Oct 03, 2012 03:31:52 pm
Ako si Darwin, isang normal na estudyante sa isang pribadong paaralan ng Quezon. Masaya ako sa aking pamumuhay, buo at masaya ang pamilya,kasalukuyang player ng Airsoft ng paaralang pinapasukan ko at higit sa lahat ay andyan ang barkada na handang umalalay sa akin. Ngunit lahat ng ito ay nagbago dahil sa isang di inaasahang pangyayare.
“Ay sabe na eh dito lang kita matatagpuan sa rooftop. Bakit ba pag nabibitter ka ehh laging dito ang punta mo? Tara na baba na tayo at tayo’y magpapraktis pa” nakapamaywang na sabi sakin ni Mhabel.
Si Mhabel nga pala ang syota ni David na kabanda at kabarkada ko.
“Pwede pass muna ako? Wala na kasi ako pera pang ambag at saka bahista lang naman ako, andyan naman si David para humalili diba?” sabi ko kay Mhabel habang sa nakatingin sa malawak na parte ng iskwelahan.
“Darwin naman kasi pwede ba wag ka na mag inarte dyan at tayo nang bumaba!!..Dal” pinutol ko na ang sasabihin ni Mhabel ng hawakan ko ang kamay nya
“Mhabel sabihin mo na lang kina David na di ako pwede ngayon, maiintindihan naman siguro nila ako” sabi ko kay Mahbel at pilit na ngumiti.
“Hala!! Darwin napapano ka na?? wag ka nga ganyan di ako sanay ng ganyan ang kinikilos mo! Ay sya kung ayaw mo sumama eh sige mauna na ako sa baba” sabi sa akin ni Mhabel at namaalam na sya para babain ang mga kabanda namin.
Pagkababa ni Mhabel ay hindi ko maiwasang magisip, buti pa sya masaya na at sila na ni David, buti pa si David napasagot na sya, eh ako kaya kelan ko kaya mapapasagot ang babaeng tatlong taon ko ng nililigawan. Halos tanda ko pa ang mga sinabi nya sa akin ng gabi na nagtapat ako sa kanya.
****Flashback****
“Hintayin mo lang na mag 4th yr at dun kita sasagutin” sabi na sa akin.
“Talaga Abegail??” tanong ko.
“Oo basta intayin mo ako, pangako sasagutin kita” sabi nya sa akin habang nakangiti.
****End of Flashback****
“Pangako pala ha, bakit sa iba ka na sumasama??” tanong ko sa aking isipan.
“Bakit kasi nagalit pa sya sakin” sisi ko sa aking sarili.
Matapos kung makapag isip isip ay bumaba na ako at susunod na kina Roy sa studio para makapag praktis na din dahil mamaya na nga naman ang gamit. Pagbaba ko ng hagdan ay nakasalubong ko si Abegail na papunta sa CR. Parang hangin lang na nagkasalubong kami. Di ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Paglabas ko ng college building ay nakasalubong ko si Joseph, ang bagong nanliligaw kay Abegail. Si Joseph ay anak ng mayor namin kaya sa madaling salita ay mahirap sya makatunggali sa panliligaw kay Abegail.
“Brad nakita mo ba si Abby or should I call my future girlfriend hehe..”pang aasar ni Joseph sa akin
“Anak ng alien naman tong baliwag na to at sa akin pa nag tanong at nang aasar pa!! Kung hindi lang ito anak ng mayor..nasampiga ko na ito kanina pa!!” galit kong wika sa aking isipan
“Ahh brad kanina ehh nakasalubong ko sya kaso hindi ko alam kung saan papunta” tugon ko sa tanong nya sabay ngisi
“Ahh salamat and one more thing, kapag nalaman ko na lumapit ka sa kanya..!! tiyak na ang pag papakape mo sa inyo!! Hahaha” sabi nya sabay lakad palayo sa akin habang tumatawa“Mangarap ka na lang tutoy bait haha” dugtong pa niya
“At nanakot ang baliwag..di bale hanggang imik lang naman yun” sabi ko sabay lakad.
Ng makarating ako ng quadrangle ay napansin ko ang isang lalaki na parang hinang hina na naglalakad kaya’t nilapitan ko kagad ito
“ahh ayos ka lang ba??” tanong ko sa lalaki
Di nya ako pinansin kaya’t iniwan ko na ang lalaki. Di pa ako nakakalayo ng bigla itong natumba agad kong tinakbo ang lalaki at inalalayan makaupo. Saktong may gwardyang nagiikot ng oras na yun
“Kuya kuya..tulong!!” sigaw ko sa gwardya na kaagad na tinakbo ang kinaroroonan namin ng lalaki
“Anong nangyare??” tanong kagad ng gwardya sa sa akin habang may kausap sa radyo
“Ahh ehh ano po nakita ko po sya kanina na hinang hina na naglalakad tapos po bigla na lang sya natumba kayo inalalayan kong maupo” pag iimporma ko sa gwardya
“Ako na bahala dito pwede ka ng umalis. Salamat sa pagtulong” sabi sa akin ng gwardya at inalalayan na ang lalaki
“hays kala ko maiinterview pa ako ng gwardya na yun, nakapunta na nga ng studio” sabi ko sabay takbo papalabas ng school
Habang tumatakbo ako palabas ng school ay hindi ko alam na may nangyayare na sa loob. Pangyayareng sa libro o pelikula ko lang nakikita. Pangyayareng akala ko ay kathang isip lang. Nagkamali ako!!