[ 6 ] Let Me Help You

19 2 1
                                    

VII. Let Me Help You

Yshea's Side

Hindi ko alam ang sasabihin, hindi ko alam ang gagawin sa ginawang pagsigaw ni Austin sa harapan ko. Ganyan ba talaga siya? Napakamainitin ang ulo. Parang for a second nawala ang Austin na nagpayong sa akin kanina dahil lang sa mga words na nasabi ko. Parang for a second, natakot ako sa kaniya. Nakakatakot pala siyang magalit. Kasalanan ko rin kasi 'to. Hindi ako nag-iisip kung ano ang sasabihin ko.

Siguro'y nasaktan siya sa mga sinabi ko. Pagkatapos niya akong sigawan ay padabog siyang umalis sa harapan ko at narinig ko pa siyang nagmura. Patay ako neto. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga kaklase ko. Nakita ko ring nagulat si Treece sa nangyari at biglang lumapit sa gawi ko.

"Shei..." sambit niya. "What happened?" tanong niya habang tinitingnan ang pintong pinaglabasan ni Austin.

"May nasabi ata akong hindi maganda." nahihiya kong tugon pero kumunot lang ang noo niya dahil sa pagkalito. "About what?" tanong niya ulit.

"Basta. K-kami na bahala dun." saad ko at tumalikod sa kaniya. Ayaw ko kasing madamay pa siya rito at baka masira pa ang pagkakaibigan nila dahil lang sa akin. At hindi ko papayagang mangyari yun.

"Shei. C'mon! We're best friends. I should know what was happening to Austin." gusto niya talagang malaman kaya sasabihin ko nalang.

"Fine, sasabihin ko na." napipilitan kong saad. "Diba nga hindi siya tumutulong sa'yo kanina tapos Class Vice President pa naman siya. Sabi ko tatamad-tamad siya tapos siguro ganyan rin siya sa bahay, tapos sinabi ko..." putol kong saad dahil kinabahan ako bigla at napatingin kay Treece na nag-aalala.

"A-ano? Anong sinabi mo?" nag-aalala niyang tanong kaya mas dumoble pa ang kaba na nararamdaman ko.

"Sabi ko na... no wonder kung iiwan siya ng p-parents niya." saad ko at iniyuko ang ulo.

"What?! What have you done, Shei?!" gulantang niyang tanong. "Hindi mo alam ang pinagdadaanan niya, Shei." mahinahon niyang saad.

"Tama. Hindi ko nga alam."

"Alright, Shei. Let's talk about this later." saad niya. "Ako nalang bahala kay Austin." dagdag niya and he patted my head.

Kasalanan ko 'to e.

"Wait!" pahabol ko.

"What?" muling baling niya sa akin.

"Alam mo ba kung nasaan si Austin?" tanong ko at tinitigan niya lang ako. "I want to ask for apology for everything I've said earlier." saad ko. Ngunit tinitigan niya lang ulit ako at parang nag-iisip.

"Please?" muli kong pakiusap sa kaniya.

"Okay." sambit niya. "I think I know where he is..."

Austin's Side

Hindi ko sukat akalain na nasigawan ko si Yshea na ganun nalang kahit kakakilala palang namin. Pero hindi ko naman pinagsisihan ang ginawa ko dahil nasaktan talaga ako sa mga katagang pinakawalan niya kanina. Just because I'm just sitting and not doing anything to help as a Class Vice President, pagsasalitaan na niya ako ng ganyan.

"No wonder, kung iiwan ka ng mga magulang mo, dahil jan sa ugali—

She's bullsh*t. Kaya pala una palang nang makita ko siya naiinis na ako sa kaniya. Tinitingnan niya palang ako naiirita na agad ako and having her physical existence is already getting into my nerves! Hindi naman sa OA ako, sadyang nakakainis lang talaga siya.

Masyado akong naapektuhan sa mga sinabi niya. Siguro tama nga siya na kaya kami iniwan ng mga magulang namin dahil sa ugali ko.

Nakuha pa niyang pagsalitaan ako ng mga masasakit na salita. Not knowing how miserable is my life is...

Crestfallen (YH Girls Series #1)Where stories live. Discover now