Isa

141 1 0
                                    

Isa dalawa tatlo sisimulan ko
sa pagbibilang ng mga numero,
Sa paggamit ng mga pwede kong
itugmang salita sa buhay ko

Ngunit magiging sapat ba ang mga
numero't salitang tugma saakin?
Sa mga problema at pagsubok na
dadaan sa buhay na sana hindi akin

Hindi sasapat ang kakaunti na mga
numero upang ako'y makilala mo,
Hindi sasapat ang salitang na kaya
kong itugma maipakilala ko lang ako

Ngunit masisimulan ko ang piyesa
na ito sa masasayang ala-ala,
Na tatapusin ko sa malungkot na
karanasan na aking natamasa

Sino ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon