CHAPTER 1

22.3K 222 19
                                    

CHAPTER 1

"Maya, Maya!" Sigaw ni Emilia nang makita siya ng kaibigan habang sakay-sakay ng pedicab.

"O, bakit? Naku naman at marami pa akong paninda na kailangan mabenta!" Bulalas ni Maya habang kinakamot ang ulo.

"Halika na! Baka ito na ang pagkakataon para makapang-asawa ka ng foreigner!"

"Ha? Sira ka ba? Ang dami  pang utang ni Mama at Papa sa pinagtatrabahuhan nila tapos mag-aasawa na ako? Baliw ka ba?"

"Maya, hindi mo alam kapag US Navy ang na pang asawa mo, siguradong hihiga ka na lang sa salapi!"

"Talaga?"

"Oo! Hindi mo ba nababalitaan  ang ilang mga kababaihan dito? Nasa ibang bansa na sila! Siguradong mababayaran mo ang utang ng magulang mo kung sasama ka sa akin at susubok din!"

"Baka may sakit sila? Nakakatakot naman."

"Kahit kailan talaga! Tinutulungan na nga kita, aayaw ka pa? Tsaka ako rin naman susubok ha? Malay mo ito na ang Prince Charming natin!" Bulalas ni Emilia at tinulak ang pedicab ni Maya upang ibalik sa kanilang tindahan.

Ilang saglit ay narating nila ang puwesto sa palengke. "Ma!" Tawag ni Maya at agad tumakbo papalapit sa kanyang ina.

"Ano iyon?"

"Ma, aalis muna kami ni Emilia. Mabilis lang po ito. Pagkatapos maglalako po ulit ako ng gulay."

"Ha? Ang dami pa nating kailangan ibenta anak. Saan naman kayo pupunta?"

"Eh diyaan lang. Baka po kumita ako ng mas malaki!"

"Nako, Maya! Huwag na huwag kang tutulad sa ilang dalaga rito na ibinibenta ang dignidad kapalit ang pera! Dibale ng mahirap!"

"Mama, opo. Promise iyon, aalis na po ako!" Paalam ni Maya at tuluyang tumakbo papalapit kay Emilia.

"Halika na!" Aya niya 

"Halika't maligo ka na muna, tingnan mong napakarusing mo!"

"Ha? Okay na ito, halika na!"

Kinurot ni Emilia ang tagiliran ni Maya at tuluyan silang umalis papunta sa padaungan ng mga dayo.

Tila nagkakasiyahan ang mga kalalakihan habang bitbit ang kani-kanilang mga maleta. Ang ilang mga US Navy ay marunong ng mag tagalog  gawa ng paulit-ulit na pagbalalik sa Subic. Ganoon din ang iba na nanirahan ng ilang taon sa bansa dahil nakapang-asawa ng Filipina.

"This place seems to be the most beautiful places in Asia. Oh... Also, Filipina girls are beautiful and hot!" Saad ng isang banyaga sa kapwa. 

Dinig ni Dave ang ilang batuhan ng kwento mula sa mga kasamahan. Hindi naman din makakaila na tunay na magaganda ang mga Filipina at tunay na maalagain.

"Dave!" Isang sigaw mula sa hindi kalayuan lugar.

"Fred! Damn, bro! I miss you!" Pabalik na pagbati ni Dave.

"Grabe at halos hindi ko akalain na matatagpuan kita rito!"

"Aba? You can talk tagalog very fluent! Your wife is a good teacher!" Masayang tugon ni Dave.

"She is! Kaya ikaw, ang baluktot mong pagtatagalog at didiretso na rin once you marry a loyal, beautiful and sexy Filipina!"

He smirked and tapped his friend's arm. "Hoping that you do the same with your wife."

"Wait, do you have an apartment to stay in?"

"I will look for one. Maybe in Barangay..." tumigil sa pagsasalita si Dave nang makalimutan ang pangalan ng Barangay na dati'y kanyang tinutuluyan.

Cigarettes After SexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon