Chapter 5 (1) - Ikaapat na yugto

1.1K 78 4
                                    

For the past four hours, Virgou's condition hasn't improved. She is running a high fever and was awaken by frightening nightmares every now and then.

Fortunately, terror subsides when she opened her eyes and found Zek stayed beside her holding her hand while a resident doctor from the district hospital attended to her.

She is mentally constricted and emotionally stressed. Paulit-ulit niyang nakikita sa kanyang panaginip si Zek na namamatay at wala siyang magawa.

"I think it's better if we brought her to the hospital." Pahayag ng doctor.

"No," pagod niyang tanggi. "Dito lang tayo, Zek. This is our honeymoon. You should get to enjoy this."

"Love, mas maaalagaan ka roon sa hospital." Zek tried to persuade her.

"Ayaw ko. Inaalagaan mo naman ako rito. I like it here more than anywhere."

Walang nagawa si Zek kundi pagbigyan siya sa gusto niya habang ang doctor ay naiiling na umalis na lamang matapos magbilin ng kung anu-ano sa lalaki.

Naiinis siya sa sarili niya. Bakit hinayaan niyang masira nang ganito ang honeymoon nila? Ang saya-saya pa nila noong isang gabi.

Nakatulog muli si Virgou matapos kumain at makainom ng gamot. Pero pagod na pagod pa rin siya nang magising kinabukasan kahit bumaba na ang lagnat niya. Masakit ang ulo niya at sobrang bigat ng kanyang katawan. Ang dibdib niya ay masikip. Mahapdi ang kanyang mga mata at kumikirot ang ilong niya. Hirap siyang hilahin ang sarili para bumangon.

Naririnig niya mula sa nakaawang na pintuan ang ingay ng mga anak. Palagay niya ay nagtatakbuhan ang mga ito galing sa katabing kwarto.

Sinipat niya ang oras sa kanyang cellphone. Pasado alas-sais na ng umaga. Ang haba ng itinulog niya. Umusod siya at inot-inot na bumaba ng kama. Nasaan si Zek? Kapag ganitong magulo ang mga bata, kadalasan kasunod niyang maririnig ang tinig ng lalaki na pinag-iingat ang mga anak.

Umarangkada na naman ang kaba at matinding takot sa kanyang dibdib. Dali-dali niyang tinungo ang pintuan kahit pakaladkad ang bawat hakbang. Pero bumangga siya sa matigas na dibdib ni Zek na noon ay papasok ng kwarto.

"Love," hinapit siya nito sa baywang.

"Zerriko," yumakap siya rito ng mahigpit.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Bakit ka bumangon?" Nag-aalalang sita nito.

"Narinig ko ang mga bata."

"Yeah, breakfast is ready. Gutom na siguro ang mga iyon at hayon sumalang na sa mesa." Bahagya itong natawa. "Do you want me to bring your food?" Sinalat nito ang kanyang noo at leeg.

"No, I'll join you at the table." Kumalas siya at tumingala sa asawa. Hinaplos niya ang panga nito. Hinding-hindi siya magsasawang pagmasdan ang gwapong mukha ni Zerriko. "I'm sorry, I was being reckless. Hindi ko na inisip ang babies dito sa sinapupunan ko."

"It's alright, love. They're going strong like you. Kakapit sila ng maigi tulad ng pagkapit natin sa isa't isa." Hinagkan siya nito sa noo at inakay patungong kusina.

"Mama!"

"Mama!"

"Mama!"

Nag-uunahang sumalubong sa kanya ang mga bata at yumakap.

"Hi, babies! Sorry, Mama's not able to play with you." She bent down and they had a sweet group hug.

Zek is smiling, watching them. The kind of smile he had when she first saw him at the university. A smile that makes the day captivating like before and until now.

BGT 02: THE GLASS QUEEN✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon