A.N.N.A.S P. O. V
Nanatili ako sa aking kinatatayuan, napatulala ako sakaniya. Hindi ko inaasahan na magkikita kami ulit. Siya pala si MR CEO. Siya pala ang may ari nitong malaking building na 'to. Nagkrus na naman ang landas naming dalawa. Sadya ba ito ng tadhana? Bakit? Bakit ko pa siya nakita ngayon. Kung sanay tinanggihan ko nalang ang pagdedeliver dito.
Nakatitig siya sa akin hanggang ngayon, ang mga titig niyang kay lalim. Mga titig niyang parang gusto kong bigyan ng malisya. Bakit iba ang klase ng kaniyang pagtitig sa akin. Parang sinasabi na ang ganda ganda ko sa paningin niya. Chos!
Siya ang bumili nitong lahat ng puto? Pero anong gagawin niya sa ganitong karaming puto? 'Malamang ipapakain sa mga tao dito ngayon' bulong ng isip ko. Gusto ko nalang sapukin ang ulo ko dahil sa kagagahan ng aking pag iisip. Oo nga pala, ipapakain niya pala sa mga ito.
Nakita kong tumayo siya mula sa kaniyang pagkakaupo at bigla akong nakaramdam ng kaba dahil papalapit siya sa aking kinaroroonan ko. 'Jusko po! Sana kainin nalang ako ng lupa ngayon!' himutok ko sa aking sarili. Mabilis akong tumungo. Ayoko siyang makita sa malapitan.
Mula sa aking pagkakatungo nakita ko ang kaniyang pares na itim at makintab na sapatos. Nasa harapan ko na siya ngayon. Ayoko man siyang tignan ngunit parang may nagsasabi sakin na tignan ko siya, kaya walang pag aalinlangan kong inangat ang aking ulo para makita siya.
Ang tangkad pala niya at hanggang dibdib niya lang ako. Bigla akong nanliit sa aking sarili. Mabilis kong binawi ang aking tingin sakaniya, hindi ko kayang tignan siya ng matagal. Parang hinihipnotismo niya ako. Napatingin ako sa bandang kaliwa ko, kakaiba ang nararamdaman kong intensidad sa pagitan naming dalawa ayokong salubungin ang kaniyang mga titig.
Bigla siyang naubo. "Ehem!" Mabilis akong napatingin sakaniya. "There you are!" sabi niya sa mapanuksong boses. Ang kaniyang boses.... Parang musika ito sa aking pandinig. Nakakaaliw at nakakaakit. "Am I that handsome to stare at me like that?" anito sa masungit na tono. Mabilis akong nagbawi ng tingin.
Umalis siya sa aking harapan. Samantalang ako, heto at parang tangang nakatayo lang. Kailangan ko ng umalis dito dahil hindi na ako komportable, hindi na ako konportableng nakikita ang lalaking ito. Hiyang hiya na ako lalu na't and daming tao ngayon dito. Siguro ay pinandidirihan na nila ako ngayon.
Napatingin ako sa suot ko, lalo na sa bandang ibaba. Ang dungis na ng paa ko, ang dumi dumi ko na. Nakaramdam bigla ako ng hiya sa aking sarili. Kailangan ko ng umalis dito. Umikot ako para sana lumabas na ngunit hindi ko alam sa pag ikot ay nakatayo pala siya kaya ayun nabunggo ang ulo ko sa dibdib niya. Kaya napatingin ako sakaniya, at ganon din siya.
"How much?" sabi niya habang nanatiling nakatitig pa rin sa akin. Hindi ko talaga kaya ang mga titig niya, kaya ako na ang naunang nag iwas ng tingin. How much? How much saan? Napaisip ko. Simpleng English lang yan pero hindi ko pa maintindihan.
"Magkano lahat ng putong pinadeliver ko." Sabi nito. Nilabas ko ang calculator na dala ko para I compute lahat ng yon. Matapos kong kwentahin, isinuksok ko na ang ito sa bulsa. "Ser, two payb po lahat." Nakatungong sambit ko.
BINABASA MO ANG
I GOT YOU
RomanceStephen Dela Meir is a well known business tycoon. At his young age, he already handled his fathers company 'Dela Meir Clothing Corporation'. Aside from that, Stephen is also known for being a certified hottie he was the ambassador of MALE HOTTIE A...