Chapter 4 - Huling yugto

1.1K 79 19
                                    

Natatawang hinahabol ni Virgou ang mga anak na tumuloy patungo sa naka-ornang imahe ni Sr. Sto. Niño, sa may lobby ng Rockwell. It's Friday and part of the routine they're having is to offer some flowers to this miraculous protector of the province. Nilingon niya si Zek na nakabuntot sa kanila habang abala pa rin sa cellphone nito. She's still can't grasp the whole thing with his disturbing idea about Marco Sandejas following her. Pero pagbibigyan niya ang gusto ng asawa. She will stay at home for the time being until the issue died down.

"Zek," tinawag niya na ito.

Binilisan ng lalaki ang hakbang at itinago ang cellphone sa bulsa ng jacket. "Sorry," agad siya nitong hinapit at lumapit sila sa orna. Nakatingala na roon ang mga bata. Anyong nagdadasal.

They put the flower on a big crystal base just below the altar. Tumingala sa kanila ang mga anak at sabay-sabay na ngumiti.

"You're done praying?" Natutuwa niyang tanong sa mga ito.

"I'm done, Mama. I told Papa Jesus to take care of you and the babies inside." Sagot ni Zak na hinaplos pa ang kanyang tiyan. "I also told Him to protect Papa Zek from any trouble because we don't want him to get hurt."

"How about Zed and Zen?" Binalingan niya ang dalawa na humahaba ang mga nguso kasi gustong maunang magsabi kung anong ipinagdadasal pero naungusan na naman ni Zak.

"I said thank you for the wonderful day." Mabilis na sumagot si Zen. Namimilog ang ilong na kinakamot nito. It was his gesture whenever he is proud of something.

"Zed?"

"I asked Papa God that the babies will be fine." Zed rolled his eyes, disappointed being the last one to tell his mind.

Natatawa na lamang sila ni Zek at niyapos ang mga anak. Pagkatapos batiin ang iilang mga kakilala sa lounge ay tumuloy na sila sa elevator. Matapos ang tanghalian ay inatupag niya ang assignment na ibinigay ni Atty. Oli, habang nakikipaglaro naman si Zek sa mga bata sa sala. Pinag-aralan niyang maigi ang takbo ng Ayala Corporation sa nakalipas na tatlong buwan para sa bagong investment na papasok.

Gusto niyang ituon ngayon ang atensiyon ng kompanya sa real state. Gagawa siya ng matrix para roon. Bahagi ng magiging presentation niya ang ipakita kung gaano kalaki ang magiging ambag ng sector na iyon sa buong operasyon ng Ayala Corporation. Lunod na siya sa binabasang mga dokumento nang buhatin siya ni Zek mula sa kanyang silya at sinarhan ng mapusok na halik ang kanyang mga labi.

"Zek," hiningal siya pagkatapos ng halik.

The violent rush of lust advancing through his eyes is telling her otherwise what he is up to. She can tell when he is sulking. She can tell when he is confused. And now he is showing again what's he looks like when he is jealous.

She fell asleep after he ravished her inside the bathroom. Nang magising siya ay wala na si Zek.

"Umalis siya. May imbitasyon raw galing sa national director." Sabi ni Nana Matilda nang usisain niya.

Balisang kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang asawa. Bakit hindi ito nagpaalam sa kanya ng maayos? Nakailang pindot na siya ng contact profile nito ngunit unattended pa rin. Dinumog na ng kaba ang dibdib niya.

"Binilin nga pala niyang hindi ka raw pwedeng lumabas." Atubiling pahayag ng matandang babae na maaring nagtataka dahil walang maayos na paliwanag si Zek sa rason kung bakit.

Tumango siya at hinaplos ang tiyan. "Ang mga bata po, nasaan?" Tahimik sa kwarto ng mga anak niya gayong kapag ganitong oras kadalasan ay nagkakagulo na ang mga ito sa paglalaro.

"Bumaba sila, kasama sina Jim at Mikoy. Nagyaya kasing sumali sa novena roon sa lobby."

"Nandito sina Jim at Mikoy? Anong ginagawa nila rito?" Gulat niyang tanong at sinipat ang orasan nila sa dingding. Pasado alas-singko na ng hapon. Malamang nagsisimula na ang novena sa ibaba.

BGT 02: THE GLASS QUEEN✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon