Chapter 2 - Ikatlong yugto

1.5K 87 4
                                    

Everything boils down to time. Good and bad.

Time is a gift.

It has the power to heal wounds and restore the missing pieces.

Time is a choice.

When everything fell apart, one can choose to remain broken or get back and become whole again.

Time is luck.

When choices are right.

Her time staying at the correctional taught her to deal with the changes adeptly and those tough trials which come and go.

Pero hindi ang ganitong mga ganap. Para sa kanya nasa tamang oras at panahon naman sila ni Zek. Kahit mas bata ito sa kanya, nagkakatugma pa rin ang panahon nila. Kung hindi, wala sana ang triplets. Hindi mabubuo ang pamilya nila.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Lala matapos tingnan ang note na iniwan ni Xandr sa medicine table. Bawat pagdaan ng apat na oras ay binibisita siya ng kaibigan.

"Manhid pa rin ang mga paa ko at binti." Bumiling siya sa gawi nito.

Hinaplos ni Lala ang kanyang buhok. "The numb will subside soon."

"Akala ko normal lang ito kasi hinalikan ako ni Zek. Nangmamanhid ang mga daliri ko sa paa tuwing may ginagawa sa akin si Zek at nag-o-orgasm ako. Pero hindi nawala ang manhid at umakyat pa." Himutok niya sa kaibigang doktora na ikinatawa nito.

"You're a bad girl, Themum." Naiiling nitong sambit.

Dinampot niya ang remote control at binuksan ang TV. Kasalukuyang pinapalabas ang live broadcast ng isang morning talk show. Ang guest ay isang sikat na artistang single mother at napapabalitang kahihiwalay lamang sa boyfriend nitong politiko. Pinag-uusapan ng host at ng artistang panauhin ang nasirang relasyon.

She looked away from the TV screen. "Kailan ako makalalabas, Lala? I missed the kids."
Hindi na nasagot ng doktora ang kanyang tanong dahil dumating si Zek.

"Good morning," Nakangiting bati ng lalaki matapos ibaba sa side table ang dalang basket na puno ng iba't ibang prutas.

"Good morning, Zek. Lalabas muna ako, babalik ako mamaya." Nagpaalam si Lala matapos magsulat ng observation report sa folder na iniwan ni Xandr.

"Thank you, Lala." Pahabol ni Zek. "Hi, love." At nilapag nito sa kandungan niya ang bouquet ng mga pulang rosas saka kinudlitan ng halik ang kanyang mga labi.

"Magandang umaga, Zek." Mataman niyang tinititigan ang binata.

Tuwing pinagmamasdan niya ito naalala niya kung anong nakita niya roon sa hotel. Kung paano nito binabayo si Arielle habang nasa ibabaw ito ng babaeng iyon na sarap na sarap sa bawat pagsulong ng lalaki.

Pabalik-balik sa utak niya iyon kahit gusto na niyang kalimutan. Minsan lumilinaw. Minsan naman ay lumalabo ang alaala at umaagaw ang eksenang naroon siya sa loob ng sasakyan sa parking area ng TV studio. Tapos bumaba siya para sundan si Zek na bumalik sa loob pero may umatake sa kanya mula sa likod at tinakpan ang kanyang bibig kasabay ang tila kagat ng langgam sa kanyang braso dahil sa pagbaon ng malaking karayom. Hindi niya maintindihan kung alin sa mga traumatic na alaalang iyon ang paniniwalaan niya.

"Love, may problema ba?" Pukaw ni Zek at banayad na hinaplos ang kanyang pisngi.

"Wala," ipinilig niya ang ulo at wala sa sailing ngumiti. Kapag hinayaan niyang magtagal ang ganitong kalagayan ng kanyang utak baka tuluyan siyang mabaliw. "Kumusta na ang mga bata?"

"They're asking if you're okay. Dadalhin ko sila rito mamaya."

"Hinatid mo ba sila sa school?"

He nodded gently. "May classroom evaluation sila. Nakausap ko ang teacher, bukas pwede silang hindi muna pumasok."

BGT 02: THE GLASS QUEEN✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon