CHAPTER 9

25 9 1
                                    

Maria's POV

Tapos na namin ang trabaho ng mahanap kami ni Jasmine. Binalik niya din yung baril kay Tobi at nagsorry pa pero wala naman yun kay Tobi since may extra namang kunai at shuriken yun na nakatago sa bulsa niya.

Half japanese half filipino yun eh. Nung namatay yung mama niyang japanese at nagpakasal ulit ang tatay niya, pinatapon siya dito instead na patayin siya nung stepmother at sariling tatay niya.

Ngayon, pabalik na kami sa dorm ni Jasmine na nakahawak sa kanyang tiyan dahil nagugutom na. Luckily, wala kaming mga hunters na nakakasalubong.

Kung may aatake man saamin, malamang ako ang dahilan at pakay nila.

Nakarating kaming ligtas sa dorm. Parang wala lang kay Jasmine yung nangyari kanina kahit na first time niyang maranasan ang ganon. Halos mamatay ako sa nerbyos nung unang punta ko sa paaralan nato.

But those guys helped me. Sila Kylie at yung iba pang members ng stand by club.

"Ano gusto mo ulam MC?" Tanong saakin ni Jasmine habang nakangiting nag aantay sa isasagot ko.

I smiled back. "Ham and egg"

She saluted. "Owkie dowkie" sabay talikod na saakin at dumiretso sa kusina.

Jasmine's POV

Yahoooo!!! Walang teacher na pumasok sa klase namiiiinnnn. Hehehe. Kaya ayun, bumalik na sa dati ang classroom namin kapag wala pang mga guro na pumapasok.

"Psssttt! Zach" nabigla ulit siya sa tumingin saakin. "Okay ka lang ba?" Tumango naman siya at bumalik ulit sa pagbabasa nung libro about sa... WHAT THE FUCK? CHEMISTRY?

Hindi siya naboboring diyan? Alam kong matalino ako pero yan ang pinakamahirap na subject para saakin. Ilang beses akong nakakatulog tuwing science ang subject at siya nagagawa niya pang magbasa ng chemistry na parang nagbabasa lang ng story sa wattpad?

He's a god.

May bumatok saakin kaya naman napunta ang tingin ko sa walang hiyang hayop na bumatok sa sa aking batok.

Si Psyduck lang pala.

"Naalala mo na ba yung sasabihin mo?" Kunot-noong tanong ko habang hinihimas-himas ang batok ko.

"Tch! Wag mo na ipaalala. Nakakabwisit ka kasi" masungit niyang sabi saakin at may inilapag na bubblegum sa desk ko at agad ko naman iyong kinuha baka kasi bawiin niya.

"Salamat! Akala ko nakalimutan mo na eh" hehehe. Bibilihan ko pa naman sana siya ng memory plus gold.

"Tss" umalis na siya sa harapan ko at bumalik sa upuan niya.

Nanlilisik ang mga mata ng mga babaeng mukhang may crush kay Psyduck. OMYGHAD! Ganito yung nangyayari sa mga wattpad story kapag lumalapit sa main character na babae yung gwapong lalaki at may mga fans sa loob ng klase!

I need to avoid being hated! Baka mamaya tortyurin nila ako!

Lumapit ako sa kanila. Doon sa mga babaeng ansasama ng tingin saakin.

"Wag kayong mag alala! Hindi ako mang aagaw ng crush. Binalik niya lang saakin yung bubblegum na nahulog ko kahapon" bulong ko sa kanila. Yung sila lang talaga ang makakarinig.

"Huh? Pano naman nasabi? Huh?" Masigang tanong saakin nung kaklase kong blonde na may hairpin na skull ang design at nakacross arm pa.

Napakamot ulo naman ako. Pano ko nga ba nasabi? Nanlaki ang mga mata ko ng makaisip ako ng aking isasagot.

"Kung papapiliin ako ng lalaki na para saakin, si Zach yung pipiliin ko" masiglang sabi ko sa kanila habang nakawink at thumbs up.

