming mga tao.

Habang naglalakad ako hindi ko maiwasang maisip ang mga naging ala ala ko sa maynila, at ang pinaka diko malilimutan ay yung unang pagkakita ko sakaniya sa labas ng simabahan at sa mga sumunod pang araw na pagkikita namin.

Malungkot akong napangiti. 'Hindi na kailanman mangyayari 'yon.'

Sinipat ko ang suot kong lumang relo, napangiwi ako sa oras. Mag gagabi na pala, kailangan ko ng mahanap ang apartment na tutuluyan ko. Inilabas ko ang maliit na papel sa bulsa netong suot kong pantalon.

'GEE CEE CSFP APARTMENT' (City of San Fernando, Pampanga)

Minadali ko ang pagtatanong ko kung saan ang nasa papel na hawak ko. Kahit sinong nakakasalubong ko ay tinatanong ko kung saan banda ito. At hindi naman ako nahirapan sa pagtatanong dahil alam halos nila ito.

Mabilis akong nagtungo doon. At ng makarating ako sa lugar na pakay ko ay masasabi kong maayos ang mga apartment dito, hindi sila dikit dikit. Magaganda at maayos ang paligid. Sa excited ko ay nagpunta ako sa GC CSFP BAYAD CENTER sa dulong bahagi ng mga apartment.

Pagkatapos kong mabayad lahat ay tumuloy na ako sa bagong apartment ko. Pang numero sampu ako sa kinseng apartment na naririto.

Pagbukas ko ng pinto ay namangha ako sa kalinisan nitong kwarto. Malayong malayo na sa lumang bahay na tinitirihan ko no'n. Mula sa sira sirang yero ngayon ay may kisame na ito at tiyak kong wala ng tubig na tutulo dito.

At ang higaan nito, mula sa halos maguhong papag na hinihigaan ko dati ngayon ay isa nang malambot na kama na nakabalot ng kulay puting parang kumot.

Napunta ang aking paningin sa banyo, kung dati ay plastic lang ang harang nito para matakpan ang kahubaran ko ngayon ay may pinto na ito. Tiyak kong magiging komportable na ako sa pagtulog.

Pumunta ako sa kusina at sinilip ang kabuuan nito, namangha ako sa aking nakita. Kay laki at ganda nito kumpara sa dati kong de kahoy na kusina. May gripo na din ito at may drawer na sa itaas para sa gamit pang kusina. Napangiti ako.

Ngayon lang ako titira sa ganito kagandang bahay, ngayon lang.

Ibinaba ko ang back pack ko sa kamang higaan at dito inilabas ko ang aking mga lumang damit. Sakto at may lalagyanan na ako ng damit, hindi na ako mamomorblema sa pagbili.

Ang poproblemahin ko nalang ay ang paghahanap ng trabaho dito.





NATAPOS ang lahat ng kailangan ko ngayong gabi. Pinatay ko na ang ilaw at nahiga na sa higaan.

I GOT YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon