*Monday*
Denise POV
Naglalakad ako ngayon patungong Cafeteria ng makita ko si Ellie.
Isa sa mga karibal ko kay Jansen.
Alam kong galit siya kay Vanessa, dahil ito yung napili ni Jansen para maging Girlfriend.
"Ellie. Hey!" Tawag ko sa kanya.
"What?!" Taas kilay niyang sagot sakin.
"Taray. Calm down, okay? I have a proposal to you." Sabi ko sa kanya at ngumiti.
"I don't have time for that, Denise."
"Well.. Okay? Sige, pero alam ko namang galit na galit ka kay Vanessa eh. Sige, I gotta go." Tumalikod na ako.
"Wait! What's the proposal?" Tanong niya at nilingon ko siya.
"Akala ko ba, ayaw mo?"
"Tsk. Sabihin mo na lang kasi."
Well di naman siya atat no?
Hinila ko siya, sumunod naman ito pati mga alipores niya. Pati na rin sina Leigh at Kenny. Mga kaibigan ko.
Nasa likod kame ng school. Pag uusapan namin kung paano mawala sa landas namin si Vanessa.
"Kailangan nating gumawa ng paraan para mawala si Vanessa sa landas natin" simula ko.
"How?"
"Patatahimikin."
Nakita kong nagulat silang lahat.
"What? You mean? Papatayin natin siya? I can't do that Denise." Sabi ni Ellie.
"Di lang naman ikaw ang gagawa. Look, may mga alipores ka, well, kahit ako meron."
"But, Denise. Malaking kasalanan yun. " sabi ni Leigh.
"I know. Kasalanan yun, kung ipagsasabi niyo sa iba." Dagdag ko pa.
"Denise.." Si Kira, alipores ni Ellie.
"What?"
Napailing na lang siya.
"We need a plan." Sabi ko at sumang ayon naman sila.
Someone's POV
Nandito kame ngayon sa gilid ng room namin, naglalaro ng Mobile Legends.
Nang may marinig akong nag uusap sa likod.
"Pare, wait lang ha, may titingnan lang ako." Pagpapaalam ko sa mga tropa ko.
"Jake, ikaw na muna gumamit nito oh." Sabay abot ng cellphone ko.
Nagmadali akong pumunta sa likuran ng paaralan namin.
Nakita ko dun sina Denise at Ellie, kasama mga alipores nila.
Mukhang Seryoso pinag uusapan ng mga to ah.
Lumapit pa ako ng konti at nagtago sa likod ng isang kahoy.
"Kailangan nating gumawa ng paraan para mawala si Vanessa sa landas natin" sabi ni Denise.
What the?
Si Vanessa? Ano namang kasalanan nun?
Nakikinig lang ako sa mga pinag uusapan nila.
"We need a plan" dagdag pa ni Denise.
Umalis na ako, baka makita pa nila ako dito. At kaylangan ko ring balaan si Vanessa.
Kahit man lang sa ganung paraan, makabawi ako sa kanya.
Vanessa's POV
Papasok na ako ng room ng may biglang tumawag sakin.
"Vanessa! Sandali." Isang babae, kasing edad ko lang. May dala dala siyang papel.
"Oh? Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"May nagpapabigay nito sayo" sabay abot ng isang papel sakin.
"Ano naman to? Sino ang nagbigay nito?"
"Baka po love letter. Di ko po kilala eh, transferee kasi ako dito."
"Haha. Osige. Salamat dito ah."
Ngumiti siya bilang tugon at nagpaalam na.
Pagpasok ko sa room, agad kong binuksan yung papel.
"VANESSA, MAG-IINGAT KA, MAY NAGTATANGKANG MASAMA SA BUHAY MO."
Yan yung nakasulat sa papel. Sino naman kaya nagpabigay nito?
Dumating na yung Professor namin, nag didiscuss siya ng nagpaalam akong mag CR muna.
Pinayagan naman niya ako.
Nasa labas kasi yung Comfort Room namin.
Pagdating ko ng CR pumasok na ako sa isang cubicle dahil, ihing ihi na ako. Hays.
Lalabas na sana ako ng may biglang pumasok, isang grupo ng kababaihan.
"Nasa loob siya." Sabi ng isang pamilyar na boses.
Sigurado akong ako lang ang tao dito bago pa sila dumating. Kaya naisipan kong i-on ang dala dala kong Audio Recorder ko.
Lumabas na ako. Nakita kong nabuhayan sila ng loob ng makita ako.
"Oh? Hi Vanessa." Bati sakin ni Denise. Fake.
"Hello. Sige mauna na ako sa inyo."
Lalabas na sana ako ng hinila ni Ellie yung buhok ko.
"Aray ano ba! Bitiwan mo nga ako!" Nagpupumiglas na sabi ko.
Pero wala ata siyang balak na bitawan ito.
"Tama na! Nasasaktan ako!" Sigaw ko pero di ko alam kung may nakakarinig sakin mula sa labas ng CR.
"How dare you na agawin sakin, i mean sa amin si Jansen!" Sigaw ni Denise habang pinapalo ng baseball bat ang ulo ko.
"Di ko siya in.. agaw." Nanghihina kong sagot sa kanya.
"Liar! Mamatay ka na!"
Tulongan niyo akooo. Huhu I can't take this anymore.
At hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay.
![](https://img.wattpad.com/cover/224910478-288-k823754.jpg)