A.N.N.A.S POV
Iminulat ko ang aking mga mata, nakita ko ang liwanag sa butas butas na yero nitong bahay na tinutuluyan ko. Umaga na pala. Nag unat ako ng aking katawan habang nakahiga at pagkatapos ko ay tumayo na ako at niligpit ang pinaghigaan ko.
Hinagilap ko ang pinaghubaran ko ng damit, kinuha ko 'yon at isinuot ulit. Makakaligo na rin ako mamaya, nalilihamid na ang aking morenang balat. Nanlilimahid na ito sa pawis, dahil kahiit na umaga pa lang ay madali na akong pagpawisan.
Nagtungo ako sa aking kahoy na kusina para kumuha ng tubig pang mumog ko. At pagkatapos kong mag mumog ay kinuha ko ang kaldero para mag saing. Naupo ako sa de kahoy kong lamesa para magmuni-muni dahil hinihintay kong kumulo ang saing. Saka pumasok sa isip ko na bibili pala ako ng manok sa labas ngayon 'di ako nakabili kagabi dahil umulan at dis oras na ako ng gabi nakauwi. Kaya sinisiguro kong makakakain ako ng masarap ngayon. Napangiti ako.
Pagkatapos maluto ng kanin ay pinatay ko ang de uling kong lutuan gamit ang tubig. At mabilis akong nag ayos sandali para magmukha naman akong tao. Natawa ako sa isip ko. Dinala ko ang aking pitaka na may lamang siyam na lilibuhin at agad kong isinuksok yon sa suot kong short.
Ng pag labas ko, nakita ako ni Nay Cedes. Nilapitan niya ako. "Aba'y ngayon lang kita nakita Anna, hindi ka ba umuwi kagabi?" nagtatakang tanong niya.
Ngumiti ako sakaniya. "Umuwi po ako kagabi Nay Cedes, sadyang mabili lang po ang tinda kong puto kaya na dis oras ako ng uwi. Inabutan pa po kasi ako ng ulan nahirapan po ako sa pag abang ng jeep."
"Ay ganon ba? Sa susunod mag iingat ka ha."
Nilapitan ko siya at hinawakan sa kaniyang kamay. "Oho nay, kayo din po. Alagaan niyo po ang sarili niyo ha? Ang tanda niyo na po." Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Naku! Hindi pa nga sabi ako matanda! Eh ang sexy sexy ko pa nga oh!" Nagbibirong sabi niya. Hindi ko alam pero nagiging palagay ang loob ko kapag nakikita ko siyang masaya. At totoong matanda na si Nay Cedes, hindi pa naman siya uugod ugod kumbaga nakikita mo na sakaniya ang senyales ng katandaan. Kulubot na ang balat, namumuti na ang kaniyang buhok at mabagal na siya sa kaniyang paglalakad.
Natawa naman ako sa biro niya. "Ay oo nga po pala, sexy pala kayo Nay Cedes!" pagsang ayon ko nalang. Mas lalo namang lumawak ang ngiti niya sa sinabi ko. Kahit sa ganitong bagay man lang ay mapasaya ko si Nay edes.
"Eh saan ang punta mo niyan anak?" Tanong niya sa akin. Saka ko lang naalala, bibili pa pala ako ng manok.
"Ah, Nay mauna na ho ako ah. Sa susunod na pag uusap nalang po." Nagmamadaling sabi ko. Kinuha ko ang aking pitaka at naglabas ng isang libo. Iniabot ko it okay Nay Cedes.
"Para saan 'to anak?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
"Para sainyo iyan. Tanggapin niyo na ho." Dahil ayaw niyang kunin, pwersahan kong kinuha ang kamay niya at nilagay do'n ang pera. "Mauna na ho ako Nay Cedes!" Paalam ko at nanakbo na.
Masaya ako dahil nabigyan ko siya ng konting biyaya. Salamat din sa lalaking 'yon. 'Kumusta na kaya siya ngayon?' Huli na ng napagtanto kong inisip ko na naman siya.
Napailing ako. Umiling ako, at umiling ulit. Hindi ko na dapat pinapasok sa isip ko ang lalaking 'yon! Forget everything Anna! 'wews first time kong mag english'
Lakad takbo ang aking ginawa para makarating sa palengke. Nararamdaman ko ang aking tiyan, walang tigil sa pag ungot. Gutom na gutom na din ako. Hindi dapat ako abutin ng tanghali dito, maglalako pa ako ng puto mamayang hapon.
BINABASA MO ANG
I GOT YOU
RomanceStephen Dela Meir is a well known business tycoon. At his young age, he already handled his fathers company 'Dela Meir Clothing Corporation'. Aside from that, Stephen is also known for being a certified hottie he was the ambassador of MALE HOTTIE A...