So, ayun na nga. Nanliligaw na siya sakin.
Hatid sundo niya ako, which is alam ng parents ko.
Sabay kame kumakain, recess tsaka lunch break.
Napaka gentleman pa niya, di ko akalain na ganyan siya.
Sa totoo lang sa tagal namin sa ganitong set up, napamahal na siya sakin.
Mahal ko na siya.
Siguro, he deserves a Yes!
Jansen's POV
Andito ako sa parking lot ngayon.
Hinihintay si Vanessa. May nakalimutan na naman kasi sa room niya."Hey, handsome! What's up?" Si Denise, ang Student Council President.
"May hinihintay ka ba?" Tanong niya.
"Yah, si Nessa." Napakunot ang noo niya.
"Oh? That B*tch."
"Your mouth Denise."
"Tsk." Umalis na siya.
Sakto namang papunta na si Nessa sa kinaroroonan ko.
"Tara na?" Tanong niya.
"Yeah, let's go."
Sumakay na kame.
"Uhm, Jans?"
Yes Jans tawag niya sakin, at siya lang tumatawag sakin ng ganyan. Ang sweet diba?
"Yes?"
"About sa panliligaw mo?"
My God! Kinakabahan ako. Pinahinto ko yung sasakyan, para makapag usap kame ng maayos.
"Yes? Anong meron dun? May pag-asa ba ako?"
"Yes Jans."
"Yes? As in? Tayo na?" Tumango siya.
"Thank you, Nessa. Thank you so much."
Sa sobrang saya ko, niyakap ko siya.
Niyakap niya naman ako pabalik.Vanessa's POV
Masaya ako sa naging desisyon ko.
Kinuha niya cellphone niya at may tinawagan.
"Uhm, hello. Yes. A reservation for two. Thank you." Sabi niya sa kausap niya sa cellphone.
Pinaandar na niya ang kotse niya at dumaan kame sa isang mall.
May bibilhin lang daw siya. Kaya naiwan ako dito sa kotse niya.
Ayaw magpasama eh, madali lang naman daw siya dun.Pagkatapos dumiretso na kame sa isang restaurant.
Mag aalasais na ng gabi, Sakto at gutom na rin ako."Good evening Maam, Sir." Sabi ng waiter.
"Nagpareserve ako kanina. A table for two."
Agad namang ngumiti ang waiter at itinuro ang mesang bakante.
"Thanks."
Kumain lang kame.
Pagkatapos ay ihahatid na niya ako pauwi.
Nang nasa gate na kame ng bahay, pinagbuksan niya ako ng sasakyan. Gentleman.
"Nessa." Tawag niya sakin.
"Yes?" At ngumiti ng napakatamis sa kanya.
May kinuha siya sa kanyang bulsa.
Singsing...
Hala siya!
"A promise ring for you." Sabay suot ng Singsing sakin.
"I promise that I will protect you, no matter what happens, at di kita iiwan. I love you so much." Dagdag pa niya.
Ngumiti ako at magsasalita ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.
"Naku naman! Pumasok muna tayo sa loob, basang basa ka na oh." Sabi ko sa kanya.
"Pero yung kotse."
"Di yan mawawala diyan." Sabi ko at hinila na siya papasok ng bahay.
Basang basa kaming dalawa, kaya tinawag ko na lang si Manang Rosi.
"Manang? Dalawang towel nga po."
At agad naman siyang kumuha at binigay sa amin.
"Manang, pakituro nga kay Jansen ang CR."
Sumunod naman dito si Jansen.
At ako umakyat na ako sa kwarto ko.
Di pa ako tapos magbihis nang may kumatok sa pintoan ng kwarto ko.
Nakatapis lang ako ng tuwalya ng buksan ko ang pinto.
Si Jansen...
Nakatapis din ng tuwalya.
Oo nga pala. Basa kame pareho. Pinapasok ko siya sa kwarto at, nagpaalam na magbibihis lang ako.
At pumasok ng banyo.Lumabas na ako pagkatapos kong magbihis.
Nakatapis pa rin siya.
Naalala ko may mga damit ako panlalaki sa closet ko, di ko naman yun sinusuot masyado.Tinungo ko yung closet ko at kinuha yun. Siguro magkasya naman yun sa kanya.
"Oh, try mo kung kasya." Sabay bato sa kanya ng mga damit.
"Kaninong damit panlalaki to?" Takang tanong niya.
"Sakin."
Di na siya umimik at pumasok na ng banyo.
Pagkalabas niya, Sakto naman sa kanya yung damit tsaka shorts. Mabuti na lang.