Tinapik-tapik nila ang aking likod. "Good. Masyado nang marami ang may gusto kay Josh kaya ayaw na namin may dumagdag pang may gusto sa kanya"

Kung hindi ko to ginawa, malamang na misunderstood na nila ang pangyayari at pagtulungan ako saka patayin.

Tyaka Josh pala yung pangalan ni Psyduck? Bahala na! Gusto ko Psyduck eh bakit ba kasi.

Atyaka totoo naman yung sinabi ko sa kanila eh! Mas pipiliin ko si Zach kaysa sa mga crush nilang yon. Ambait-bait kasi ni Zach eh tapos nagpapakopya pa, matalino at nerd. Ganyang klaseng lalaki pa naman ang tipo ko. Hihihi.

"Owkiiee! Balik nako sa upuan ko" sabi ko sa kanila at tumango-tango naman ang mga ito.

Si MC kasi nandodoon sa tapat ng upuan ni Jack at isa sa mga nagkukumpulan doon kaya tahimik lang ako sa upuan ko.

Hayys! Pano ko kaya gagawin yung misyon ko? Tutulungan ko pa naman si Psyduck na mapansin siya at magkagusto sa kanya si MC pero eto naman si MC adik na adik sa pinsan kong hindi naman siya ang gusto.

Mahilig kasi yan si Jack sa mas matanda sa kanya! Mga nasa 20 hanggang 23 ang edad ganon.

Biglang may pumasok sa loob ng classroom namin. Yung class president ng section namin. Si Hailo.

"Sa friday, magkakaroon ng Pass the Relay baton at iba pang mga sports activities since October na at oras na para sa sports festival. Kaya wala daw klase ngayon at busy ang mga teachers, student council, pati narin ang mga class presidents each sections and year" wika niya saamin at tuwang-tuwa naman ang mga kaklase ko.

Napakamot ulo ako. Hayyss. Etong event pa naman ang pinaka ayaw ko sa lahat. Well, hindi naman siguro isasali nila ako dito eh hehehe.

Atyaka wednesday palang ngayon. Anong klaseng sports activities kaya ang mayroon dito? Hindi na ako mag eexpect na katulad sa mga normal na school ang ganong klaseng sports activity ang mayroon dito since abnormal tong school nato.

Ha ha! Kawawa naman yung mga sasali o masasali bukas.

-The next day-

Pagpasok namin sa loob ng classrom ay nakita namin ang mga pangalan na nakasulat sa blackboard ang mga sasali ng sports sa friday.

"Yes! Wala ako"

"Niceu!"

"Yohoooo!!"

Pagcecelebrate ng mga kaklase kong hindi nakasali subalit...

Labis akong nakaramdam ng panghihina ng makita ang aking pangalan na nakasulat sa board.

SERYOSO?

Atyaka...

POTEK BA'T NASA RELAY BATON PA AKO? JUSKO YUN ANG PINAKAAYAW KONG SALIHAN DIYAN PA AKO NAPUNTA?

"Whoa, my name wasn't there" MC vaunt.

Masama ko siyang tinignan at hinawakan ang magkabilang balikat niya.

"MC, pwede maging ako ikaw? At ikaw maging ako? Waahh! Ayaw ko sumali sa ganito"

She smirked. "No, you'll have to accept that fact, Dear. You're just unlucky"

Tinamaan ako sa sinabi niya at lantay gulay na umupo sa aking upuan.

Yung adviser namin ang magdedecide kung sino sasali? Hayy! Nakakainis naman oh!

"Good luck, Jasmine" nakangiting sabi saakin ni Jack na para bang iniinsulto ako porket hindi silang dalawa kasali ni MC.

Magsama kayo! Hmp.

Atyaka si Psyduck napasama din haahaha. Mabuti nga sa kanya. Pero ako... sa kasamaang palad Oo.

I want to die. Seriously.

Biglang may humawak sa aking balikat. "L-let's do our b-best, J-jasmine" napalingon ako sa nagsalita para sungitan ng makitang si Zach pala iyon.

Wait...

Wait lang...

Potek...

NAKAKAPAGSALITA NA SI ZACH?!

The school who is full of secretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon