Z-Day + 4 Dec 20, 2012 11:30 pm
“Sa lahat ng mga naninirahan sa bayan ng Candelaria at nakapaloob sa 5 mile radius na tinakda ng US Embassy, lumikas na po ka agad kayo dahil isasagawa na ng gobyerno ang pag iisterelized ng lugar” sabi ng isang reporter sa radio at ang mga huling salita na narinig ko sa bayan ng Candelaria bago ito patamaan ng isang missile na papatay at lilinis sa lahat ng mga patay na buhay o mga zombies at sa mga totoong buhay.Nagising ako na nakahandusay sa kalsada, iniuli ko ang aking panigin. Nakita ko na sira na ang aming sasakyan at nagkalat ang aming mga gamit. Paglingon ko sa likod ay nakita ko na sinisigawan ako ni Abegail.
“Ano ba!?? Kelangan na nating umalis dito!! Gusto mo bang malitson ng buhay??” sigaw sa akin ni Abegail habang binabaril ang mga zombies na nagtatangkang lumapit sa amin.
Habang binabaril nya ang mga zombies ay may tumawag sa akin. Hirap akong sinagot ang tawag nya dahil na rin sa mga sugat na natamo ko.
“He..he..llo…” pauna ko
“Darwin nasaan kayo!!?” tanong sa akin ng nasa kabilang linya
“Nasa Diversion Road na kami kaso .. ugh ugh .. na overrun ng mga zombies yung sinasakyan namin” pag iimporma ko sa kausap.
“Shit!! Kaya nyo pa ba?? Nailauch na ng gobyern……” naputol bigla ang tawag nya.
“Hello..HELLO!! Shit!! Ano yung sinasabi nyang nailaunch na!!?” tanong ko sa aking sarili.
Pagkatapos kung maibulsa ang cellphone ko ay hinanap ko ang baril ko at tutulungan ko si Abegail sa labas. Paglabas ko ay nakita ko na malapit na kami mapalibutan ng mga zombies. “Shit makakaligtas pa kaya kami dito??” sabi ko sa sarili ko sabay putok ng baril ko. Nahati ang atensyon ng mga zombies. Paglingon ko kay Abegail ay tumatakbo ito palapit sa akin.
“Wala na ako bala..makakaligtas pa ba tayo dito??” hingal na tanong ni Abegail sa akin.
”Wag mo ako tanungin..sila ang tanungin mo kung bubuhayin pa tayo ng mga yan” sabi ko habang habang bumabaril ng mga zombie.
“SHIT!!!Last magazine ko na” sabi ko kay Abegail.
Napatingin na lang ako kay Abegail.”Ang cute nya talaga. Bakit kasi ngayon pa kami nagkaayos kung kailan mga zombie na ang makakasaksi!!” isip isip ko. Napatigin ako sa malayo habang inaantay ang masaklap naming kapalaran ng mapansin ko ang isang itim na kotse na papalapit sa akin. “On second thought..di pala sila ang dapat mong tanungin”Nakangiti kong sabi sabay hatak kay Abegail.