[ 4 ] Acquaintance Party?

13 3 0
                                    

A/N: Hi, readers! I hope you enjoy the story so far. Kung may papansin kayong wrong grammars, pagpasensyahan niyo nalang. Pati rin kasi ako nahihirapan sa mga english ni Austin. Don't forget to vote and comment positivities. =)


IV. Acquaintance Party?

Yshea's Side

Pagmulat ko ng mga mata ko ay hindi gaanong tirik na tirik ang araw, tulad ng kahapon. Mas mabuti, para naman hindi ako mainitan at magkasunburn. Syempre, wala kasing bubong ang bisikleta, diba? Parang uulan rin ngayon kasi medyo maambon. Pero wag naman sana, kasi hindi ko kayang mag-payong habang nagpepedal. Ano yun, 2 in 1? Hindi ko naman ata kaya yun, ano.

Agad kong tiningnan ang oras, sa takot na rin na baka malate ako sa 2nd day namin. Mahirap na't baka mabungangaan na naman ako nung gurang na balyena naming teacher. Sorry, kung judgemental si ako, ha! Hindi naman ako seryoso. Nakalimutan ko rin kasi ang pangalan nung teacher namin. Ang tangi ko lang kasing naaalala this day, is yung mga pangalan ng dalawang lalaki na nakasalumuha ko sa school kahapon. Infairness, pareho silang gwapo tsaka matitipuno. Kaso, kung titingnan ang mga ugali nila, malaki talaga ang pagkakaiba.

Woaaah! Himala, milagro, miracle! 6:29 palang ng umaga! Naunahan ko ang alarm clock ng 1 minute! Gosh, I'm so proud of myself na talaga. The best talaga si self. Agad na akong naligo at kumain ng agahan. Tortang talong at hotdog ang ulam namin ngayon with matching fried rice sa gilid. Cherep! Mapaparami ata ang kain ko ngayon! Pero it's okay, hindi naman ako tumataba e.

"Oh, anak. Ang aga mo ata ngayon?" tanong ni inang.

"Kashi..." panimula ako at nilunok ang kanin na nginunguya ko. "Kasi, late ako kahapon kaya gusto ko maaga na ako ngayon." sabi ko.

"Late ka kahapon? Bakit? 'E ang aga mo ngang umalis kahapon 'e." nagtatakang tanong ni inang.

"Kasi, akala ko 9:30 ang klase. Pero 7:30 pala. Ayun, nalate ako." sabi ko.

"Anong dinahilan mo sa teacher mo?" tanong ni itang.

"Na natraffic ako kaya ganon." tugon ko.

"Malalate? 'E bisikleta gamit mo. Baka magtaka teacher mo nyan. First day na first day, late ka." sabi ni itang habang kumakain.

"Kaya nga itang 'e. Buti nalang nasatisfy siya agad sa sinabi ko at mukhang hindi narin siya interesado."

"Pagbutihan mo yang pag-aaral mo, anak ha. Kasi yan lang maipapamana namin sa'yo." nakangiting paalala ni itang.

"Opo. Pero hindi naman rin ako makakapagtrabaho at magkakapamilya 'e." sabi ko na nagpaseryoso sa mukha nila pero agad ko itong binawi para mawala ang bad atmosphere sa pagitan namin. Lalo na't ayoko silang malungkot.

Pagkatapos kong kumain ay agad na akong umalis nang napakaaga para naman masigurado kong hindi ako malalate 'noh.

Paspasang pagpepedal ang ginawa ko pero napag-isip-isip kong dumaan muna sa convinience store para bumili ng ipanglulunch ko. Sa room nalang ako kakain mamaya, para iwas gulo at hindi na rin ako masabihang tanga.

Habang nakalinya sa counter ay may nakita akong pamilyar na mukha sa may coffee vendo at pilit kong iniisip kung sino nga ba siya. Hmmm... Pero hindi na ako nahirapan pa sa pag-iisip. Kasi bigla siyang lumingon sa gawi ko at ibinulsa ang cellphone na kanina pa niya hawak.

"Uy, Treece!" bati ko habang nakangiti.

"Shei!" tugon niya. Shei? Siya lang ang tumawag saken nun. Nakita ko siyang papalapit sa akin habang hawak ang kape na binili niya.

"Shei?" tanong ko nang makalapit na siya sa akin.

"Ah, kase medyo mahaba ang Yshea tsaka nag-isip ako ng itatawag sa'yo and Shei comes up to my mind first. Bakit, ayaw mo ba? Hindi mo ba nagustuhan?" tanong niya.

Crestfallen (YH Girls Series #1)Where stories live. Discover now