Oct 03, 2012 07:05:54 pm
“Hmm..sino kaya yung lalaki na yun??” isip isip ko habang naglalakad ako sa hallway ng aming paaralan. Ang paaralang dating sanktwaryo ng mga matatalino ngayon ay parang naging butcher’s house na. Kalat ang mga pira-pirasong katawan ng mga estudyante at guro.
“Wew..daig pa ang mga kinatay na baboy sa palengke ahh..tsk tsk zombie ba talaga ang gumawa nito..?? at kung zombie man ehh nasan sila??” sabi ko sa sarili ng makarinig ako ng kalampag ng mga banko sa taas “Speaking of zombie..mukang nagpaparamdam na ata ahh” sabi ko sabay tungo sa direksyon kung saan ko narinig ang mga kalampag.
Habang paakyat ako ng hagdan ay nakaramdam ako na parang may sumusunod sa akin kaya dali dali akong naghanap ng tataguan. Pagliko ko ay nakita ko ang isang classroom na bukas na halos liparin ko makapag tago lang. Kabadong kabado ako dahil hindi ko alam kung tao ba o hindi yung sumusunod sa akin. Di naman ako binigo at nakita ko ang sumusunod sa akin ngunit sa aking pagkabigla ay may hawak din itong baril.
“Hala..makikipagbarilan ako sa zombie..astig ahh kelan pa natuto humawak ng baril ang mga ulupong na mga to” sabi ko sabay tutok ng baril
Ipuputok ko na sana ang baril ng biglang may tumawag sa lalaki.
“Brad..nawala ehh..heto nga at hinahanap ko..pwede na yun pamain..payat naman saka may baril..magagamit natin yun” sabi ng lalaki sa kausap.
“Pamain pala ha..yare ka sa akin” sabi ko at nilapitan ko ang lalaki ng dahan dahan.
Ng malapitan ko ang lalaki ay agad kong hinampas ito sa ulo ng baril na hawak ko. Agad na nawalan ng malay ang lalaki. “Ikaw kaya ipain ko sa mga yun” sabi ko sa lalaking walang malay. Agad kong binuhat ang lalaki at dinala sa classroom na bukas. “Kailangan ko ito makausap..baka sakaling alam nito kung nasan si Abegail” sabi ko habang ginagapos ang lalaki. “Gabi na pala..kala ko mga alas sais lang ng hapon..bukas na siguro gising nito..kailangan ko na din magpahinga”
Sa di kalayuan ay naiwan ang radyo ng lalaking kanina ay sumusunod sa akin.
“Ano na lagay mo..?? kailangan ko na ba magpadala ng back-up..?? Accelerator..sumagot ka!!??” galit na boses ng nagsasalita sa radyo
********Kernet’s POV********
Oct 03, 2012 11:00:01 pm
“HOY lalake..sigurado ka bang ligtas tayo sa eroplanong to!!??” tanong nya sa katabing binata sa loob ng eroplano
“Isasakay ba naman kita dito kung delikado dito..saka di na rin ligtas kung magbabaybay pa tayo ng kalsada..di natin alam kung ano pa pwedeng gawin ng mga halimaw na yun” sabi ng binata sa kanya
“Oo alam ko..pano mga kaibigan ko..!!??”tanong nya sa binata ngunit di na sya sinagot nito at isanara na ang pintuan ng eroplano
Preparing for take off in 3
.
.
.
2
.
.
.
.
1
Nag take off na ang kanilang eroplano. Di nag uusap ang dalawa sa loob ngunit di pa sila nakakalayo ng biglang magkaproblema ang kanilang sinasakyang eroplano.
Turbulence..turbulence..turbulence..turbulence..
“Vincent..ano nangyayare??” tanong nya habang nakakapit sa braso ng binata
“Ewan ko..hindi ko din alam..ikabit mo seatbelt mo..baka dalang hang-“ naputol sa pagimik ang binata ng magumipsang yumanig ang eroplano.”Wag ka aalis dito..tatanungin ko lang ang mga piloto kung ano nangyayare”dugtong pa nito. Tanging tango lang ang naisagot nya sa binata.
Nagmamadaling pumunta ang binata sa kinaroroonan ng mga piloto. Pagpasok nya ay nagulat sya sa nakita. Kagat kagat sa leeg ng isang piloto ang kapwa piloto at tila sarap na sarap sa ginagawa. Natulala ang binata sa nakita hindi nya magawang lapitan ang kawawang piloto. Agad nyang sinara ang pinto at bumalik sa kanilang upuan.
“Kailangan na natin makalabas ng eroplanong to!!” sabi ng binata
“Bakit..??” tanong nya sa binata
“Basta..kailangan natin maka alis dito” sabi ng lalaki habang may kinukuha sa ilalim ng kanilang upuan. “Sumama ka sa akin” dugtong pa ng binata habang may inilalagay sa kanyang likuran
“Bakit nga kasi?? Sasagot ka lang naman, ano ba mahirap don??” sabi nya sabay talikod sa binata
“Gusto mo ba mamatay??”tanong ng binata sa kanya
“Syempre hindi!!” sagot nya sa tanong ng binata
“kung ganon ehh sumama ka na lang sa akin, OK??” sabi ng binata sabay hatak sa kanya
Madaling madali ang binata sa paglalakad. Hindi nya magawang tanungin ito at sa paningin nya ay parang may tinatakasan ito. Ilang saglit pa ay narating na nila ang likudang bahagi ng eroplano. May pinidot ang binata sa kanyang harapan at maya maya pa ay bumukas na ang likuran ng eroplano.
“Eeeeeeeehhhh!!!! Vincent..madami kang dapat ipaliwanag sa akin..saka ano ba itong eroplanong sinasakyan natin..military plane ba to??” sunod sunod nyang tanong sa binata ngunit di sya narinig nito dahil sa ingay ng makina ng eroplano.
“Do you trust me!!??” sigaw na tanong ng binata sa kanya.
“ANO!!??”sigaw nya sa binata
“DO YOU TRUST ME!!??” ulit ng binata sa kanya. Di sya makasagot sa narinig, biglang namula ang kanyang mukha at di nya makuhang tumingin ng tuwid sa binata. Natulala sya sa binigkas ng binata.
“Y-yes..I trust you” sagot nya sa binata
“Then ready kana??” tanong ng binata sa kanya habang kinakabitan sya ng harness sa katawan.
“Ready sa-??”tanong nya sa binata ngunit naputol sya ng bigla syang hatakin nito
“Jump now..exlpain later” sabi sa kanya ng binata sabay talon sa eroplano.