Jasmine's POV
Nakaupo kaming dalawa sa sahig ngayon. Nagtititigan ng hindi ko alam ang dahilan. Inaantay ko siya magsalita pero hindi naman siya nagsasalita. Siya ang may kailangan saakin ako ba dapat ang kailangan magsabi at mag initiate pang magsalita?
"Ano yon? Sabi mo di ka pa tapos. Napipi kana ba katulad ni Zach? Ha?" Sabay takip sa ulo ko dahil baka mamaya ayun naman ang targetin niya. Nakasandal naman ako sa pader kaya hindi niya masasaktan yung batok ko.
"It's not that" sabi niya without breaking our eye contact.
Kita sa mukha niya ang ekpresyong hindi mapalagay. Parang may something na kung ano siyang nararamdaman. Baka mamaya mahimatay pato at buhatin ko pa mala bigas papuntang infirmary ah! Nakakatamad kaya tapos anlayo-layo pa.
Hindi man halata sa maganda kong mukha, malakas kaya ako. Hehehe. Jokieee.
Nanlaki naman ang mga mata ko at tinuro siya ng may marealize ako. "Wag mo sabihing natatae kana?" Napakagat labi siya at dumilim ang paningin saka kinotongan ako. Oh shit! I forgot to protect that part!!
"Hindi yon! Bobo!" Inirapan niya ako at nagcross arm habang ako naman ay hinihimas yung parteng kinotongan niya. Child abuse.
"Kapag wala nang sasabihin, hayaan mo na. May next time pa naman o baka mamaya gusto mo lang ako makasama sa lugar na tayong dalawa--" kinotongan niya nanaman ako.
BWISIT NA PSYDUCK TO. Mabobobo talaga ako sa ginagawa niya. Naku! Yung matalinong brain ko!
"Nakalimutan ko yung sasabihin ko" napatingin ako sa kanya. Napangisi naman ako at tumabi sa kanya.
Tinapik tapik ko ang likod niya. "It's okay. I feel you. Madalas mangyari saakin yan hindi ka nag iisa" pagcomfort ko sa kanya but he just gave me the look of 'get away from me or else i'll kill you' kaya naman medyo dumistansya agad ako sa kanya.
Bigla kong naalala na may quiz pala kami mamaya. Hindi ko alam kung alam na ng buong klase kung matalino ako pero hindi ko nalang ipapahalata dahil baka kasi pag initan nila ako kung sakaling hindi ko man sila pakopyahin.
Kopya kopya nalang pag may time. Pahinga ko muna tong brain ko nandiyan naman si MC at Zach na mga legend kong katabi. Hihi.
"Oi, Bitch" tawag niya... saakin?
"Ako?"
"Sino pa ba ang iba kong kasama dito?"
"Yung mga langgam na naglalakad sa tabi mo"
Kokotongan niya sana ako ng mahawakan ko ang kamay niya. Nakangisi ko siyang tinignan na para bang sinasabi ko na hindi niya na ako masasaktan pa katulad ng mga ginagawa niya kanina.
I really hate it when someone's hurting me. Specially when they make me bleed? But right now, that doesn't seem to be the case. Psyduck's hand is like a teddy bear's paw. I just feel like catching his hand since napapasobra nadin siya.
"Gotcha" nakangiting sabi ko sa kanya pero tinabig niya kaagad yung kamay ko at pinitik ang aking noo.
"Gotcha my ass. You may go now. Hindi ko na natandaan, nakakainis ka kasi"
"You may go my ass. Hindi ko na matandaan my ass. Nakakainis ka kasi my ass. Puwet mo mabaho!" Natrigger siya sa sinabi ko kaya bago pa man niya ako malapitan ay agad na ako lumabas sa room na yon at tumakbo.
Pagkaliko ko sa hallway ay huminto muna ako sa pagtakbo para maghabol ng hininga. Damn! My stamina is getting weak. Tumataba na kaya talaga ako? Dati hindi ako napapagod kapag tumatakbo ng ilang minuto nakikipagkarirehan pa nga ako sa mga aso at teacher na hinahabol ako eh. (T-T)
BINABASA MO ANG
The school who is full of secrets
Gizem / GerilimNag transfer ako sa isang iskwelahan di sya famous. Wala rin akong nakita nong sinearch ko sa google at facebook. Hemilton University ang pangalan nya. Ang weird nga eh...... Halos lahat ng napasukan ko meron lumalabas sa facebook o google pero ito...