Protect

0 0 0
                                    

Nag ring na yung bell.

Recess na.

Inaya ako ni Betty pumuntang Cafeteria to buy foods. Sumunod nalang ako, wagas pa naman makapagtampo tong baklang to.

Kaso ganito, ganyan, di ko daw siya true friend. Hay nako.

Nasa hallway na kame nang may humarang na tatlong babae.

"Hey! Correct me if I'm wrong, diba, ikaw yung kasabay ni Baby Jansen  kanina?"
Sabi nong babaeng naka ponytail.

Siya ata yung leader nila. Lakas ng tama ah?  Singkapal ng encyclopedia naman yung make up.

"Uhm?  Yeah! Ako nga, bakit?"

"Bakit kayo magkasabay?" Sabi naman ng alipores niya.

"Well, dinaanan niya ako sa bahay, tsaka sabay na kame pumunta rito."
Sabi ko sa kanya at halatang tumaas yung kilay niya. Akala mo naman di drawing.

"As a Student Council President, I don't want you to be with him again."

Ay wow? Di porket SC President? 

"K" walang gana kong sagot sa kanya at nilagpasan na sila.

Hihirit pa sana si SC President pero derideritso lang yung lakad ko.

Ayoko ng gulo. Ang aga aga eh. Hys. Desperate.

"Hoy!  Babaeng mahaba ang hair! Ganda mo teh, dinaanan ka ng isang Jansen sa bahay niyo? OMG! What's the meaning of this?" Grabe talaga ang bunganga ng baklang to.

Tinawanan ko nalang siya.

Andito na kame sa loob ng Cafeteria. Bitbit yung mga pagkaing nabili namin.

Umupo kami ni Betty sa isang sulok ng Cafeteria.

Lalamon na sana ako ng biglang may tumapik sa kamay ko.

"Bakit?" Tanong ko sa babaeng nasa harapan ko.

"Get lost, pwesto namin yan."

Ang dami namang kontrabida sa school na to.

"Kame naman nakauna dito ah." Si Betty yan, nakataas na kilay niya.

"Oo nga"  pagsang ayon ko sa kaibigan ko.

"Shut up, b*tch. You dare to talk to me like that?  Huh?"

Sasampalin na niya sana ako ng may pumigil sa kamay niya.

Si...

Si Jansen.

"And don't you dare to touch my girlfriend with your filthy hands"

Girlfriend...

Girlfriend...

Whuut?

"Girlfriend? This girl is your Girlfriend? Talaga? Akala ko ba, ang taas ng standard mo Jansen." Epal talaga tong babaeng to.

"Yes!  She's my Girlfriend." Sabay hawak sa kamay ko.

"And speaking of standards Ellie, nasa high level si Nessa, unlike you." Dagdag pa niya

Laglag ang panga ni Ellie sa sinabi ni Jansen. Haha

"Sino man sa inyo ang magtatangkang saktan ang GIRLFRIEND ko, malalagot kayo sakin." Dagdag pa niya.

Diniinan niya talaga ang word na GIRLFRIEND ah?

Iba't ibang reaction ang makikita mo sa mga mukha nila.

May masaya.
Galit?  Bakit naman sila magagalit?
Aw, syempre, crush ng campus to eh.
May iba namang malungkot.

Pati si Ellie, na grabe maka epal kanina, ayon nag walk out sa sobrang galit. HAHA.

Kumalas sa paghawak ng kamay ko si Jansen, at hinarap ako sa kanya.

"I'll protect you. Whatever happens." At ngumiti siya.

Yung ngiti niya, nakakatunaw.


Pabitin muna guys ☺✌

Yieehh ❤ votes and comments is highly appreciated 😇❤.

DATING A STRANGER Where stories live. Discover now