That Night

3 0 0
                                    

Inalalayan niya ako papuntang labas ng bar.

"Dun ka muna sa condo ko, di ko alam bahay mo eh." Sabi niya, tumango nalang ako bilang tugon dahil di ko na kayang umuwi mag isa.

Kinaumagahan...

Shit! Ang bigat naman, parang dinaganan ako ng isang sakong bigas.

Di ako makagalaw, arggh...

Minulat ko mga mata ko para tingnan kung ano ito.

"Tang*na!  Lalaki?!" Napasigaw ako sa gulat. Sa sobrang lakas ng sigaw ko naalimpungatan ang katabi ko at ...

Booggssh..

"Araay! Daig mo pa nakalunok ng microphone, babae ka!" Sigaw niya sakin. Napahawak siya sa balakang niya. HAHA buti nga sayo, ang bigat bigat mo kaya.

"Anong sabi mo?!"

"Wala! Tekaaa!  Sino ka?!  Bakit tayo magkatabi?  Diyos ko, anong ginawa mo sakin? Hayop ka!" Naiiyak na sabi ko sa kanya.

Doon ko lang din napagtanto na wala akong suot suot na saplot kahit isa.
Napatakip ako sa buong katawan ko.

Nahihiya at natatakot ako, di ko alam ang gagawin kung magbunga lahat ng to.

Inom ka kasi ng inom Nessa!  Hyss..

"Sarap na sarap ka naman sa ginawa natin, kunwari ka pa" pang aasar niya.

"Di natin kilala ang isa't isa, bakit mo yun ginawa!" Sigaw ko sa kanya.
Dinampot ko na damit ko at sinuot. Padabog akong lumabas ng condo niya.

Narinig ko pa siyang tinawag ako. Tss.
Ang sakit sakit ng katawan ko.

Sumakay na ako ng Taxi, naiwan ko kasi kahapon Kotse ko sa School. Hyss

FF

Pagkadating ko sa Bahay, bumaba na ako ng Taxi.
Shit!  Yung Sling Bag ko!  Wala!
Malas naman oh!

"Manong, teka lang ha, nawala ko kase pera ko,  hintayin mo nalang dito yung bayad ko"

"Sige, maam." Sagot ng driver.

Pagkapasok ko, dumiretso na ako ng kwarto para kumuha ng pera.

"Manang Rosi" tawag ko sa katulong namin.

"Ano po yun, maam? "

"Pakibigay nga to sa Taxi driver sa labas, sabihin mo keep the change, salamat sa paghintay. Okay?"

Lumabas na si Manang Rosi, ako naman umakyat ulit ako sa kwarto ko para makaligo.  Amoy lalaki ako.

Speaking of lalaki!  Bct ang lalaking yun! Yung iniingatan ko... Wala na!  😢

Jansen's POV

Ano yung nagawa ko? Hys.

Paano kung magbunga yun?

Maliligo na sana ako ng makita kong may dugo sa bed sheet ng kama ko.

Shit! Ako yung nauna.
Kaylangan ko siyang mahanap.

DATING A STRANGER Where stories live. Discover now