PROLOGUE

2.6K 104 15
                                    

DATE STARTED: 2020, MAY
DATE COMPLETED: (ON GOING)

First Impression.

Gaano kahalaga para sayo ang first impression? Nagm-matter ba sayo kapag nalaman mo kung sino o ano ang unang akala nila sayo as individual? Mao-offend ka ba kung negative ito?

Siguro sa iba, hindi naman ito ganun kabig deal. Pero sa akin, oo. Since then, ang first impression na kasi sa akin ng mga tao ay isa raw akong bakla. Oo, nakakatawa siya sa simula pero katalagan, hindi na. Nakakasira na ng imahe, repustasyon, at pagkatao. Kung meron mang magsasabi na ang oa ko, I promise, you don't understand.

Alam ko namang hindi kasalanan o sakit ang pagiging bakla kaya hindi dapat ito pandirihan o ikahiya. Sa katunayan, I love gays! May mga kakilala akong bakla. Lahat ng ninong ko, bakla. May kuya rin akong bakla. All of my life, napaliligiran nila ako. Sila ang environment na kinalakihan ko since sila ang tumulong sa mama ko na palakihin kami nung mga panahon na mag-isa lang siya na lumalaban sa buhay. I don't mind being associated with them. Wala akong malisya sa kanila. I would rather spend my time with them than anyone else. At dahil nga sa palaging sila ang nakakasama ko growing up, somehow, I adopt or possess their humor, some of their characteristics, etc. Siguro, isa narin ito sa malaking factor ng problemang kinahaharap ko sa matagal ng panahon.

Sa una naman, ayos lang siya. May mga tao akong nakilala dahil akala nila ay bakla ako. Mas lumawak din ang source ko when it comes to connection. Kapag napag-uusapan nga ang about dito, nagtatawanan nalang kami. Pero katagalan kasi, naaapektuhan na nito ang reputasyon ko. Women my age don't find me attractive. Kapag may natitipuhan ako, palagi akong naf-friendzone. What worse is, every time na may nangf-friendzone meron ding nagc-confess na lalaki sa akin. Oo, lapitin ako ng mga bisexual, gay man, at curious straight. Ewan ko ba?!

Sabi nila, sobrang feminine ko raw. Ang lambot ko raw gumalaw at magsalita. Ano bang definition niyo ng masculine? Dapat ba bulky ang katawan? Yung amoy baktol at tanga by nature? Bakit ba sira ang gaydar nila pagdating sakin?!

And in my own words, one of the worst parts of being labeled as a gay is yung discrimination at bullying. Oo, maraming beses na akong nadiscriminate at nabully. They call me names, they treat me like a weirdo. Kaya siguro wala rin akong kaibigan ngayon. I mean, meron naman pero iilan lang. I'm an outcast, but definitely not a nobody.

Isa rin siguro sa naging batayan nila sa impression sakin is, I'm an achiever. I'm competitive. Palong palo ako sa lahat ng bagay. Bigay na bigay. May mga nakakarating pa nga sa akin na narcissistic daw ako, which is totoo naman. I don't mind them. I don't see anyone as competition because I'm the competition myself.

Pero kiber lang kung anong iniisip sakin ng mga tao ngayon, huling taon ko narin naman ito sa High School. After more or less than a year lang, pwede na akong magstart ulit at gumawa ng paninagong image sa college next school year as a freshman, image na malayo sa kung sino ang tingin nila sakin ngayon.

And for my last shot as a high school student, I have my plans on my book.

- Umiwas sa issues
- Be the top of the class
- Makapasa sa UP
- Have a girlfriend

And in order to achieve all of that, I'll just continue being myself. A gay-looking, narcissistic, friendless guy.

VOTE = Sugar Daddy
FOLLOW = Nota
IGNORE = Breakout
(Ayusin mo desisyon mo sa buhay)

I'M NOT GAY!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon