Chapter 8 - Huling yugto

1.3K 79 11
                                    

Bilang ama naiintindihan ni Zek ang galit ni Benjamen Alvarro, kaya hindi niya tinangkang lumaban matapos siya nitong suntukin. Kahit ano pa ang mga pagkakamaling nagawa ni Melfina, wala pa ring hihigit sa pagmamahal nito sa anak at hindi nito gugustuhing makitang nasasaktan ang dalaga.

"Ang sabi ko sa iyo ikaw na ang bahala sa kanya. Hindi ko sinabing payagan mo ang kahit na sino na saktan ang anak ko kahit asawa mo pa iyon!" Marahas na angil ng matanda at dinampot siya sa kwelyo.

"Alam ko po, sir. Kaya po ako nandito para humingi sa inyo ng kapatawaran. Kasalanan ko kaya nagawa iyon ng asawa ko." Mapagpakumbaba niyang tugon.

"Daddy? Daddy, what are you doing?" Si Melfina na pumasok sa loob ng kwarto ay tumakbo patungo sa kanya. "Hindi si Zek ang dapat na sinaktan niyo, dad! Hindi siya ang may gawa nito sa akin kundi yong wife niyang kriminal." Humarang ang dalaga sa pagitan nila ng ama nito para protektahan siya.

"Umalis ka diyan, Melfina. Hindi pa kami tapos mag-usap." Matigas na utos ni Benjamen.

"No, daddy! You get it wrong. Zek is innocent. Kung may dapat kayong gantihan, si Virgou Ayala iyon."

"Shut up!" Bulyaw ng matanda na nagpatigil kay Melfina. "Inuutos ko sa iyo ngayon na tigilan mo na iyang kahibangan mo kay Zek. Pinababa mong masyado ang sarili mo, anak. And you dragged this respected NBI official in shame. Tuwing nag-i-eskandalo ka dahil sa kanya, hinahatak mo sa kahihiyan ang pangalan ni Zek. Gusto mong pagpiyestahan siya ng media?"

"But I love him!" Histerikal na sigaw na Melfina. "I love, Zek."

Naipit na siya sa sagutan ng mag-ama. Dapat pa ba siyang manatili roon o aalis na lang? Hindi naman din siya pwedeng umawat.

"Hindi ganyan ang pagmamahal, anak. Love is generous, not selfish. He has a family now, he has a wife and he's happy with them. Paano mo nasasabing mahal mo siya kung sinisira mo ang pamilya niya? Kung sinisira mo ang nagpapasaya sa kanya."

"No," naiiyak na tanggi ng dalaga.

Nanlulumong hinapit ito ni Benjamen at niyakap. "You'll find someone soon. And that someone will cherish you like how I cherished your mother. Hindi mo kailangang magmadali."

"But I want him. I only want Zerriko Gray." Tangis ni Melfina.

"Hindi na siya malaya para sa pagmamahal mo."

Nagbaba siya ng paningin nang pukulin ng matanda ng matalim na sulyap. Siguro may mali rin siya hindi niya lang napansin. He might have showed Melfina a false hope unintentionally. Kasi wala namang dahilan para magkaganito sa kanya ang dalaga.

"Zek, can you join me for a drink?" Humabol si Melfina sa kanya habang palabas siya ng suite pagkatapos niyang magpaalam kay Benjamen Alvarro. "Ito na ang hihingin kong kabayaran sa ginawa ng wife mo sa mukha ko."

Tumango siya ng marahan. A few more minutes wouldn't hurt. "I can't stay long." Sumunod siya rito patungong elevator.

They went up to the rooftop where the bar was situated, accommodating the patrons staying at the suites below. Agad silang pinagsilbihan ng waiter pagkaupo nila sa couch na nagliliwanag dahil sa klieg lights. Dinala sa kanila ang wine na inorder ni Melfina at dalawang wine glass.

"Hindi ako iinom. Sinamahan lang kita." Tinanggihan niya ang inumin na ibinigay ng dalaga.

"Your loyalty to your wife really made me sick." She smiled bitterly after a taste of the wine from her own glass.

"Yeah, I know." Sang-ayon niya. "Maraming hindi nakakaintindi sa pagmamahal ko kay Virgou. People perceived this love I have for her is not normal anymore. Kahit pagkalalaki ko ay hindi na nagigising sa ibang babae. I tried watching porn and naked girls flaunting their thing uncovered but instead of getting excited I find it extremely boring."

BGT 02: THE GLASS QUEEN✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon