UNO

115 5 8
                                    

Warning
This story contains mature content that are not suitable for young readers. Mature Contents such as sex and depressing scenes.
If you find some part of this story uncomfortable you can skip or rather remove this story from your library.

___________________________________
"DELAILAH VON GRACIA"
Tumayo siya at nagsimulang magpalakpakan ang lahat.
Sa wakas nakatapos narin siya sa kursong Business Administration. Tumingin siya sa mga nanonood at nakita niya ang kanyang Daddy at Mommy na pumapalakpak. Napatungo siya dahil halatang hindi sapat para dito na nakapagtapos siya, alam niyang mas gusto nila na makapagtapos siya ng may latin honors.
Pinilit niyang magfocus sa pag aaral at kalimutang ang nangyari ngunit gabi gabi siyang binabalik-balikan ng kanyang nakakatakot na nakaraan. Gabi gabi tuwing nakapatay ang ilaw at humahangin.

"After a week, magsisimula ka na sa pagtrabaho sa company ng Tito Andre mo" ani ng daddy nya habang kumakain sila sa isang isang fine dining restaurant. Kakatapos lang nga graduation ceremony nya at dito nalang naisipan ng mommy niyang magcelebrate.

"Dad, I was thinking na baka pwedeng magpahinga muna ako kahit 6 months lang" mahinang saad ko.
Kailangan niya ng 6 months para hanapin at bigyan ng hustisya ang nangyare sa kanya ilang taon na ang nakalipas. Ito ang pangako niya sa sarili.

"And what? Tatambay ka sa bahay?" napahigit siya ng hininga ng tumaas ang boses nga daddy niya. Agad naman itong hinawakan sa kamay ng mommy niya para pakalmahin.
"Dan, pagbigyan mo na ang anak mo." sabi ng mommy niya at tinignan siya.
"Of course anak, you can take a rest for 6 months, i know how hard college is" malambing na sabi sa kanya ng mommy niya.
She said thanks to her parents and started eating her dinner.
Palabas na sila ng restaurant ng may na amoy siya.
Yung amoy na yon. Bakit parang familiar?
Naputol lamang ang pag iisip  iya ng tawagin na siya ng Mommy niya para pumasok sa sasakyan.
"I'll give you 6 months Delailah and after that you should start working" mariing sad ng daddy niya na hindi inaalis ang tingin sa daan.
Ngayong nakapagtapos na siya ay makukuha niya na ang trustfund na binigay ng lola niya bago ito bawian ng buhay 4 na taon na ang lumipas. Kakailanganin niya ito sa paghahanap ng hustisya para sa sarili. Ang lola niya lamang ang bukod tanging naniwala sa kanya ngunit, pinigilan siya nitong magsabi sa mga otoridad, marahil kakapanalo pa lang ng Daddy niya bilang Mayor ng kanilang lungsod kaya mainit pa ang mata sa kanila ng mga tao. Kung kaya't ng lumabas ang balita na overdose siya sa pag gamit ng ipinagbabawal na gamot ay yun nalamang ang galit sa kanya ng Ama niya.
"Devon, I think you should rest" sabi ng mommy niya pag dating nila sa bahay.
Tumango lamang siya at tumungo na sa taas kung saan ang kwarto niya.
Nasa kalagitnaan siya ng pagliligo at pagiisip ng na amoy niya kanina ng biglang umulan ng malakas.
Naging mabigat ang kanyang paghinga at nanlambot ang kanyang tuhod. Simula na mangyare sa kanya iyon ay tila natatakot na siya sa tunog ng lagaslas ng tubig, sa tunog ng hangin tuwing nakakapasok ito sa maliit na sihang ng sliding door niya papuntang balkonahe at higit sa lahat tuwing sasapit ang gabi at nakapatay na ang lahat ng ilaw pakiramdam niya ay may nanonood sa kanya, nagsususbaybay sa mga kilos niya.
Pinatay niya ang shower at nanghihinang umatras ng may mabangga siya sa likod, ang kamay nito ay mabagal na pumapalupot sa kanya at ang hininga nito ay nararamdaman niya sa leeg niya.
"Akin ka lang" narinig niyang sabi nito
Nagtaasan ang lahat ng balahibo sa katawan niya at biglang siyang sumigaw. Dali-dali siyang lumabas sa  banyo papuntang kama niya at kinuha sa kabinet ang kutsilyong tabi-tabi niya tuwing natutulog.
Niyakap nito ang sarili at nagsimulang umiyak.
Nakarinig siya ng yabag sa banyo at tunog ng sapatos papunta sa kanya. Sigaw siya ng  sigaw.
"Tama na!!!l"
"Maawa ka!!"
Hanggang sa papalapit na ang yabag kaya mas lumakas ang sigaw niya.
"Wag please huwag!! Maawa ka! Tulooong!" sigaw niya
Nakayakap sa sarili, nakahanda ang hawak na patalim sa kabilang kamay at nakapikit habang umiiyak at sumisigaw siya habang papalapit ng papalapit ang yabag ng bigla itong nawala kasabay ng pagtila ng ulan.
Kaya dahan dahan siyang nagmulat ng mata.
Inaatake na naman siya ng nervous breakdown niya. Inabot niya ang gamot sa taas ng kabinet, at kumuha ng maiinom na tubig katabi lamang nito. Agad niyang ininom ang gamot ng mapansin niyang may bahid ng dugo ang baso. Nakaramdam siya ng hapdi sa kamay niya, merong mahabang sugat dahil sa paghawak niya ng patalim, masyado yatang napahigpit.
Kumuha siya ng first aid kit sa banyo at ngsimula ng gamutin ang sugat niya.
"Dapat hindi to makita ni Mommy bukas" saad niya sa sarili dahil alam niya na gugulo lamang kapag nakita ng mommy niya ang mga sugat sa katawan niya. Mga sugat na nakahilom na at mga sugat na bago pa.

Akala niya ay nagiging successful na ang session niya kay Dr. Clarke, ang kinuha niyang Psychiatrist. Lingid ito sa kaalaman ng mga magulang niya. Pagkatapos ng nangyare ay halos kalahating taon siya na hindi mkatulog ng maayos at nagigising tuwing gabi na habol ang hininga. Kaya't napag desisyonan niyang komunsulta sa doctor. Mabuti nlng at napakiusapan niya ang doctor na kung maari ay secreto ang pagpapakonsulta niya dito, at sadyang ito talaga ang protocol ng doctor.
Nakakaexperience siya nito tuwing may bagay na nakapag paalala sa kanya ng sanhi ng trauma niya. Halos ilang buwang na noong hindi siya inaatake ng trauma niya ngunit sa nangyare ngayon mukhang tataasan na naman ng dosage ang gamot niya.
Pagod na binagsak ng katawan sa kama.
Gusto niya mang matapos ang lahat ng ito ngunit alam niyang hindi ito matatapos hanggat hindi niya nabibigyan ng hustisya ang nangyare sa kanya.
Isa pa gusto niyang mahanap agad ang mga kumindnap at nang rape sakanya, para hindi na maulit ang nangyare sa kanya sa ibang babae.

"Tell me Devon, what happend last night?" tanong ni Dr. Clarke ang Psychiatrist niya, maaga pa lang ay nandito na siya at naghihintay sa doctor.
Ngayon, nakahiga siya sa parang sofa, nakapikit ang mata at nakatutok ang mukha sa mataas na lamp katabi lamang ng sofa na kinahihigaan niya.
"I was in a shower, then I felt someone behind me. I felt him touch me and said words. I was so scared, my knees are trembling and suddenly I felt suffocated that I feel like fainting, and then it stopped. I opened my eyes and no one was their"

"Then what about the cuts in your hand, can you tell me how you got those?"

"hindi ko alam Doc, pagmulat ko nakita ko nag dumudugo ang kamay ko"
Tumango ito at ngsulat sa notebook niya.
"Is there any chances na before nangyare ang breakdown mo kagabe ay may na alala ka? Or may bagay na nakapag pa alala sayo?"

" That smell, its very familiar Doc, and I can't stop myself from thinking where did I smell it?"
tumango ulit ito at tumayo na at pinatay ang ilaw. Minulat niya ang mata at umupo na.
"There are certain triggers that can affect your past traumatic memory, and in your case, you said na dahil sa pabango na na amoy mo. This could be very familiar and plays a certain role in your past that your mind and senses knows however, your memory fails to acknowledge. I adviced you to go here thrice a week and I'm afraid I should add more dosage to you maintenance."
Nagpa alam na ko at lumabas ng clinic at pumara ng taxi.
Kumunot ang noo ng taxi ng mapansing naka sports attire siya. Sinadya ko talagang ganito ang suot para may magkita ako na rason pag uuwi na ako sa bahay.

_____________
leave some feedbacks, I really need it right now. Thank you, Stay safe.

ᜑᜒᜇᜌ ᜋᜈᜏᜇᜒ

DARK ROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon