CHAPTER 6

28 11 12
                                    

Jasmine's POV

"Hey, Jasmine" tawag ni Sou sa pangalan ko. Sabi niya tawagin ko nalang daw siyang Sou dahil baka mamaya daw Suyod nanaman ang itawag ko sa pangalan niya.

"Why?"

"Just call us if something ever happens" tumango-tango ako sa sinabi niya kahit hindi ko medyo gets yun. "You see, medyo madami-dami ang may galit kay MC dito. She can handle them naman pero kapag nagjoin forces na yung mga gago, hindi niya kakayanin kalabanin ang mga yon" dagdag pa niya.

Ngumiti ako. "Don't worry! I'll help her" sabay thumbs up sa kanya.

He giggled. "Haha. Okay, okay"

"Nga pala," biglang nagsalita si Kylie at tumingin saakin. "Gusto mo sumama mamayang gabi saamin, Jasmine?" Mapanuksong aya niya saakin habang nakangisi.

Ano naman kaya ang gagawin namin mamayang gabi? Eh bawal nga lumabas dahil may mga hunters daw eh. Baka mamaya masaktan ako. Ayaw na ayaw ko pa naman ang nasasaktan ako.

"Delikado daw diba?" Sabi ko.

"We got your back. We'll never let a friend die" napangiti nalang ako sa kanya. Hindi ko alam kung pagkakatiwalaan ko ba yung sinasabi niya o hindi.

For now, makisabay nalang ako sa trip nila.

"Anong gagawin?"

Sumandal siya sa sa swivel chair niya. "We got a request from someone to kill a certain person" matalim na tingin ang binibigay niya saakin habang hindi parin nawawala ang ngisi sa kanyang labi.

"We do jobs?" Kunot noong tanong ko. Akala ko stand by lang kami dito at walang iba pang gagawin kundi tumambay lang talaga.

She laughed. "Precisely. Hindi lang puro tambay ang ginagawa natin. We're ready for any duty we are given. Give and take lang. Ibibigay nila saatin yung mission at bayad then gagawin natin ang inutos satin. Yun ang purpose ng club nato" paliwanag niya.

Napaisip tuloy ako ngayon kung sasama ba ako o hindi kasi naghahantay siya ng kasagutan saakin. Magagalit kaya siya kapag hindi ako sumama? Hindi naman sa ayaw ko... hindi ba mas maganda kung wala kang gawin para hindi ka kagalitan ng ibang tao? Hindi naman siguro... I mean, mga baliw na kasi ang tao dito eh... ibig sabihin ba non ganon din ang mga taong kasama ko sa kwarto nato?

I feel strange... i'm not scared or anything. I think for me, this is just normal though it really wasn't.

"Owkie dokie! I'll go" sabay salute ko at napangiti siya.

"Good. We'll provide a weapon you want later. Pumili ka nalang" tumango-tango nalang ako bilang sagot.

---------------

Mag isa ko ngayong naglalakad sa hallway. Hindi ko kasama si MC ngayon dahil may kailangan daw siyang gawin. Mabuti nga hindi niya ako sinama kasi tinatamad ako ngayon eh.

Parang gusto ko lang humiga sa kama at matulog tapos walang gawin? Hayyss! Kung pwede lang...

"Oi"

"Ay kalabaw na lumipad!" I said out of suprise. Pano ba naman kasi napakatahimik ng hallway na dinadaanan ko tapos may magsasalita ng bigla-bigla!

"Tss. Was it really that suprising?" Masungit na sabi ng isang pamilyar na lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko at tinuro siya ng maalala ko kung sino siya. "You're that pervert door wrecker!"

Mas lalong kumonot ang noo niya at tinignan ako ng masama. B-bakit? Wala naman akong ginawang masama ah! Siya nga yun eh kaya dapat ako ang magalit.

The school who is full of secretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon