Oct 03, 2012 04:49:01 pm
“Pero mahal kita
Wala ng hahanapin pang iba
Handa kong magtiis
Kahit na away away na to”
“yow guys mamaya na tayo tutugtog..excited na ako..at darwin ha!! Wag ka mabibitter mamaya iaalay ka namin hahaha” sabi ni david sa akin sabay yakap kay Mhabel “At ikaw, ano oras ka uuwe??” tanong naman nito kay Mhabel
“Eto na nga po oh uuwe na” sagot naman nya kay david “guys tara na ng maaga tayo makabalik”
“ay mauna na kayong dalawa, hiyang hiya naman kami sa inyo” sigaw namin sa dalawa
“haha..nga pala sino babalik sa school??” tanong ko sa kanila
“ Wah..haha kaya mo na yan Darwin laki laki mo na ehh” sabi ni Mhabel sabay labas ng studio
“Ay ganyon..ay sya sige sige una na kayo..babalik lang ako ng school..sisilip lang” sabi ko sa kanila sabay pasak ng earphone sa tenga
“Ayiee si Darwin susulyap na naman..haha..kausapin na kasi..bahala ka pag nasulot yun nung Joseph na yun..mag sisisi ka” sabi naman ni Marianne habang nagtetext
“Anlahoy..magsi tigil nga kayo..ako ay babalik na sa school..saka kanina pa yun nakauwe..at..”
“Naihatid na ni Joseph sa kanila..ayan kasi ayaw agad kausapin..naunahan ka na tuloy..tsk tsk” dugtong ni Mhabel
“Wala akong paki kung naihatid na sya ng lalaking yun..una na ako” sabi ko sabay takbo
Habang tumatakbo ako ay napansin ko ang sunod sunod na ambulansya ang aking nakita. Sinundan ko ng tingin ang mga ambulansya at nabigla ako sa aking nakita. Ang daming pulis at sundalo sa tapat ng aming eskwelahan, may mga helicopter din na umiikot sa himpapawid.
“Ano meron??” sabi ko at tumakbo na ulit ako papunta sa school
Pagdating ko ay kagulong kagulo silang lahat. Ang daming sugatan na inilalabas ng school. At sunod sunod ang putok ng baril na nanggagaling sa loob ng school. Nakita ko si Joseph na may hinahanap sa paligid.
“Hoy ulupong..anong hinahanap mo??” tanong ko kay Joseph
“Pumatak kasi cellphone ko..kailangan ko matawagan si Abegail” sabi nya sa akin habang patuloy na naghahanap
“Eh kala ko naihatid mo na sya..kanina pa labas yun” balik ko sa kanya
“Ahh eh susunduin ko na nga sya ng biglang nangyare ito” sabi nya sa akin
“Bakit ano ba ang nangyayare sa loob??” tanong ko kay Joseph
“Ehh narinig ko lang sa mga sabi sabi..ehh para daw mga baliw yung tao sa loob..kumakain daw ng laman ng tao at yung mga nakagat ehh bumabangon ulit at kumakain din ng laman ng tao” pagiimporma nya sa akin
“Ha?? Imposible..ano yun mga zombies..ehh sa mga pelikula ko lang yun nakikita yun ehh..saka di yun maaring mang..” naputol ako ng may magsalita sa aming likuran
“Totoo ang sinabi nya..parang mga zombies o mga zombies na nga talaga ang mga nasa loob ng eskwelahan nyo ngayon..” sabi nya sa aming dalawa
“Ha?? Sigurado ka?? Nasan proweba mo??” sunod sunod kong tanong sa kanya
“Base sa aming mga nakapanayam ehh kumakain sila ng laman ng tao at yung mga nabibiktima nila ehh nagiging kagaya din nila makalipas ang ilan oras” pagiimporma nya“kaya sa madaling salita ehh makagat ka lang nila o malawayan lang mga sugat mo ay magiging isa ka na din sa kanila” pagpapatuloy nya
“Oo alam ko yun..dahil ganan din yung nangyare sa Resident Evil ehh..ang tinatanung ko sayo ay proweba..!!”sabi ko sa kanya
“Proweba ba kamo?? Halika sumama ka sa akin” sabi nya sabay hatak sa akin papunta sa gate ng aming school
Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad, walang pumipigil kahit mga sundalo na nakabantay sa mga barikada.”Sino ba itong lalaki na ito??” isip isip ko habang naglalakad ng bigla syang tumigil sa paglalakad. “Ohh yan ang proweba mo” Nanlaki ang mata ko sa aking mga nakikita. Totoo ang sinasabi ng lalaking nasa tabi ko.
“Napaaga ata ang halloween ahh hehe..”pabiro kong sabi ngunit di sya nag paapekto
“Ngayon..makinig ka sa akin..Mr. Melo..Kailangan ka nya” sabi nya sa akin habang ikinikasa ang isang sidearm na hawak nya
“Teka paano mo ako nalaman pangalan ko?? Sino ka ba??” tanong ko sa lalaki ngunit di nya ako sinagot at inabot lang nya ang baril na hawak nya.
“Dalian mo na at baka kung mapano sya” sabi nya sabay abot ng isang maliit na bag “Andyan na lahat ng kakailanganin mo..first-aid,bala, flashlight at isang shot ng anti-virus kung sakaling nakagat o infected na sya” dugtong pa nya
“Si Abegail ba ang tinutukoy mo” tanong ko sa kanya ngunit di pa rin nya ako sinagot at binuksan na nya ang gate
“Kailangan makalabas kayong dalawa ng buhay” sabi nya sabay baril ng mga zombies na malapit sa gate
“Kung si Abegail nga ang tinutukoy mo ehh ilalabas ko talaga sya ng buhay at magpapaliwanag ka sa akin pag nakalabas ako” sabi ko sa kanya sabay handa ng baril.
“Dalian mo..meron ka lang 12 oras para mahanap sya at mailabas” pahabol nyang sabi bago ako pumasok ng gate
“Salamat” sabi ko sabay takbo sa loob ng school
Ng makapasok ako ng gate ay isinara na nya ulit ito sabay tingin sa relo.
“Sana umabot ka” sabi nya sabay lakad palayo ng gate.